♡ Epilogue ♡

207 5 0
                                    

[Dazzle's POV]

"Daddyyyyy!!" tumatakbo papalapit sa akin yung umiiyak kong anak na si Angel.

Kinarga ko siya ng makalapit na siya sa akin "Why baby?" pinunasan ko ang luha sa mata niya.

"Da-daddy *sniff* A-Angel" umiiyak pa rin siya hanggang ngayon.

"Sinong Angel? Madami kayong Angel,anak." nilagay ko sa likod ng tenga niya yung takas niyang buhok.

"Daaaaad! Umiiyak si Angeline!" ayan na pala ang papalapit kong asawa na si Iris,karga-karga si Angeline na umiiyak rin.

Sinasabi ko na nga ba,sila nanaman 'tong nag-away.

Hay. Masanay na rin kayo sa iyakan,mga bata kasing yan parang mga 'di mabubuhay kung walang away. Warfreak!

Itong karga ko,si Angel,bunsong anak ko. Naku! Napakaiyakin nitong bata,kung minsan napakababaw lang ng problema niya umiiyak na.

Yung karga naman ni Mommy Iris ay si Angeline,siya naman ang panganay. Siya naman ang napaka-kikay na 5 yrs. old na batang nakilala ko tapos may pagka-maldita yan.

Isang araw nga e may nakabangga 'yan ang sabi niya..

"Don't mess up with a princess" o diba ang taray?!

at si Angelo itong hawak-hawak ko sa kamay.

*Tingin sa kamay*

O_____O

"Dad,nasan si Angelo?!" tanong ni Iris na puno ng pagtataka.

"Ah..eh..Hm.." nasaan nga ba? "ANGELOOOOO!!" Sigaw ko.

Hinahanap na namin siya ngayon sa buong park,may kalakihan kasi ito. Itong park na rin na ito yung unang lugar kung saan ako nag-confess ng feelings kay Iris.

O diba kilig?? Ano ba yan,nakaka-bakla!

Teka nga.. bakit ba kinikilig pa ko sa mga nangyayari? NAWAWALA ANAK KO!

"KUYAAAA!"

"Angelo!"

Napapaos na kami kakasigaw dito,wala pa rin. Nagtanong-tanong na kami sa guard pero wala pa rin,ngayon may kasama na kaming guard.

"Dad? Hinahanap ko kayo dun sa playground wala na kayo. Saan kayo nanggaling? Napagod tuloy yung girlfriend ko" Umiling-iling ang maporma kong anak na si Angelo.

Ano sabi ko..?

ANGELO?! Napayakap ako sa kanya sa sobrang higpit,grabe akala ko mawawala na siya. For pete's sake,5 yrs. old pa lang siya para mawala sa akin,sa amin..

"Dad,I look like a papa's boy in front of my girlfriend" napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

GIRLFRIEND? AS IN.. SYOTA?! KARELASYON?!

"Ang aga mo naman magka-boyfriend anak,you're kidding" tumawa ako na para bang nahihibang na.

"No,I'm not" itinaas niya ang kamay niya na may.. may..k-kaholding hands. "See?" binaba na niya yung kamay niya.

Ako.. Tulala,laglag panga.

T-that's impossible! He's just a 5 years old boy for pete's sake! Para mas klaro.. LIMANG TAONG GULANG!

Tumataas yata ang blood pressure ko ha. Mukang kailangan ko na magpa-check up.

"Hahahahaha! Maka-react si Daddy parang 'di siya ganun dati." humagalpak nanaman si Iris.

-_______-"!

Okay,sige. Playboy ako NOON,chickboy NOON.Otherwise known as a Cassanova pero naman,highschool pa ako nagsimula mag-girlfriend,e ito nursery?

"Dad,alis na tayo,mukhang uulan pa eh" pilit kumakalma si Iris.

Tumingin ako sa kalangitan,medyo dumidilim na nga.

Sinabihan ko si Angelo na uuwi na kami kaso paano na daw si Beatrice yung girlfriend niya. Ang sabi ko mag-exchange na lang sila ng numbers,akala ko walang phone si Beatrice,aba't dinaig pa ang iPhone 5s ko dahil 5c ang kanya.

Hinatid na muna namin si Beatrice sa mga magulang niya at bago kami maka-alis,nagnakaw pa ng halik sa pisngi 'tong anak ko at kumindat pa. Saan kaya niya natututunan ang mga ganitong bagay?

