♡ Jealous ♡

393 9 8
                                    

A|N: Hello! pagpasensyahan nyo na tong chapter 6 kung hndi naka-bold yung conversation, gomenasai

♧♧♧

CHAPTER 6

Iris' POV

"Oh sige na,ako nga ang may sulat niyan pero ano naman connect nung pagiging girlfriend ko kuno sa sulat na yan?"

Umamin na ako,obvious na eh.

"Gusto ko si Nikki,gusto mo si Daz---"

"Heeep! Di ko na siya gusto! Past is past" Di ko naman na talaga siya gusto no. Narealize ko na yun.

"Liar. Ang bilis naman mawala sa puso mo si Dazzle? after two weeks,burado na agad?bakit napalitano na ba siya agad? di pa diba"

Tama nanaman siya.

"Osige,aaminin ko na ULIT" Sheez I look like stupid-- wait,no. I'm really stupid.

"Haha! Sabihin mo na kasi yung totoo,may pagka mind reader yata 'to!"

Mind reader? Edi kapag iniisip ko na gusto ko ng cake,malalaman niya? Tapos tapos lagi kong iisipin mga pagkain para malaman niyang nagke-crave ako.

"Oh bakit,kumikinang yang mata mo?" O cleared my thoughts to stop dreaming.

"Ibig sabihin pag may gusto akong kainin,di ko na kailangang sabihin sa'yo? kase mababasa mo na isip ko? Woaaah!"

Kung pagbibigyan niya ako lagi pagdating sa pagkain,kahit forever niya pa ako maging fake girlfriend!

"Baliw! Pagkain agad iniisip mo,may mission muna tayo"

Huwag muna daw pagkain? Aww.

Pero may narinig akong mission ah.

"MISSION? HUWAG MO SABIHING SECRET AGENT KA?!" sigaw ko.

Naku-naku! kung sakaling secret agent siya,manganganib buhay ko! Huwag niyo muna po kukunin yung buhay ko Lord!

Madami pa po akong pangarap sa buhay pati para sa pamilya ko.

"Anong secret agent yang pinagsasabi mo?" kunot noo niyang tanong sa'kin.

Napakamot ako ng ulo "Eh..kasi diba sabi mo mission? eh mga agents yung nagga-ganun eh.."

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Anong nakakatawa?May mali ba sa mga sinabi ko?

"HAHAHAHAHA! WHOO! HAHA"

Makatawa,wala ng bukas? naka-hawak pa siya sa tiyan niya at may pinupunasang luha sa mga mata niya.

"Anong nakakatawa?"

itinapat niya sa'kin yung kanang kamay niya na parang nagse-senyales na 'sandali lang'.

"Oh okay na?" tanong ko.

"W-wait lang. Haha! Inhale..Exhale.." sabi niya habang nakahawak parin siya sa tiyan niya.

"Oh okay na? pwede nang paki-explain?"

"Akala ko ba nerd ka? dapat matalino ka" I rolled my eyes."Di naman kase porke mission ibig sabihin agent na it just means na gagawin natin yun per mission or could I say part by part"

"Ohhh." na-amaze lang talaga ako.

"Now you know"

"Yes I know!" magkakasundo yata kami ni ...

Ano pala pangalan niya?

Magkasama na kami pero di pa namin alam ang pangalan ng isa't isa.

"By the way,ang tagal na nating magkasama pero di pa rin natin alam ang pangalan ng isa't isa. Do you mind to introduce yourself?"

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon