Gelo's POV
Hi, I'm Piers Gelo Cruz Gotiangco. 18 years old. 5'11 ang height ko. Fit katawan ko, may abs ako no! May tattoo din ako, tsaka piercing. Actually I'm a dancer, basta ganito pormahan ko. Sa States ako lumaki, but every vacation pumupunta ako dito sa Philippines. I can speak Tagalog fluently. Kasi yung parents ko, gusto parin Tagalog ang ginagamit na language kahit nasa States pa kami. Umuwi ako dito sa Pinas para mag-aral. Business course pinapakuha sa akin eh. Finance, Marketing, Human Resource, Accountancy? Hmm bahala na!
"I HATE YOU!!"
Ang cute talaga niya maasar, kakaiba eh.
"You drunk?"
"Ewan ko sayo! Ang pangit ng ugali mo, kasing sama ng mukha mo!"
"You're saying anything? Excuse me Miss..."
"ROXANNE CARA SARMIENTO!! Pangalan ko lang di mo pa alam, kakaintroduce lang sa akin ni Danica kanina! Palibhasa wala kang alam, sa mukha mong yan, siguro alam mo party lang, yosi, inom. Ahhhmm, patapon!"
"Kung makapagsalita ka parang kilala mo ako ha!" Tapos hinawakan ko siya sa shoulders niya, tapos nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya.
Halikan ko kaya to? Ganda niya, sobrang simple lang siya. Pero yung mata niya, nakakaakit! Parang nagsasalita yung mata niya. Habang pinagmamasdan ko siya, pumikit siya. Hahaha!
Sguro akala niya hahalikan ko siya, well pwede naman eh. Pero ayoko, ayokong maging ganun agad impression niya sa akin.
Naramdaman ko nalang bigla na lumiwanag, I mean sa amin lang nitong babaeng to. Syempre, madilim sa bar diba?
Aba, may spotlight.
Nakapikit parin siya, she's so cute...
3minutes na siguro siyang nakapikit. Ano ba to? Tulog na to? Hawak ko parin shoulders niya.
Ng bigla siyang dumilat tapos ngumiti sakin. Shet naman wag mo akong nginingitian ng ganyan ayokong nginigitian ako ng mga babae ng ganyan, naaakit ako e! Pero mukhang lasing na siya.
"Ano babae? Ngingiti ka lang jan?"
Lumapit siya sa akin, super close.
"Gelo..."
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!" Sigaw ko.
F*ck! Nasukaan pa ako nitong babaeng to!
Then everything changed. Lahat ng nasabi ko, balewalain niyo nalang. Kadiri tong babaeng to! Iinum inom di naman kaya, susukaan pa ako!
"Bess!" Sigaw ni Danica papalapit sa amin.
"Hey Cara, you okay? I think we should go home na Danica. Ihahatid ko nalang siya." Sabi ni Mae.
"Dala ba ni Cara car niya?"
"Oh shit, oo nga dala nga niya. Dala ko din car ko eh, paano na?"
"Ako nalang maghahatid sakanya."
Paglingon ko, si Mark. Siya nag-prisenta na ihatid yung babaeng sinukaan ako.
"Really? Omg thanks Mark." Sabi ni Danica. Tapos hinug niya si Mark.
"Ikaw Gelo, magbihis ka na. Feel na feel mo ata yung suka ni Cara ha?"
"Pakyu Mark."
So, ayun kailangan ko ng umuw since 2AM na rin naman yun. Nag-stay lang sila Nico and MIggy and iba pa naming friends, nagpaalam na ako kay Danica.
So, pumunta na ako sa kotse, hinatid kamisa labas ni Danica, mukang masaya naman siya kahit na napaaga uwi namin. Napaaga talaga, alas dos na ng madaling araw eh!
"Gelo, una na kami ha."
"Ok."
"Take care dude. See you tom."
"see you later, idiot."
"Ay oo nga pala." Tanga talaga nito ni Mark. Umaga na e.
"Hey Mark."
"Oh?"
"You know where to bring her?"
"I'll bring her to my condo."
