Chapter 20 - Basketball Date :">

112 2 3
                                    

GELO'S POV

Andito na kami ngayon sa court sa may village namin. Ang cute cute talaga ni Sarmiento. Nagdala din pala ako ng camera. Gusto ko kasi, magka-picture na kami. Aisssssssh. Ako ng in-love sakanya. Totoo, mahal ko na nga siya. Love has no reason right?

"Ano? Magtititigan lang tayo dito Gotiangco? Akala ko ba tuturuan mo ako mag-basketball."

Tapos nag-pout siya. Nako, Cara di mo na kailanga magpacute. Hindi ka cute.

Kasi maganda ka.

"Kung magtititigan lang tayo Sarmiento. Talo ako syempre."

"At bakit naman aber?"

Humarap sa akin nakapamewang pa.

"Syempre, paano kita tititigan eh kung yung titig mo palang sa akin nakakatunaw na. Paano na pag natunaw na ako?"

Sa sinabi kong yun, napangiti siya. Ako din naman. Kinikilig ako. Ay, kabadingan. Pero hindi, walang kabadingan o kaartehan pagdating sa love.

"Namumula ka.." Sabi ko sakanya.

"Tss. Tigilan mo nga ako Gelo. Bakit ba kasi ako sinama mo dito? Pwede naman si Krissa. Cheerleader pa yun, e di may taga-cheer ka. Ayos yun."

Umupo siya sa may bleachers. Hayy. Eto na naman siya sa kaka-Krissa niya.

Ganito ba pag nagseselos?

"Are you jealous?"

"Ofcourse not! Why should I?"

"You're jealous Sarmiento.."

Sa tingin ko kasi nagseselos siya, sabi ko kasi kanina pa wag banggitin yung Krissa. Eto naman siya banggit ng banggit. Baka naman gusto niya din ako? Hayy. Sana.

"Ang kulit mo, hindi nga eh!"

"Sus.. Pogi ko talaga."

"Ewan ko sayo, alis na nga ako."

Tumayo siya at naglakad na paalis, pero hinawakan ko kamay niya.

"Bakit?" Nakataas kilay niya. Inis na siguro 'to. Lagi naman eh.

"Teka nga, matanong ko lang. Bakit ba inis ka sa akin ha?"

"Gusto mo malaman kung bakit?"

"Nagtatanong pa, halikan kita jan eh."

"Alam mo kung bakit ako naiinis? Pinaka-ayoko kasi sa lahat yung mangangako, di naman tutuparin. Nakakainis ka ba alam mo yun? Nung gabing natulog ka sa bahay, diba kinaumagahan sabi mo sa bahay ka kakain? Tapos.. Tapos arghhh! Bakit ko ba sinasabi sayo!"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, inaantay niya talaga ako nun? Pero kasi, di na nga ako tumuloy nun dahil nakita ko na si Mark nasa bahay niya.

"Alam mo Gelo, baliw ka na. Ngumingiti ka lang kanina, tapos ngayon tumaas naman na kilay mo. Baliw ka?"

"Oo.. Sayo."

Tapos nginitian ko siya.

"Nagkakalokohan lang tayo dito eh. Hahahaha. Sige na maglaro ka na, di na ako aalis."

Di ko naman siya niloloko ha? Manhid ba 'to? Pero wala akong pake kung manhid siya. Lahat gagawin ko maiparamdam at maipa-alam ko lang na mahal ko siya.

CARA'S POV

"Oo.. sayo.."

Tapos ngumiti si Gelo. Nakakaloka yung ngiti niya. Nakaka-inlove. Hayyy. Ano ba 'to? Butterflies in my stomach? Oo na, kinikilig ako kay Gelo. Pero hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko sakanya.

You're the OneWhere stories live. Discover now