♡ Chapter 21 ♡

167 3 2
                                    

A|N: Uwaaaaa! nae-excite ako sa mga susunod ng chapters ng story ko. XD ABANGAAAAAN! * Evil laugh*

∽♚∽

Chapter 21

Dazzle's POV

Napasalampak ako sa higa sa kama ko sa sobrang pagod,pagod sa pagkukumbinsi kay Iris na mabalikan niya ang pagmamahal ko sa kanya.

Naba-bakla nanaman ako,napapansin ko kasing masyado na akong madrama nitong mga nakaraang araw. Ganito yata talaga ang pag-ibig.

If you could read my mind,you'd be in tears.

If you could read my mind,you'd be in tears.

If you could read my mind,you'd be in tears.

Pilit kong inuunawa ang mga huling salita na sinambit sa akin ni Iris,para itong puzzle,maliit lamang pero mahirap buo-in.

Sa pagalala ko sa mga salitang 'yon ay naaalala ko rin ang titig niya sa'kin habang sinasabi 'yon,para bang mayroon siyang gustong iparating na mensahe.

Pero 'di muna dapat 'yon ang isipin ko,dapat unahin ko kung paano ko maibabalik ang samahan namin dati dahil sigurado akong galit siya sa akin ngayon.

Matagal na akong nako-konsensiya na dapat ay maging kuntento na ako sa anong mayroon sa amin -ang pagiging magbest friend. Kaya lang ay hindi ko kaya.

Bukas,sigurado akong magmo-mall yun --magisa,baka surpresahin ko siya doon.

Ano naman kayang surpresa? Aish.

Hm..

Ting!

---

Iris' POV

Nandito ako ngayon sa mall,saturday kasi ngayon at lagi akong naka-schedule sa araw na ito para mag-mall.

Mabuti na rin ito para mapawi ang stress ko sa pangyayari kahapon.Kung kasama ko lang sana ang mama ko ay may mapagsasabihan ako ng sama ng loob,kaya lang ay sabi nila,wala na silang balita sa kanya,sila Zack,Nikki at Dazzle ang nagsabi.

Pumasok ako sa isang shop ng mga alahas. Nagikot-ikot ako roon para maghanap ng couple's ring,nalalapit na rin kasi ang Valentines day.

May nahagilap ang mata kong couple's ring na may infinity symbol,makinang ito at talagang agaw pansin sa ganda.

"Gusto niyo po bang bilhin iyan Ma'am?" tanong ng isang empleyado sa shop.

"Pwede bang magpa-customize sa inyo ng singsing? ganito rin ang design pero may idadagdag lang"

Gusto ko kasi lagyan ng pangalan ang lingkod ng singsing ng araw kung kailan naging kami ni Zack.

Nagisip-isip muna ang babae at tinanong niya pa ang isang kasamahan niya at tumango naman ito,bumalik na sa harapan ko ang babae.

"Pwede naman po Ma'am,kaso it will take two days para mabigay po yung singsing"

Two days? Sakto naman sa Valentines day,kaya pwede na iyon.

"Sige,okay lang"

"Kuha lang po ako ng papeles na fi-fill up-an niyo Ma'am"

"Sure!"

Binigyan na ako ng mga papeles at pinaupo ako sa isang upuan para makapagsulat sa kanilang table.

Ng matapos ko ng fill-up-an ay binigay ko na ulit sa babaeng nagasikaso sa akin.

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon