♡ Sorry ♡

238 5 1
                                    

Chapter 13

~♚~

Iris' POV

"Nakakainis si Onyx,di man lang niya na-appreciate effort ko." Baliw na yata ako at kinakausap ko sarili ko.

"Bakit naman kase siya bigla-biglang nagagalit? Ano bang trip,nun?" muli kong tanong sa sarili ko habang naglalakad sa tabing dagat.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa lalim ng iniisip ko.

Gabi na rin.

Saan at kaynino naman kaya ako tutuloy?

Sila Zack,Dazzle at Harrison kaya naga-alala rin sa akin? Di ko na tatanungin sila Onyx at Nikki,dahil 'diba nga galit sila sa akin.

Sana naman naga-alala rin sila sa akin.Ako kasi kahit na alam kong ayos lang ang kalagayan nila ay 'di ko pa rin mapigilan ang mag-alala.

Maya-maya siguro babalik na ako sa ni-rent na bahay nila Zack,bahala na sa reaksyon ni Nikki.

Gusto ko muna mag-pahangin,magisip-isip dito sa may tabing dagat.

~♚~

Dazzle's POV

Di na ako makapali. E pano ba naman isang araw na nawawala si Iris.

Hindi naman kami makapagsabi sa manager ng resort dahil alam namin na nasa paligid lang siya.

"DAZZLE?! Daig mo pa yung boyfriend ni Iris na si Zack kung mag-alala ha?" iritadong sabi ni Nikki.

Kanina pa kasi ako palakad-lakad at paikot -ikot. Gabi na rin at ayaw kong paabutin pa ng ikalawang araw ang pagkawala ni Iris.

Nagalit rin sa akin si Nikki dahil nga hinalikan ko si Iris,nakatanggap pa nga ang kaliwang pisngi ko ng isang malutong na sampal. Anyway,I deserved it.

I'm a complete asshole back then.

"Alam mo Brad,babalik rin yong si Iris,kung hindi mo lang kase siya hinalikan,malamang sa mga oras na 'to,kasama pa rin natin siya." kalmadong sabi naman ni Zack.

Naiinis na ako sa kanila...

Hindi naman kasi porke't nandito lang din siya sa paligid ng resort ay ayos na siya.

Hindi man lang nila naisip kung saan kaya natulog si Iris nung isang gabi? kung saan siya kumain? Oh baka naman nilalamig na siya.

Lalo na 'tong si Zack,prenteng nakaupo. Girlfriend niya ba talaga si Iris? Hayst.

Hindi ko na kaya magpaligiw-ligiw pa kaya naman lumabas na ako para hanapin siya.

Abutin man ako ng umaga,basta't babalik ako ng kasama ko na siya.

Bukas pa naman ng umaga ay uuwi na kami sa kanya-kanya naming bahay,dapat nga kaninang tanghali pa iyon kaya lang nawawala nga si Iris.

Una kong sinimulan pumunta ay sa Restaurant ngunit wala siya doon kaya naman nagtungo na ako sa may mga swimming pools.

Simula sa Children's Pool

Sumunod sa teenager's pool

hanggang sa Adult's pool

pero wala pa ring Iris ang nahahagilap ng mata ko miski anino ay wala.

"Iris,magpakita ka na" wala sa sarili kong sambit.

Para namang maririnig niya ako sa sitwasyon na alam kong ang layo-layo namin sa isa't-isa

Kahit yung nararamdaman ko sa nararamdaman niya sa akin,malayo rin.

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon