Chapter 13 - I will wait for you.

75 0 0
                                    

Oh shit. Hindi ko alam kung ano nangyari at nasabi ko yun. Sana hindi niya narinig.

"Ano.. Anong sabi mo?"

"Wala. Maganda ka sana bingi ka lang eh."

"Excuse me, dinadahilan mo pa pagkabingi ko. Alam ko namang gandang ganda ka sakin, Gotiangco."

Yeah right. You're so beautiful and I don't know what I'm feeling when I'm with you.

"Oh tignan mo! Hahahaha! Napipi ka na oh. Uyyy nagagandahan siya sa akin.."

Tapos kinikiliti niya ako. Ang cute nito ni Sarmiento.

"Che. Nasusuka kasi ako sa sinasabi mo. Kababae mong tao ganyan ka mag-isip! Wala bang nagsasabing maganda sayo? Tsk."

"Hoy kapal mo. Madami nagsasabing maganda sa akin no!"

"Binobola ka lang nun. Tama na nga! Tara na."

"Saan tayo pupunta?!! May klase tayo ano ka baaaaaa!!"

Ayan, sumigaw na naman. Susungit na naman yan mamaya. Actually, masungit ako pagdating sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Pero ngayong tumatagal hindi ko na ata kayang magsungit sakanya. Lalo na nakikita ko siya kung sino sino kasamang lalake. Bakit ganun?

"Inalagaan mo ako kagabi, alam ko mahirap mag-alaga ng may sakit. Treat kita. Coffee?"

So ayun di na siya umimik. Silence means yes I think? Dumiretso kami sa coffee shop ko, pagkababa namin.

"Hoy Gotiangco. Gusto mo ba talagang bumawi?"

"Alam mo ang arte mo. Sa dami-dami ng babae nagkakandarapa sa akin nag-iinarte ka jan."

"Psh. Hangin!!"

"Halika na."

Hinawakan ko kamay niya, and I saw her blush. Ako din, ang saya ko. Kakaibang feeling.

"Teka! Sinong nagsabi sayong hawakan kamay mo! Nako wala pa man din akong dalang alcohol."

"Eh ba't ka nag-blush kanina?"

"Mukha mo! Hahaha. Teka pwede favor?"

"Ayoko."

"Please?"

Mahihindian ko ba to? Eh malamang hindi.

"You don't have to treat me. It's fine with me. Okay lang na inalagaan kita kagabi. Konsensya ko kung hindi kita inalagaan baka patay ka na ngayon. *laughs* Pero sana, bawiin mo na yung sinabi mo sa cashier mo nung isang araw. I don't want to lose her job just because of me. Give her a second chance please?"

I pinched her nose. Para siyang si Mommy. ang bait niya sa ibang tao.

"Okay.. For one condition."

"Sure, what's that?"

Siguro eto na rin yung pagkakataon na sabihin ko sakanya na gusto ko siyang makasama. Gusto ko pa siyang makilala. I think I like her.

Cara's POV

"Lets date."

WHAT? Anong sabi ni Gelo? Tama ba ang rinig ko? Or am I just dreaming? Date? Whatttt?! Ilang taon din akong di nakipag-date sa iba! Papayag ba ako?

"So silence means yes. Lets go."

"HOY! Teka lang hindi pa ako pumapayag!! Bakit ganyan condition mo!!"

"Bakit din ganun yung favor mo?"

Etong taong to wala man lang malasakit sa kapwa! Tssk!

"Ikaw talaga ang sama sama ng ugali mo. Hindi ko alam kung bakit nakakatagal akong kausap ka eh. Kalalaki mong tao wala kang puso. Nakakainis ka! Akala ko ba magtthank you ka tapos ganyan ka pa! Hindi ako makikipagdate sayo! Ang sama ng ugali mo. Hindi mo man lang inisip na kawawa yung babae nung tinanggalan mo siyang trabaho! Tsaka nag-sorry naman siya sa akin ha? Bakit ba ang self-centered mo masyado?"

You're the OneWhere stories live. Discover now