♡ Zack Scott ♡

371 8 3
                                    

A/N:  ibo-bold ko na yung conversation may nagsuggest lang. Na-appreciate ko yun!

~♚~

Chapter 3

Iris' POV

I PROMISE.

"Ughhh!!" nilupi ko na yung paper na sinulatan ko. Ewan ko. Bigla akong nagwawala.

Napagdesiyunan ko na ng mabuti na...

Ayoko na,ayoko na umasa kay Dazzle.

Ayoko na magpa-api.

Ayoko na rin maapak-apakan.

Sobra na kasi e. Hindi ko na kaya.

"F*ck this life! D*mn!" sigaw ko sabay hagis sa papel na nilukot ko kanina.

Hindi ba pwedeng sa isang araw ako naman ang bida?Ang titingalain nila?

I hate this life.

Napahagulgol na lang ako.

Naalala ko pa yung mga araw na wala sa buhay ko si Dazzle.

Masaya ako,simple lang ang buhay ko,

at wala akong ginagawang pagpapa-pansin kahit kanino.

Pero naging miserable na ang buhay ko ng nakilala ko siya at nahulog ang loob ko sa kanya kahit wala man siyang ginawa para magustuhan ko siya.

Si Iris na naa-api...

Sakanya,WALA LANG.

Si Iris na ipinagtatanggol siya...

Sakanya,WALA LANG.

At si Iris na minamahal siya...

Sakanya,

syempre...

WALA PA RIN.

Tch.

Lagi na lang wala.

Kaya nga napagdesisyunan ko ang tigilan siya kasi alam kong kahit kailan di niya ako mapapansin.

Mali yata ako ng pagkakakilala kay Dazzle.

Akala ko hindi siya namimili ng kakaibiganin kahit pa tinagurian itong 'Queen of Nerds'

Siguro kaya hindi niya ako napapansin dahil pangit ako.

Nag-hallucinate yata ako na isa siyang anghel,yun pala hindi.

Titigil na ako. Ayoko na ng drama sa buhay ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at saka huminga ng malalim.

Matatag na ako.

Magbabago na ako.

Katulad ng ipinangako ko.

I will mark my words.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at saka huminga ulit ng malalim tapos binuksan na ang pinto.

Naglalakad na ako papalayo sa kwarto na pinasukan ko pero nakatungo pa rin ako.

"Aw!" May nakabangga pa akong lalaki. Ang sakit ng dibdib niya,ang tigas.

"Sorry miss,sa susunod tignan mo yang dinadaanan mo." Eh bakit di niya rin tignan dinadaanan niya? Psh.

Itinaas ko na ang ulo ko para makita ang pagnumuka niya.

Ang gwapo!

*o*

Nawala galit ko. Haha.

Pero ehem! Galit-galitan muna.

"Eh tignan mo rin kasi dinadaanan mo,kasi Im sure kapag nakitingin ka sa dinadaanan mo,makikita mong mabubunggo kita and in that way maiiwasan mo ko." pagsusungit ko habang naka-cross arms.

Gawa lang ako nang konting issue para mas makausap ko siya ng mas matagal.

Flirt and slutty girl mode on.

Zack's POV

"Eh tignan mo rin kasi dinadaanan mo,kasi Im sure kapag nakitingin ka sa dinadaanan mo,makikita mong mabubunggo kita and in that way maiiwasan mo ko." Sabi nung babaeng naka-bangga sa'kin.

Ang sungit.

Pero sigurado akong type niya lang ako kaya pinapahaba niya ang usapan. Mga da-moves ng mga babae ngayon masyadong bulok.Ako yata ang nag-iisang kalokalike ni Lee Min Ho.

(A/N:Si Lee Min Ho po si Zack. Di ko kasi malagay yung char. nagloloko. sorry)

"Edi sana sinabihan mo kong tignan ko yung dinadaanan ko." sabi ko. Alam ko ang non-sense,pinagti-tripan ko lang.

Si Zack Scott kaya 'to! Jolly at mapang-asar pero gentleman pa rin! at matinik rin aki sa mga sisiw.

I mean chicks.

"Adik! Eh pano kita mapagsasabihan kung di ko nga alam na may kasalubong ako maglakad?"

"Hm.. problema mo na yun" habang kinakausap ko siya,pinagaaral ko rin ng mabuti ang mukha niya.

Parang may iba sa kanya,parang.. kakagaling lang ng iyak.

Pero maganda pa rin. Lalo na kapag  in-imagine mong wala siyang glasses at nakalugay ng maayos ang buhok niya.

"You're beautiful" Hala.Namula? siya bigla haha. Lakas ko talaga!

"I hate you!" I hate you daw? May ginawa ba kong masama? I'm sure affected lang yan sa sinabi ko.

"Okay." kakarampot kong sagot. Baka magalit pa eh. haha

Ayun nagta-takbo na paalis. Affected nga. Gwapo ko!

Dumiretso na ako sa pupuntahan ko,dun sa bodega ng mga upuan. Trip ko talaga dun tumambay,wala kasing tao dun.

Nakarating na ako at saka pumasok. Umupo na ako sa favorite kong upuan.

"Haaaaaayy." kay sarap ng aking buhay...

Sasandal na sana ako sa upuan ng maka-kita ako ng papel.Pano naman magkaka-papel? Wala namang pumapasok dito bukod sa akin. Ito na ang tamabayan ko simula pa noon.

Nakaka-curious kaya kinuha ko yung papel na naka-crumple at saka binuksan.

"Dear paper?" tanong ko sa kawalan. Paper talaga? Astiiig!

Binasa ko yung simula...

Ang drama! Daig pa MMK at Magpakailanman.

Nasa middle part na ko ng binabasa ko ng...

Dazzle? Bakit nandito pangalan niya? Bestfriend ko yun eh.

Binasa ko pa ng binasa yung naka-sulat at yun,natapos ako.

Grabe!

Grabe na ka-gwapuhan ng bestfriend ko,may nagmamahal na pala sa kanya ng di niya namamalayan!

Lumilibil ap si Koyaaaa! haha.

Pero...

Mas gwapo pa rin ako. Haha!

Kaynino kaya 'to?

***

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon