♡ Thinking of you ♡

302 7 0
                                    

CHAPTER 8

Iris' POV

"Haaaaay" sumalampak na kaagad ako sa kama kahit di pa ako nagbi-bihis dahil sa sobrang pagod sa ginawa namin kanina.

Nagkuwentuhan lang kami ni Dazzle ng mga kalokohan namin simula pa ng bata kami hanggang sa edad namin ngayon.

Di ko alam na gumagawa ng matitinding kalokohan yung si Dazzle,sa muka niya kasi para siyang inosente,sa sobrang pagka-inosente nga 'di mo aakalaing playboy yun.

Kriiiiing!

"Ay kabayong rebonded ang buntot!" napaupo tuloy ako sa gulat.

Naman kasi eh... Nagi-emote pa ako.

Dinukot ko sa bag ko yung phone ko at sinagot ito ng hindi man lang tinitignan kung sino ang tumawag. "Hello?"

"HI!" Ang sigla naman ng boses ng babaeng 'to!

"Sino 'to?" tanong ko sa kanya.

"Dazzle! Psh." Dazzle? S-si Dazzle? B-bakit,bakit...

"BAKIT PANG BABAE BOSES MO?!"

Dazzle's POV

Pagpasok na pagpasok ko dito sa kwarto ko,umupo muna ako. Napagod kasi ako sa pakikipag-kuwentuhan kay Iris.

Sumakit pa nga yung tiyan ko sa kakatawa tapos hindi ko pa alam kung paano pipigilan pagtawa ko kasi sa tuwing maa-alala ko yung kuwento niya ay napapatawa talaga ako.

Kinuha ko yung Cellphone ko at nagkalkal ng kung ano-ano hanggang sa umabot ako sa contacts na puro babae lang ang laman.

Nag-scroll ako.

Scroll.

Scroll ulet

and...

Scroll!

Nahagilap ng mata ko ang pangalang 'Iris Mariano'.Di ko alam pero parang gusto ko siyang tawagan kahit kasama ko lang siya kanina.

Kaya naman,pinindot ko kaagad yung call button.Naka-tatlong ring na ang tawag ko saka niya sinagot.

"Hello?"

"HI!" Tuwing naririnig ko boses niya,sumisigla talaga ako. Weird

"Sino to?" Bakit di niya ko kilala?

"Dazzle! Psh." nakakapagtampo naman,kasama ko lang siya kanina,nakalimutan na niya ako. Biro lang.

"BAKIT PANG-BABAE BOSES MO?!" Nilayo ko kaagad yung phone sa tenga ko sa sobrang lakas ng pagsigaw niya.

Ini-speaker ko na lang yung call niya at saka itinapat yung phone ko sa bibig ko.

Mahirap na baka mabingi pa ako sa babaeng 'to na naka-lunok ng napakalaking microphone.

Pero ano sabi niya? Pangbabae boses ko?! Ughh.

"Kailangan mong sumigaw?! saka sobrang gwapo lang ng boses ko kaya akala mo pang-babae na!" palusot ko.

"Eh...sorry naman,nabigla lang,saka ano sabi mo? gwapo boses mo? Wushuuu. Nagpapalusot pa si kuya. Push mo yan!" Loko rin talaga 'tong si Iris.

"Alam mo di halatang baliw ka sa ganda mong yan."

"Ha?! ano sabi mo? ako maganda? Yeheeey!"

"Ano? nagpapatawa ka ba wala kaya akong sinabing ganun! Nerd ka pa rin!" Ano sabi ko? Nerd?

Haaaayst. Di siya yung Nerd na mahal mo Dazzle! Tch.

"H-ha?Nerd?" nauutal niyang sagot.

Ano na sasabihin ko?

"Ah w-wala,kung ano kase bigla pumasok sa isip ko,sinasabi ko agad. Kaya 'yun!" Daldal talaga ng bibig ko.

"Ahhhh..."

Knock,knock!

Napatingin ako sa pintuan kung saan may kumatok.

"Baby? Anak? Gising ka pa?" Aish. Yan nanaman tawag sa'kin ni mama,'baby'.

Nakaka-hiya mang sabihin pero Mama's boy ako.Langhiya. Playboy ako na Mama's boy. Tch.

"Ah,Iris bye na muna,tinatawag ako ni mama." binaba ko kaagad yung tawag at sinagot si mama "Yes mom,maghihilamos na lang po ako"

"Okay my handsome baby,gusto mo bang ipag-timpla kita ng bearbrand milk mo?"

O_____O

Wala kayong narinig diba? diba?

Lord,bakit po ba kasi napaka-caring nang mama ko at hanggang ngayon ay pinagtitimpla niya pa rin ako ng gatas.

"Kahit huwag na po,Okay na po ako,Thankyou po sa offer." Kalimutan niyo na yung sinabi ni mama kanina.

"Sige baby,goodnight muah muah tsup tsup!"

Waaaaaah!

"Muah muah tsup tsup rin po Mom" kailangan ko talagang sagutin yung muah muah tsup tsup niya kundi magtatampo yun.

Makapag-hilamos na nga! at kayo,wag niyo nang isipin yung mga nalaman niyo kanina.

Kumuha na ako ng damit sa drawer ko at pumasok na sa loob ng C.R

Pagkatapos ko maghilamos ay nagtuyo na ako ng katawan ko saka nagbihis at humiga sa kama.

Naka-titig ako ngayon sa kisame habang naka-ngiti. Lagi kong naa-alala yung mga pangyayari kanina.

Tapos biglang papasok yung itsura ni Iris na hindi nerd.

Kapag nai-isip ko siya,naiisip ko rin si Iris na nerd

Napano na kaya yung babaeng 'yon?

Naa-alala ko pa yung mga araw na lagi ko siyang nakaka-bangga pero ang totoo niyan,sinasadya ko talaga mabangga sa kanya para makita ko siya at makita niya ko.

Alam ko ang sama ko para gawin yun e sa wala na akong maisip kung pano niya ko mapapansin e.

Kung naiisip niyo kong tanungin kung bakit hindi ko ligawan si 'Queen of Nerds', isa lang ang sagot diyan..

Dahil sa pride ko.

Ayoko pumangit ang image ko sa mga tao,isipin ko pa lang na ang gwapong nilalang na katulad ko ay liligawan ang isang Nerd.

Ngayon nga,naiinis ako sa sarili ko dahil inaksaya ko ang mga panahon na andun pa siya sa Angel's University.

Ang sabi nga nila,

'Nasa huli ang pagsi-sisi'

Tapos yung araw na ako mismo ang nag-dala sa kanya sa Principal's office,labag sa loob ko 'yun.

Makita kong umiiyak siya ng dahil sa'kin? Masakit yun dito sa puso ko.

At ang umalis siya sa school ng dahil din sakin? yun ang nagpa-guho ng mundo ko.

Pero wala na e,nangyari na. Buti sana kung merong time machine,babalik ako sa nakaraan kahit gaano pa kamahal ang paggamit sa time machine na yon

Basta sisiguraduhin kong kapag nakita ko ulit siya...

Kakalimutan ko na ang salitang PRIDE.

Makatulog na nga! Nakaka-bakla na 'tong kadramahan ko.

ZZzzZzzZ....

-----

A/N: ew I think Dazzle is gay!! Kidding :) or not. Anyways,I need your vote.

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon