Gelo's POV
"I told you I will wait for you here."
Mga salitang sinabi ko sakanya habang nakayakap ako sakanya.
Habang siya'y sinesermonan ako, baliw na daw ako kasi nag-antay pa ako ang lakas lakas ng ulan. Oo, baliw na nga ata ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nababaliw na nga ako kasi gusto ko lang siya talagang makasama. Gusto ko lagi ko siyang nakikita.
Tinanggal ko pagkayap ko sakanya, at siya halatang-halata na nag-aalala sakin. O baka ako lang ang nag-fifeeling? Psssh! Sana hindi naman. Niyaya niya ako na pumasok muna sa bahay niya.
"Ano bang naisip mo at nag-antay ka sa may gate namin eh sa kabilang street lang bahay mo?"
Hindi ako makapagsalita. Nagchichills kasi ako. Sobrang tagal kong nag-antay dun at sobrang lakas ng ulan. Nakita ko siyang hindi mapakali. Lumapit siya sa akin.
"Gelo naman!! Hindi naman Nursing course ko!! Marketing ako diba!! Lagi nalang ako kasama mo pag nagkakasakit---"
Hindi niya na natapos sinabi niya kasi niyakap ko na siya. All I want is to hug her. To be with her. I don't know what I feel but this is an extraordinary feeling. This is my first time to feel this and I don't know why I'm feeling this right now. But all I can say is, I'm happy because..
she hugged me back..
"5 minutes lang, please."
Hindi na siya umimik. Magkayakap kami for 5 minutes.
"Wait lang, dun ka nalang muna sa kwarto, kukuha lang ako ng towel and titignan ko kung may damit na pwede sayo."
Sinamahan niya ako sa room niya. Ang ganda ng room niya, super organized. Babaeng babae talaga. Ang bango pa, amoy Cara. Hehehe. Lumabas siya ng kwarto kasi sabi niya kukuha daw siya ng towel and damit ko. Basang-basa pala ako. Buti carpeted tong room ni Cara. Nag-iikot ikot lang ako sa room niya and ang daming picture frame. Tinignan ko mga pictures, puro picture niya, sila ni Danica, at may picture sila ni Danica na may kasamang isang girl, hindi ko alam kung sino.
Tingin tingin tingin..
Then there's something that caught my eye..
A picture frame na ang laman lang ng picture is logo ng Superman.
Ang weird talaga nitong babaeng to. Pang babae yung room pero may Superman na gamit siya sa room niya. Tss. Narinig kong nag-open yung door and dali-dali akong umupo sa may upuan dun. Hindi na ako nahiya, basa pala ako.
"Eto, towel. Tapos eto shorts and shirt. Damit yan ng pinsan kong lalake. Buti nalang andito pa. Magbihis ka muna. Ayun yung CR."
So, tinuro niya kung saan yung CR. May CR siya sa mismong room niya. Sinuot ko na tong bigay niyang damit. Tumingin lang ako sa mirror, and hindi ako nakakapaniwala sa nakikita ko. Nakikita ko sarili ko na sobrang saya ko, I can see it through my eyes that I found my happiness.
Lumabas ako ng cr at nakikita kong nanonood siya ng TV. Twilight yung palabas sa Star Movies.
"Gelo, eto pala phone mo. Naiwan mo sa baba."
"Thanks."
"Nabasa din tuloy, ikaw kasi."
Tapos nakita ko siyang nag-pout. God, she's so cute.
"Yung ulan kasi eh."
"Sus Gotiangco! Sinisi mo pa yung ulan! Pwede mo namang itago muna sa kotse mo yang phone mo kailangan ba talaga hawak hawak mo lagi. Ikaw talaga!"
"Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit lagi kong hawak ang phone ko."
As I said to her, I saw her blush.
YOU ARE READING
You're the One
Ficção Adolescente"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...