Ng makarating kami sa bahay ay natulog muna kami para magpahinga,nakakapagod kasi ang mga ginawa namin.

Naa-alala ko nanaman ang mga anak ko,si Angel na iyakin. Angeline na maldita at si Angelo na Cassanova.

Triplets silang tatlo. Bat nilagyan ko pa ng tatlo yung description? halata namang tatlo kapag triplets e. Ay ewan!

Sabi ng OB dapat daw ay quadraplets sila kaso nga lang,di na nagform ng maayos yung isang fetus at di na na-develop pa kaya triplets na lang. Pero ayos na yung tatlo para I-LOVE-YOU! Naks

Thankful talaga ako na naging girlfriend ko si Iris,napangasawa pa! at may anak na kami ngayon.

Sa dinami-dami ng pinagdaanan namin ay kami pa rin hanggang sa huli. Mas okay nga yata talaga na mas madaming pagsubok ang daanan ng relasyon para mas tumibay. Yun ang para sa akin ha? Paniniwala ko yun.

Naaalala niyo pa yung nag-break si Zack at si Iris? Pati yun pakana ko. He-he! Kung 'di niyo na maalala balik kayo sa chapter 24. Haha!

Sabi kasi ni Zack nun ay sumusuko na siya,okay lang daw kahit 'di na talaga siya ang makatuluyan ni Nikki. Natuto na daw siya na hindi lahat ng first relationship ay hanggang last.

Tapos naalala niyo pa yung nasuntok ni Iris si Alexa at si Nikki? HAHAHA! Ready naman sila doon e,kasabwat kasi sila sa pagiging 'kontrabida' kuno. Panay nga ang sorry ko sa kanila e pero ayos lang daw,pambayad daw sa mga kasalanan nila.

Eh yung.. banda na Inviblack? Alam niyo bang nanlumo ako sa presyo na hinihingi nila para kumanta sila? aabot lang naman ng kalahating milyon. Ay! May istorya sila 'ROCK PRINCESS' yun alam ko e,visit niyo na lang profile ng writer ng story na to. (A/N:actually wala pa,nasa draft ko pa po)

Tapos yung ano,yung.. ZzzZzZZZz

"Iris,ikaw naman ang kumanta!" anyaya sa kanila nila Onyx.

Pagkatapos kasi matulog,nagsipuntahan ang mga ninang at ninong ng mga bata na sila Onyx,Alexa,Nikki at Zack pero kasama rin ang mama ni Iris.

Kanina pa kami nagvi-videoke dito.

"Kakanta na yan! Kakanta na yan!" sabay sabay naming sigaw.

Nakakatig-sampung kanta na kami lahat,si Iris di pa rin kumakanta e.

"O siya,O siya,eto na!" kinuha niya na yung mic sa mini glass table sa harap ng videoke.

"Para ito sa honey baby darling love babe dad,lahat na ng endearment basta para sa pinakamamahal kong asawa na si Daddy Dazzle" Kumindat pa sa akin ang asawa ko.

*blush* Ano ba yan,pang bakla! Lalaking nagba-blush.

Bago siya kumanta may sinabi pa siya. "Ito yung kanta ko sa kanya nung nagpa-papansin pa lang ako sa kanya."

"Gusto ko,gusto ko,gusto ko sanang sabihin sa iyo.Pero paano?

Paano? Pag malapit kay nauutal ako.." sumusulyap sulyap pa siya sa akin.

"Nawawala bigla ang sasabihin ko,ang nakikita ko lang ay ang mukha mo.." kinuha ko yung isa pang mic sa table.

"Siguro'y umiibig kahit di mo pinapansin,magtititiis na lang ako magbabakasakaling ikay mapatingin." Duet kami ngayon.

"Kahit sa panaginip ikaw ang aking hinihiling. Sa bawat ngiti mo sa aking panaginip parang ayoko na magising.."

Mahal na mahal ko si Iris.

Iris na 'Queen of Nerds"

Iris na nag-evolve to a gorgeous  Goddess.

si Iris na nagka-amnesia.

Iris na naging girlfriend ko,asawa,nanganak at kung ano ano pa man.

Hindi ko makakalimutan ang katagang..

Finally,you Notice me.

♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Finished: March 30,2014

Finally,you Notice meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon