♡ Gangster Outfit ♡

198 5 0
                                    

Chapter 18~

Dazzle's POV

"ONYX?!"

"IRIS?!"

"Beggar?!"

"Gangster?!"

Sabay lagi silang magsalita. Ako naman, palipat-lipat ng tingin.

"Stup--"

"Bit---"

Di na natuloy yung sasabihin nila ng pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"Hephephep!" tumingin lang sa akin yung dalawa.

Humarap ako dun kay Onyx ba yun? "Sino ka?"

"Black Mystery's leader,Onyx Watts"

B-black Mystery? Paano siya nakilala ni Iris? Di niya yata alam na sikat na gang group ang Black Mystery sa Pilipinas,Japan at maging sa Korea.

Ilalayo ko na muna si Iris at baka kung ano pa gawin netong Onyx Watts na 'to.

"Ahh.. S-sige,aalis na muna kami ha? Nice meeting you" halos mautal pa ako sa takot. Ano ba 'yan.

Hinawakan ko na si Iris at hihilahin ko na dapat siya ng "He's my friend,Daz. Isama na natin siya." sabi ni Iris na naka-pout pa.

Nagsasabihan kanina sila ng masasakit na salita tapos kaibigan niya pala siya.

=_____=

Epal naman nitong asungot na to. Hmp! Kung hindi lang si Iris ang nagrequest malamang hindi kita papasamahin.

"Ge" matipid kong sagot. Nakakainis e!

"YEHEY!" sabay hila ni Iris kay Onyx papalayo.

Wow ha? para akong bula na biglang pumutok nang dumating si Onyx.

Nakakahiya naman o. Nandito kaya ako.

-___- Ang bitter ko na.

Saka pagkakaalam ko kasi date namin 'to ni Iris e,dumadamoves na tapos biglang may kutong lupang gangster na sumusulpot?

Aish. Wala na akong magawa,sinundan ko na lang sila.

Ngayon naman,nasa likuran nila ako. Tch. Chaperon na ako ngayon? Tapos ang saya-saya pa ni Iris habang kasama yung kutong lupang Onyx!

Ang sakit kaya dito -> ♥

'Di ba nga dapat maging masaya ako dahil masaya siya? Pero kasi naman,nung ako yung kasama niya kanina, hindi ganyan kalapad ngiti niyan. Boring ba akong kasama?

O baka naman type niya talaga yung mga pormang gangster na naka full black ang damit.

Ting!

Kung gan'on ang mga type niyang porma.. Hm..

BWAHAHAHAHA!

---

"Bibilin ko ito,ito,yan,yun,pati na rin yun,saka yung suot ng lalaki na yun" Sabi ko sa saleslady habang tinuturo yung mga bibilhin ko.

"Ah sir,hindi po namin binebenta yun,damit po yun ng customer sir"

"Wala akong paki. Ti-triplehin ko ang bayad kapag nabigay niyo sa akin yun" sabi ko.

"Yes sir!" sabi agad nung saleslady saka lumapit dun sa customer nila. HAHAHA!

Mukhang ganito yung saleslady oh -> $_$

'Di joke lang,baka may matindi lang na pangangailangan.

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon