♡ Chapter 14 ♡

224 5 1
                                    

A/N:Kaya yung chapter yung nakalagay between the hearts para surprise yung mangyayari kasi kapag kunwari nilagay ko na ♡Promise♡ magkaka-clue kayo diba? Kaya yon. Hahaha! :D

∽♚∽

Dazzle's POV

"Iris! Gumising ka Iris!" Walang hiya ka hindi ko pa nga nasasabi sayong mahal kita kaya gumising ka.

'Ni hindi mo pa nga alam na matagal na kitang mahal e!

Hindi mo pa rin alam na sa buong buhay ko,sa lahat ng babae ay wala akong sineseryoso,dahil ikaw lang Iris...

Ikaw lang ang gusto kong mahalin ng seryoso at buong-buo.

Gusto ko sabihin sa kanya lahat ng ito pero alam kong wala akong mapapala dahil hindi ako maririnig ni Iris.

Tumatakbo kami ngayon ng mga nurse patungong emergency room.

"Sir hanggang dito na lang po kayo" sabi nung nurse saka ipinasok si Iris sa emergency room saka isinarado ang pinto.

Nagpu-pumilit ako pumasok pero merong pumipigil sa akin.

"Sasama ako! Kailangan niya ako baka mapano siya!" Pinapakalma na ako ng iba pang nurse doon at maging nila Zack.

"Pare,wala na tayong magagawa. Pagdarasal na lang natin siya." Ani ni Zack sabay tapik sa balikat ko.

Ang lakas naman ng loob niyang sabihin ipagdasal na lang namin siya?

"F*CK YOU ZACK! Ang dali mo naman masabi yan! Boyfriend ka ba talaga ni Iris?" Sigaw ko sa kanya.

Ewan ko lang ngayon kung 'kaibigan' ko pa rin siya ngayon.Maisip ko lang na parang walang pakialam ang karelasyon ng mahal ko ay nagiinit na nang sobra ang dugo ko.

Naiinis ako sa kanya ng malaman kong TULOG lang siya ng nagkaka-sakitan na sila ni Nikki.

Naikuwento na sa akin kanina ni Zack lahat-lahat.

Naiinis ako.

Naiinis ako ng malaman kong si Nikki na maala-anghel ang mukha ang naging dahilan ng halos na pagkaubos ng dugo ni Iris.

Ang buong akala ko ay sa likod na maala-anghel niyang muka ay anghel rin.

Nagkamali pala ako,may itinatago rin palang baho.

Gusto ko siyang sugurin ngayon pero wala siya. Nasaan siya? Ayun,tumakas. Hindi na namin alam kung saan nagpunta.

Di ba pwedeng gumanda na lang ang pag-agos ng buhay ko? Hindi ba pwedeng maging maayos naman ang pagtakbo ng istorya ko?

Dapat pala sinundan ko na lang ang sinasabi ng letche kong puso,dapat hindi na ako nakipaglaro pa sa damdamin ni Nikki.

Yeah I know I'm a dumbass or asshole.

Pero inaalala ko lang din naman kasi si Iris baka kasi kung mahalin ko sya,doon naman magbalik si Nerdy.

Natatakot ako. Ayoko na may masaktan sa'ming dalawa kung sakali. Pero ngayon,hindi ko alam kung bakit ko siya iniiyakan.

Mahal ko nga ba talaga siya?

Hindi ko alam kung bakit hinalikan ko siya,kung bakit gustong-gusto ko hawakan ang mga malalambot niyang kamay at kung bakit rin ang lakas ng pintig ng puso ko kahit nakikita ko lang siya.

Ang gulo magisip ng utak ko! Kanina sabi ko 'di ko pa nasasabing mahal kita!' pero ngayon iniisip ko kung totoo ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

Sobrang daming tanong ng utak ko pero ang puso ko,alam na alam na ang sagot kaya lang ayaw ko maniwala sa sinasabi nitong...

MAHAL KO NA SIYA.

Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas ang doktor,nakipag-unahan pa ako kay Zack na pumunta sa doktor.

"Sino iho yung kamag-anak niya" tanong sa amin ng doktor.

Magsasalita na sana ako ng unahan na ako ni Zack "I'm her boyfriend,'di pa  po alam ng parents niya ang nangyari."

Halatang nagulat ang doktor sa sinabi ni Zack "Bakit hindi alam ng magulang niya?" tanong ni Doc.

"Gusto po sana muna namin malaman kung okay siya bago sabihin sa parents niya" Sambit ko.

Napabuntong hininga na lang ng malalim ang doktor at umiling-iling.

I have a bad feeling.

Bakit kailangan niyang umakto ng ganon?

Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya 'di ba? di ba?!

"Well,kayo na ang unang makaka-alam ng kalagayan niya" ani ni Doc and for the last time,nagbuntong hininga siya muli.

May kung ano sa puso ko ang sumasakit,hindi ko alam kung bakit.

Namumuo na ang mga luha sa mata ko na sa kahit anong oras ay aagos na sa aking pisngi.

"How's my girl sir?" tanong uli ni Zack.

Nakatingin lang ako sa doktor at hinihintay ang sagot niya.

Parang gusto ko marinig ang sasabihin niya na ayaw ko rin.

Bakit?

It's already obvious na may masama ng nangyari kay Iris.

"I'm sorry but she's been commatosed. Malala ang nangyari sa utak niya" mga luhang namumuo ko kanina ay dumadaloy na sa pisngi ko.

"50-50 kung mabubuhay siya,kung mabubuhay man siya,be ready at malamang,may kung anong pagkakamali na sa mga kinikilos niya.."

"W-why?" tanong ko habang umiiyak.

"Naapektuhan kasi ang utak niya dahil sa operation at pwede ding dahil sa mga gamot na isasalin sa kanya"

No...

Matapang si Iris,hindi siya magpapatalo...

Gigising siya para sa akin,para sa amin..

"Kelan po siya magigising?" tanong ni Zack habang umiiyak na rin.

"We don't know,siya at siya lang ang kayang gumising sa sarili niya"

Mas lalong kumirot ang puso ko.

"I'm sorry sa nabalitaan niyo but don't worry gagawin namin ang lahat lahat. Sorry" Sabi ng doktor saka na tuluyang umalis.

Si Zack bumalik na sa bench habang umiiyak pa rin.

Ako naman, na-dikit na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Na-estatwa ako sa mga nalaman ko.

50-50 ang chance na mabuhay siya? He's kidding, siya yata ang kailangan magpagamot sa utak.

I know it's not true..

I know..

∽♚∽

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon