♡ Onyx Watts ♡

284 5 1
                                    

A/N:

Additional characters for this chapter:

-Kim Joon as Harrison

-Kim Hyun Joong as Onyx Watts

***

Chapter 10

Iris' POV

Patuloy pa rin ako sa paglakad papunta dun sa kwarto namin,oo nga pala saan yung daan papunta doon?

Tama kayo,kanina pa ako feeling alam kung saan ako pupunta. E kung sa lumulutang utak ko eh!

Ikaw ba naman,ang halikan ng lalaking matagal mo ng  mahal kaya nga lang sa harap ng boyfriend at ex niya?!

Hindi ba lulutang utak mo dun.

Argh. Di naman ako magtataka kung mahulog agad sa patibong ko si Dazzle pero gawin niya yung bagay na yun? Maling mali e. Ano bang pumasok sa kukote nun at di man lang siya nagisip ng tama.

Oo masaya ako kasi nangyari yung bagay na yun na akala ko dati hanggang imagination lang pero at the same time naiinis ako sa kanya. Nakakawalang respeto kasi yun kahit sabihin na nating fake relationship din ang meron sila ni Nikki.

Pano na niyan? baka mamaya pag nakita ako ni Nikki,sampalin niya ako,sabunutan.

Tsk.

Ting! Bright idea!

Kung hindi ko rin naman pala mahanap-hanap kung saan ang kwarto namin at alam kong gegyerahin lang ako ni Nikki,mas mabuti nang wag muna akong tumuloy sa kwarto namin.

Ang problema,saan ako tutuloy?

Sakto namang may dumaan na facilitator kaya naman nagtanong na ako.

"Ah kuya,saan po pwedeng mag-stay sandali bukod doon sa ni-rent na kwarto?"

"Doon po sa may kubo Ma'am" sabi niya habang nakaturo sa bandang likuran ko.

Lumingon ako para makita at naroon nga ang mga kubo.Naglakad ako papunta doon ng naka two piece pa rin at basang-basa.

Pinagti-tinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakeelam.

Ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay kung papaano ko pa pakikisamahan sila Nikki,Zack at kahit si Dazzle.

Di ba siya nahihiya? Dagdag problema naman 'to o.

Nakarating na ako sa hilera ng mga kubo,sa unang mga kubo ay may tao na kaya naman naglakad pa ako.

Tumigil ako ng makita ko ang isang kubo na walang ingay ng tao kaya't posibleng walang tao ngunit may nakalagay sa isang kahoy na:Black Mystery.

Hindi naman 'reserved' yung nakalagay kaya agad akong pumasok doon lalo na't naramdaman ko ng ang malamig na hangin na dumadaan sa balat ko.

Nagulat ako dahil pagpasok ko ay madaming pagkain,may mga gadgets rin na naka-ayos at may aircon pa actually.

May TV pang flatscreen tapos dalawa pa yung router dito.

Oh ha? San ka naka-kita ng kubong ganito? Isinara ko muna yung pinto ng kubo na parang bintana ang style at nagpahinga muna.

Zzzzzz...ZzzZ

Nananaginip nanaman ako.

Mayroon daw taong pinaglalaruan ang mukha ko.

Tinataas niya ang ilong ko.Sinisingkit ang mga mata ko..at kinukurot ang mga pisngi ko.

"Grabe pre,tulog mantika 'tong babaeng 'to ha. Hahaha"

"Oo nga. Hahaha,bakit pa napadpad yan sa kubo natin?" sabi nung mga lalaki sa panaginip ko.

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon