Cara’s POV
Ang sakit ng ulo ko! Pagod na pagod ako kagabi. Kakaalaga dun sa mokong na yun. Pagkauwi ko ng mga 4am, tulog pa siya. Ang himbing ng tulog pero buti nalang wala na lagnat niya. Pwede na ata ako maging nurse!
“Anak gising na, papasok ka ba sa klase mo?”
Si Yaya. Buti nalang may kasama ako dito sa bahay! Love na love ko tong si Yaya.
“Opo, pero siguro sa next subject na po ako papasok, baka hindi na ako makahabol sa first subject ko.”
“Okay anak, mag-ayos ka na at nagluto na ako ng almusal. Anong oras ka na pala nakauwi? Akala ko ba si Danica ang kasama mo? Pero tumawag siya dito hindi mo daw siya sinipot.”
“Kasi ano. Eh, Yaya.. Nagkasakit kasi yung kaibigan ko hindi ko siya maiwanan. Nakatulog na din ako kakabantay sakanya. Hindi na ako nakareply sa mga tawag at text ni Danica kasi nalobat naman yung phone ko.”
“Lalake ba kasama mo anak?” Tapos ngumiti si Yaya.
“Ya naman!!”
“Lalake nga, kasi tignan mo oh. Namumula ka. Aysus ang anak ko mukang may natitipuan na.”
“Nako Ya, hindi ko gusto yun. Nagkataon lang na andun ako nung may sakit siya. Eh kahit papaano kahit ubod ng yabang yun eh naawa ako sakanya. Katulad ko din siya yaya, wala dito parents niya.”
“Kaya anjan ka para sakanya?”
“Yaya naman!! Hindi. Maliligo na nga ako yaya nakasinghot ka ata ng katol eh.”
“May crush ka lang eh..”
“Yaya!!!!!!!!!!!”
Tumawa nalang si Yaya at umalis na. Eto ako, humiga ulit. Chineck ko muna phone ko, ang daming text.
From: Danica
Can’t believe you didn’t show up last night. L
Naku, mukang tampo sa akin tong babaeng to. Naalala ko pa dati nagtampo siya sa akin kasi naiwanan namin siya ni Tim noon. Nako dalawang linggo kong sinuyo!
From: Danica
Dito na ako school. Ikaw? What happened ba? Why are you not replying? Worried ako. But still tampo parin.
From: Mark
Goodmorning! Breakfast?
Aish. Nako nagtatampo si Danica anong gagawin ko. Huhu.
Bumaba na ako at kumain tapos biglang may nag-doorbell.
“Yaya, ako na.”
Tinignan ko ang nag-doorbell at si Mark pala. May dalang food. He smiled.
“Pancakes!!”
“Uy Mark!”
“Sorry kung pumunta ako dito. Gusto ko lag sana dalhin to. Di ka kasi nagreply eh..”
“Sorry Mark. I ran out of load.”
“Okay lang. Sige una na ako. Bye.”
Tapos paalis na sana siya ng bigla siyang bumalik.
“Cara? Hindi ka papasok ngayon?”
“Papasok. But not this first subject. Hindi na rin ako aabot eh.”
“Oh I see. Sige.. Byee.”
Ay sh*t. Di man lang ako nakapag-thank you dito sa dala niya.
“Wait Mark!”
YOU ARE READING
You're the One
Teen Fiction"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...