Gelo's POV
"Ah.. Sige sige.. Eh ikaw Gotiangco bakit andito ka pa?"
Tanong sa akin ni Sarmiento. Oo nga! Bakit ba andito pa ako? Umalis na sila Miggy kanina, sabay-sabay silang tatlo, pero di na ako sumama. May kakaibang pumipigil sa akin hindi ko alam kung bakit! Siguro kasi maiiwan si Cara dito.
"Hinihintay ko si Krissa."
F*ck! Bakit ba sa dami ng palusot yan pa nasabi ko!! Hindi na ulit nagsalita si Cara at umalis na, si Danica lang yung nag-bbye sa akin. Selos ba siya? ^_____^
Asa pa ako.. E ni hindi nga ako napapansin nun..
Naglalakad-lakad lang ako papunta sa parking lot ng may narinig akong lalake at babae na nag-uusap, sa quarters ng soccer team.. Curious ako, kaya mejo lumapit ako sa may bintana at papakinggan kung ano man yung pinapagusapan nila. May nakita akong babaeng nakaupo na nakatalikod nakaharap sa lalakeng nakasandal sa pader.
"Hindi ko pa masasabi kay Jenny yun, alam mo naman yun eh.. Tsaka uunti-untiin ko.. Ayoko naman siyang biglain.."
Sabi nung lalake. Tapos biglang tumayo yung babae, pumunta sa lalake at biglang hinalikan. Aish. Ano ba 'to?! Wala ba silang alam na private place? Pero nandun parin ako, nagsindi na din ako ng yosi.
"Alex naman, your girlfriend is so boring. Why won't you leave her? My god."
"Krissa, you don't understand. 1 year mahigit na din kami.. Kahit papano minahal ko yun.."
WHAT?!! Si Krissa yung babaeng yun? Sabi na nga ba at malandi talaga yun. Unang kita ko palang. Naalala ko tuloy yung kwento ni Danica tungkol sa friend nila na inagawan din ng boyfriend nito ni Krissa! Anak ng. Wala bang nanliligaw dito?
"I'll give you two weeks, Alex. Pag hindi mo pa binreak yung babaeng yun. Ikakalat ko video natin."
Huh? Video? As in scandal!! Sssh sumasakit ulo ko dito makaalis na nga!
Nag-drive na ako, pero ayoko pa umuwi. Dadaan muna siguro akong coffee shop. Tapos, basketball nalang mamaya. Para pagpawisan! Pero napapaisip ako, grabe naman yung si Krissa na yun! Dapat pala di ko na yun sinamahan yun sa garden. Ubod ng landi. Sigurado bang cheerleader yun ng school namin? Hahahahaha! Hindi ko siya gusto, naaawa lang ako dun sa mga babaeng iniiwan ng boyfriend nila para sa malanding yun. If I know, di naman yun seryoso. Kahit mahilig ako mang-chix, aba nagmamahal din ako ng totoo. Pero di ko pa naranasan magmahal! Wala pa nakakatibok ng puso ko eh..
Pero, meron na ata ngayon.. Ata..
Cara's POV
Hinatid ko na si Danica sa condo niya. Pero hindi parin maalis sa isip ko yung snabi ni Gelo..
"Hihintayin ko si Krissa". OKAY EDI MAG-ANTAYAN KAYO HANGGANG SA PUMUTI ANG UWAK!!!!!!! Hindi ko alam kung bakit ako naiinis ngayon, di ko alam pero umiinit dugo ko kay Krissa! Pati na rin kay Gelo. Psh.
Dahil hindi ako nakabili ng coffee kanina, andito ako ngayon sa coffee shop ni Gotiangco. Wala naman siya dito, so ayos na yun. Papalamig na rin muna ako. Nag-order din ako ng cinnamon bread. Wala lang, naalala ko lang si Danica dito. Eto kasi lagi niyang binibili. Sana maging okay na siya. Kinausap kasi ako ni Joshua noon, sabi niya kakausapin niya daw si Danica ngayon..
