♡ Dare One ♡

266 5 1
                                    

A/N: Meron po akong ipo-post na story next year named "Broken Promises" mas pinagisipan ko po yun kesa dito kasi wala naman talagang plot or lesson itong FYNM. Sana abangan niyo yun at mas suportahan.Baka mga first week of January ko yun ipo-post. Sisiguraduhin kong di kayo magsisisi. ;) Basahin niyo rin yung tula kong "Paano na?"  thankyou!!

***

Chapter 11

Onyx's POV

Nagising na ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko dahil sa bintana ng kubo pero nagising din ako dahil sa malakas na pag-hilik ng mga kaibigan ko.

Kagabi napag-isip isipan ko na rin ang mga consequences na ipapagawa ko dun sa babae.

Gusto niyo na ba malaman 'yon?

Mamaya na! Huwag masyadong excited.

Tatayo muna ako para maghilamos at mag-toothbrush,gigisingin ko na rin si pulubi para ipag-luto kami,7:00 am na rin kasi.

Lumapit ako sa sofa kung saan natutulog si pulubi "Beggar" tawag ko sa kanya.

"Heeeey Beggaaaar? Wake up." sabi ko ulit sa kanya sabay tapik sa braso niya.

Di man siya sumasagot puro ungol lang,lakas pang maka-hilik e parang hindi babae.

Paano ba siya gisingin?

Ting! Bright idea!

"Tulong,tulong,may sunog may sunog! Waaaah!" sigaw ko.

=_=

Grabe na siya,si Harrison nagising na samatalang siya,hindi pa rin? Aish.

"Brad,anong gina--Pffft--haha--gawa mo diyan? Pfft" Lumingon ako kay Harrison na nagpipigil ng tawa.

"Sige,marinig ko pa yang tawa mo. Di ako magdadalawang isip suntukin yang panget na mukha mo!" pagbabanta ko sa kanya.

"Biro lang brod,masyado kang seryoso. E bakit ka ba talaga nagsisi-sigaw ng may sunog? Pffft" Sabi ni Harrison na nagpipigil pa rin ng tawa.

Aish. Huwag ko na ngang pansinin pagtawa niyan,inborn na yang maging baliw e.

"This Beggar! Nihindi siya magising-gising! Babae ba talaga 'to brad?" tanong ko. Baka kase transgender lang to.

"Ay brad... Alam ko na" sabi ni Harrison saka tumayo sa kama niya at bumulong sa'kin.

Bwahahaha! Harrison has a great idea.

Humanda ka saking pulubing parang transgender na tulog mantika.

-

Iris POV

Haaay. nagigising ako sa mga bulungan ng mga tao. Sarap ng tulog ko e.

Nasan na ba yung yakap?

Kapain ko nga.

Kapa.

Kapa.

B-bakit ang lambot saka parang durog durog yung nahahawakan ko? Parang buhangin?

Nananaginip nanaman ba ako? May dagat rin kasi sa resort na ito.

Pero imposible dahil nasa kwarto ako ng black mystery.

"Kawawa naman siya mommy,lagyan na'tin yung bottle niya ng 1 thousand" sabi nung bata.

"Okay baby" sabi naman nung parang mommy niya yata.

Maya-maya lang may naririnig akong tumutunog na parang bote sa tabi ko.

Ano na ba talaga nangyayari?

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon