Danica's POV
Mejo sumasakit na paa ko! Ang bilis maglakad nitong si Cara! Napaka-energetic talaga nitong babae nato. Aray, aray. Parang namamanhid yung paa ko. Tumigil muna ako. At nakita ko si Cara mejo malayo na. Pero may nakita ako, isang lalake..
Si Joshua..
Oo, si Joshua yun.
Ang first boyfriend ko. At pinapagarap ko din na siya na din ang last.
"I kinda missed him."
"Then, let's go to him."
Pupuntahan ko ba siya? Ako ba una mag-aapproach sakanya?
Papansinin kaya niya ako? Bakit ganito. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi parin ba ako nakapag-move on?
"Danica?"
Shet! Si Joshua yun alam ko. yang boses niya, yan ang namimiss ko. Hindi ako makapagsalita, naninigas katawan ko...
"Hey, Danica. Kelan ka pa dumating?"
"Uy Joshua!" Sabi ni Cara.
Yehey thanks bestfriend for saving me..
Hindi ko kasi kayang magsalita. Napipipi ako.
"Hi Cara. Hi.. Danica." Sabay hawak sa kamay ko. Oh shit! Shet talaga.
"Ahhh, Joshua. Ikaw pala." Sabay alis ng pagkahawak sa kamay ko.
"Oh, bakit ang lamig ng kamay mo?"
"Ah, wala. Dahil dun sa shake na ininum ko."
"Kelan ka pa dumating?"
Nakatitig lang si Joshua sa akin, his eyes. His eyes.. Nakakaloka! Nasstress ako!! Bakit ganito, kupido tinamaan parin ba ako!! Wala na akong masabi!! Si Cara tatahimik nalang ba to!!
"Oy Josh! Matunaw bestfriend ko nyan ha!"
Sus. Nagsalita pa si Cara. Sana hindi nalang.
"Namiss ko kasi siya eh.."
Miss din kita Josh :(
"Sobra.. Danica."
OMG. Totoo ba narinig ko?!!! Lord, kung totoo buhusan niyo ako ng tubig.
"AJ!" Sigaw ng isang babae.
AJ? Si Joshua yun ah? Nickname niya. Paglingon ko papalapit na yung babae.
Sabay hawak sa braso ni Joshua.
"Who are they?" Yung malanding boses.
WHo are they mo mukha mo!! Gusto mong sampal? Bumitaw ka nga kay Josh!! Gusto kong sabihin yan pero wala akong karapatan. Siguro ito na yung gf ni Josh. Maganda nga siya.... Pero mas maganda ako!
"Oh, highschool friends. This is Danica, and this is Cara."
"Cara Sarmiento?" Sabi nung girl.
"Yes, classmate tayo sa World Literature last sem." Sabi ni cara. Ano? Classmate pa talaga?! Eh di magiging classmate ko din tong higad nato!!!
"Danica, Cara, this is Ginnie.."
Ginnie ano? Amp naman. Wag mo na akong bitinin Josh!! Nakakainis ka naman oh!
Inaantay ko yung katuloy na sasabihin ni Josh, Alam ko may katuloy pa yun. Nakatitig lang sakanya si Ginnie. Pero si Josh, eye to eye kami.
"My girlfriend."
YOU ARE READING
You're the One
Teen Fiction"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...