***flashback
*my heart's a stereo, it beats for you so listen close*
Ayos ba ringtone ko? In love lang ang peg? Hahahaha! Ehh? Sino naman tong unknown number na to?
"Hello."
(Cara!!)
"Yea, speaking. Who's this?"
(Joshua.)
"Oh Josh, napatawag ka?"
(Are you free? I need to talk to you. Please Cara.)
"Sure, when?"
(Now?)
"Ngayon na pala. Hahaha. Osige, saan?"
(Sa dating tambayan!)
"Sure! I'll be there in 15 minutes."
So, binaba ko na yung call. Aba, at sa tambayan pa namin niya gusto magkita ha? Hahaha! Dun kasi sila lagi nagmomoment ni Danica dati eh. Bumaba na ako at nadgrive at after ilang minutes buti walang traffic, nakarating na ako sa tambayan namin, sa Pan De Amerikana.
Ngayon na lang ako ulit nakapunta dito, last na punta ko kasi dito High School pa ako. Gumanda naman siya, at lumawak. Madami din nagmomoment. Ang ganda kasi ng place na 'to eh. Restaurant siya pero basta, super ganda. Hihi.
"Ang ganda parin pala dito, Josh."
"Oo nga eh.. Nakakamiss."
"Sus! If I know miss mo lang bestfriend ko at syempre extra nalang sa pagkamiss mo tong lugar na ito."
Wala paring nagbago sa friendship namin ni Joshua. Although, sinaktan niya si Bes, nagalit ako sakanya pero alam ko may reason kung bakit niya ginawa yun. At alam ko balang araw, babalik din siya kasi alam kong mahal niya talaga si Danica. Nararamdaman ko yun eh.
"Oo, ganun na nga. Cara, kailangan ko ng tulong mo."
"Huh? Mukha na ba akong hingian ng tulong ngayon?"
Tapos nagsmile ako. Hahaha, siya naman nainis na.
"Cara naman eh.. Kailangan ko si Danica.. "
"Kailangang ano?"
"Gusto ko sana makipagbalikan, pero alam ko hindi madali yun. Gusto ko unti-untiin."
"Give me one reason para tulungan kita, give me one reason kung bakit kailangan mo si Danica."
"I need her because I love her.."
Biglang sagot ni Joshua. Ay bongga. Mahal nga niya talaga ang bestfriend ko. *___*
"Pero Cara kailangan ko ng tulong mo."
"Anong tulong?"
"Gusto ko siyang kausapin, kaso hindi ko alam baka iwasan niya lang ako or di sya sumipot pag makipagkita ako sakanya."
"Oh tapos? E di puntahan mo sa condo niya."
"Yeah, please teach me where Cara."
"Kung papapasukin ka niya Josh."
"Tsss, oo nga ayan nga."
"Edi kahit di ka na papasukin!! Bakit ba nahihiya ka pag maraming tao?! Akala ko ba mahal mo tapos di mo ipaglalaban?! Ikaw kasi may kasalanan!! Aalis ka lang bigla di mo alam may naiwan ka, na nasasaktan! Na hindi alam gagawin, kung kakalimutan ka or aantayin ka lang!! Bakit ba kasi kayong ganyang mga lalake!!! Ang hilig niyong mang-iwan!!"
Yun nalang bigla lumabasa sa bibig ko.. Naalala ko na naman si Timothy. Ang first love ko.. Oo, katulad din siya ni Joshua.. Bakit nga ba kayong mga lalake ang hilig niyong
mang-iwan? Ganyan ba kayo mag-mahal? Nang-iiwan?
***end of flashback
----
HELLO. HAHAHA. SORRY. FIRST TIME KONG GUMAWA NG STORY. HIHI.
YOU ARE READING
You're the One
Teen Fiction"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...