Chapter 15 - First night together/ Lipstick Mark

68 1 1
                                    

Cara's POV

Nafifeel ko na yung sikat ng araw, pero nakapikit parin ako. Ang sakit ng ulo ko! Simula ng makilala ko yang si Gelo lagi nalang kulang tulog ko. Nakapikit parin ako, gusto ko pa matulog kahit 15 minutes pa. Narinig kong may nagbukas ng pinto.

"Anak, di ka ba papaso--"

Hindi na natapos ni Yaya yung sasabihin niya! HALA! Andito pala si Gelo sa kwarto ko!!! Tumayo ako at   saka ko lang narealize na nakahiga pala ako sa lap ni Gelo, habang siya tulog pa. Si Yaya yung mukha niya nagtataka?

"Hoy Gotiangco, umaga na magising ka na."

Niyuyugyog ko siya, tapos bigla niya nalang akong niyakap.

"Goodmorning." Bati niya. Hindi kami pwedeng ganito. Hello? Andito si Yaya!

"Umayos ka nga!!!"

"Aray! Nakakabingi ka ang aga-aga!!" 

Tinignan niya ako. Tapos hindi pa niya siguro pansin na andito si Yaya. Kaya tumingin ako kay Yaya. Si Gelo napatingin din at halatang nashocked siya.

"Ya, si Gelo po. Yaya ko."

Tapos umupo ulit ako sa sofa.

"Goodmorning po." 

Wow ha? Marunong pala gumamit ng "po" itong lalakeng to.

"Mukhang masaya nga ang umaga mo iho." Tapos ngumiti si Yaya! Ohhhh that smile!! Alam ko yung mga ganyang ngiti ni Yaya!! Tapos si Gelo nagtataka bakit nakangiti si Yaya. 

"Sige bumaba na din kayo mamaya, maghahain lang ako ng pagkain."

Umalis na si Yaya. At si Gelo nakatayo parin. Nakaharap siya sa akin. Gulo-gulo yung hair niya, tapos basta, ang gwapo parin niya! Nakakainis naman tong lalakeng to.

"Baka matunaw ako, ang aga-aga.."

"Umuwi ka na nga!"

"Hindi mo ba narinig sinabi ng yaya mo? dito nga ako kakain diba?"

"Pssh. Fine! Umalis ka na at maliligo na ako!!"

"Malamang aalis ako alangan namang panoorin kita habang naliligo ka? Kadiri."

"Bwisit kang lalake ka! Ang aga-aga nambabadtrip ka na naman!!"

Tapos papalapit na siya ng papalapit sa akin.

"Chill. Aga-aga sumisigaw ka eh."

Tinignan niya lang ako sa mata. Eye-to-eye kami. 

Gelo, why are you like this? I can't like you. 

"Uuwi muna ako magpapalit, babalik nalang ako dito. Dito nalang ako kakain. Sabay na tayo pumasok." He kissed me on my forehead.

I was shocked. I didn't say anything. Narealize ko nalang na wala na siya sa kwarto ko. But then, I smiled.

Gelo's POV

"Uuwi muna ako magpapalit, babalik nalang ako dito. Dito nalang ako kakain. Sabay na tayo pumasok." 

Wala naman sigurong masama kung ikikiss ko siya diba? I kissed her.. Sa forehead. Sign of respect. 

I want to know what I am feeling towards her. Gusto ko siya, I admit it. Pero iba eh. Iba talaga si Cara! Ang saya saya ko. Buo na araw ko.

After 3 minutes, andito na ako sa bahay ko. Naligo, nag-ayos. I'm wearing jeans and v-neck lang na white shirt. Ang init kasi ngayon. Kaya eto muna isusuot ko.

Pabalik na ako kila Cara, mag-papark na sa labas ng bahay niya and then I saw Mark's car. I'm sure kay Mark yun. Bakit kaya? Naalala ko yung sinabi niya na kay Cara siya nag-bbreakfast. Ano yun? Everyday? Nililigawan na ba niya? Sila na ba? 

You're the OneWhere stories live. Discover now