Chapter 21- The Rose

114 3 4
                                    

Ah? Sobrang sakit ng katawan ko. Tae. Ganito ba talaga pag nagbabasketball? Eh hindi naman pure laro ang ginawa namin ni Gelo, parang kulitan lang pero, ouch, ang sakit ng katawan ko.

Anong oras na ba?

Chineck ko ang phone ko at 8AM palang. Pagkatingin ko, may isang text.

Galing kay..

From: Gelo :""">

The sun is up, the sky is blue. It's beautiful and so are you... 

Goodmorning, Sarmiento! Gising na uy!

ASDFGHJKL. Napatayo agad ako sa kama ko. Kinusot ko yung mata ko kasi baka nanaginip lang ako dito sa text ni Gelo, pero hindi eh. True talaga. Hahaha. Ang saya ko. Hindi ko alam kung bakit. Ikaw ba naman sabihan ng beautiful ng crush mo. Oo na! Crush ko na siya!

Hanggang ngayon nakangiti parin ako, para na akong tanga. Tss.

Biglang may nagbukas ng pinto ng room ko.

"ANONG MERON AT NAKANGITI KA JAN?!"

Si Danica. Aish. Ang lakas ng boses. Pero, okay lang. Tutal, goodvibes naman ako ngayon.

"Goodmorning bes!" Sabay punta ko sakanya at kiniss ko siya.

Pero siya nagtataka sa kilos ko. Kasi naman, pansin ko rin. Kakaiba ang kilos ko ngayon? Kasi, minsan pag nambubulabog si Danica naiinis ako eh.

"Hindi ka naiinis kasi naistorbo kita?" O kitams, bestfriends nga kami.

"Hindi naman! Kumain ka na? Tara sa baba!" ^__________^

Sabi ko with a big smile on my face at hinila ko siya sa baba. Syempre, nag-himalos muna ako at nag-toothbrush.

"Yaya Mida? Nanalo po ba sa lotto si Cara? Bakit po siya ganito?"

Hahahahaha. Sabi ni Danica sa Yaya ko. Siya nga weird today eh. Oh ako? Ewan, basta masaya ako. Feeling ko sobrang namumula ako ngayon.

"Nako Danica, kagabi pa yan simula pagkauwi nung nagbasketball sila ni ----"

Waaaaaaaaaah! Yaya. Pinuntahan ko agad si Yaya at tinakpan yung bibig niya at sinabi kong umakyat muna siya, magpahinga. Buti hindi siya umangal. Gosh. Muntikan na ako dun.

"Basketball with?"

Nako, eto na nga ba ang sinasabi ko.

"Uhhh? Wala. Nanood lang ako ng basketball sa TV!"

"Bakit ang good mood mo ata ngayon? Anong meron?"

"Nothing! I'm just happy."

Nilagay ko yung cellphone ko sa tabi ko sa may dining table, at tumayo muna para kumuha ng juice sa ref kasi nga pinaakyat ko na si Yaya diba. Hinahanap ko din yung cheese. Saan na ba yun?

"The sun is up. The sky is blue... It's beautiful and so are you.."

Ayy ano ba yan? Parang may naririnig akong nagsasabi niyan pero feeling ko guni-guni ko lang yun. Hihi. Pero, kinikilig ako tuwing naririnig ko.

"The sun is up. The sky is blue.. It's beautiful and so are you.."

Wait. Di ko na ata guni-guni 'to? Kinapa ko yung phone ko at omygosh. Wala? Hala nasaan yun -______-

Bumalik na ako sa dining table, at pagkita ko si Danica, hawak hawak yung phone ko.

(^__________________^) Danica 

(O____________________O) Cara

Nako! Lagot na ako.

"Hey! Akin na yan!"

You're the OneWhere stories live. Discover now