Tama ba rinig ko? Condo ni Mark? Pang-ilang babae na ba nadala ni Mark sa condo na yan? Malamang type niya tong babaeng to. Well, goodluck sa kanila.
Cara's POV
Ahhhh ang sakit ng ulo ko. Naparami ata ako ng inom. Fudge. Sobrang ginaw pa! Bakit ganito? Di naman ganito kalakas aircon ko eh. Hayyyy ang sakit ng ulo ko pati katawan koooo!
Pagmulat ko. Nasan ako? Ang laki ng room, puro mirror. Ooopsss, iba naiisip niyo! Hahaha! I mean, may mirror sa isang wall na malaki. Tapos ang daming paintings, ang gaganda.
Baka naman condo to ni Mae na bago? Or ni Danica? Ay hindi. Teka, sino ba naghatid sa akin!!!!
Nag-cr ako. May cr sa kwarto, may nakita akong mouthwash dun so nag-mouthwash nalang ako. Pagtingin ko sa salamin, OMG. Nakashirt lang ako, super loose shirt.
Panglalake to e. Teka.. Kanino to?
Lumabas ako ng room and then I saw a boy na nakatalikod na naka shorts lang and nakawhite shirt. Nakatalikod, nagluluto. Ang bango ng niluluto niyang corned beef!
"Goodmorning."
Ay siya. Yung pinakilala ni Danica. Ano na ba pangalan nito? Dilim kasi sa bar eh! Pero letter M nagsisimula alam ko! Mark ba or Miggy?
Gaaaaaahd, i'm confused -____-
"Goodmorning, Cara."
"Goodmorning, Mmm"
"Hehe. Mark." Sabay abot ng kamay.
So, nakipagshakehands ako. Kumain na kami at nagkwentuhan, pagkatapos namin kumain bigla siyang umalis. May pupuntahan daw siya. So naiwan ako sa condo niya, pagtingin ko lobat na phone ko at wala akong charger!!!
Okay lang, wala namang magtetext sa akin.
After 30 minutes dumating na si Mark at may inabot sa akin.
"Ano to?"
"Gusto mo ba yang shirt ko? Sorry Cara pero bigay kasi yan ng Mommy ko eh."
"Ha?"
"Hahaha! Damit yan. Binili kita, kung ano nalang kinuha ko sorry hindi ko alam eh. Alangan naman isasama kita sa mall na ganyan itsura mo suot mo lang yung shirt ko?"
"Ay thank you Mark ha."
"Wag ka nga pala mag-alala. Hindi ako yung nagbihis sayo. PInatawag ko yung naglilinis dito sa condo ko para bihisan ka."
Ang bait naman nitong lalakeng to. Napaka-gentleman! Hayy.
So naligo na ako at nagbihis. Anong oras na 11am na, may usapan kami ni Yaya na sasamahn ko siyang bibili ngf gift para sa anak niya eh, uuwi kasi siya sa kanila ngayon.
So, tinignan ko sarili ko sa salamin, ang cute nitong binili ni Mark na damit.
Shorts siya tapos blouse na robot yung design. Binilhan niya din pala ako ng slippers.
Lumabas na ako, at nakita ko si Mark sa sofa. Nakatulog na.
Gigisingin ko pa kaya siya? Nakakahiya kasi eh. Alis nalang ako, siguro papasabi ko nalang kay Danica na itext si Mark. Nakakahiya kasi eh. Nung nasa pintuan na ako, bubuksan ko na.
"Alis ka na?"
Napatigil ako. Ano ba to? Nagtulug-tulugan?
"Ah.. Eh, tulog ka kasi kaya di na kita ginising. Nakakahiya naman kasi alam kong pagod ka tsaka hinatid mo pa ako tapos eksena pa ako dito sa condo mo. Sorry Ma--"
Pinatigil niya ako sa pagsasalita.
"Coffee?"
"Hmm. Mark, kasi. Nakapagpromise na ako sa Yaya ko na sasamahan ko siya sa mall eh kasi bibili siya ng gift para sa anak niya kaya ayun.Sorry next time nalang."
"Pwede.. Pwede ba akong sumama?"
YOU ARE READING
You're the One
Teen Fiction"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...