♡ First Impression♡

494 10 2
                                    

List of characters:

-Kim Bum-Dazzle Reyes

-Kim So Eun-Iris Mariano

-Lee Min Ho- Zack Reyes

-Geum Jan Di-Nikki

~♚~

Chapter 1

Iris' POV

Suklay dito,suklay doon.Oops! May sabit buhok ko.

Sinuklay ko ulit ang buhok saka ni-ponytail.Sinuot ko naman ang goofy glasses ko at inayos ang jumper ko.

"Tch. nagaayos nanaman ang 'Queen of Nerds' para kay Dazzle" sabi nung babaeng kasama ko dito sa CR.

Yan nanaman ang tawag nila sa'king "Queen of nerds".

Bawat tao sa school na 'to may kategoryang kinabibilangan.

Category one- The famous.

Two-Bullies

Three- Geniuses

Four- Slut

And five,ang pinakahindi napapansing category ang -Nerd

"Oo nga akala naman niya mapapansin siya like duh! Di siya papasa sa taste ni papa Dazzle no!Baka nga masuka pa si papa Dazzle kapag nakita siya.Hahahaha!!"

Nagtuloy na lang ako sa paga-ayos ng uniform ko kesa pansinin sila. Mag-sasayang lang ako ng oras kung papatulan ko sila.

Ako nga pala si Iris Mariano ang babaeng nabibilang sa category five. Tama,isa akong nerd. May suot na goofy glasses,cheap ang fashion sense pero di katulad ng iba,ginagamit ko naman ang utak ko.

"Wala ka ba talagang balak umalis?" Alam ko na ang scene na 'to. Parang mga katulad lang sa mga telenovela yung nerd na laging inaapi api pero reality to kaya di ko hahayaang ma-bully ako.

Humarap na ako sa kanya "Hoy,kung maka-asta ka naman akala mo ikaw may ari ng university na 'to,parehas lang naman tayong may binabayad sa school na 'to." Kakainis tong babaeng to.

"Kung ayaw mo umalis dito pwes kami magpapaalis sayo,hindi lang sa CR kundi sa buong university!"

Kung maka-asta naman sila parang magagawa nila 'yon unless may connection sila sa isa sa pinaka-matataas na officers ng school.

Uh-oh. Di  ako pwedeng mapaalis dito. Kahit anong pangbu-bully sa akin ng mga tao noon hanggang ngayon para lang makita araw-araw si Dazzle at di ko hahayaan mabalewala lang ang mga paghihirap ko sa isang pitik.

Lumalapit sila sa'kin ng dahan dahan tapos yung mga mata pa nila as in nakakaloko! "A-anong gagawin niyong dalawa?" kabado kong tanong.

Nauutal pa ako bakit naman kasi sumobra ako sa tapang? dapat pala lumabas na lang ako ng CR gaya ng utos nila. Oo nga pala ang sabi ko di ako magpapa-api kaya nagawa ko yun.

Lagot na.

"Aww!" napa-'aww' ako kasi bigla akong sinampal nung isang babae.

"Aray tama na!" sinusubukan kong ialis ang buhok ko sa kamay nung kasamang babae na nanampal sa akin.

Bakit ba palagi na lang ganito nangyayari? Hindi na tama to,masyado akong nasanay na nasasaktan. Walang mangyayari kung di ako kikilos,magbabago. Ang tanga ko! Bakit ngayon ko lang narealize yun?

"Tama na.." umaagos na ang luha ko sa mukha ko. Patuloy pa rin silang nananabunot sa'kin.

Konting tiis na lang Iris,matitigil na 'to.

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon