"Oo nga! Bakit niyo ba kami tinitignan at ngiting wagas pa kayo mga ungas!"
Sinabi ko sakanila. Kanina pa kasi kami tinitignan ni Cara eh. Naka-smirk pa mga loko amp. Nakakaloko tong mga to. Nababading na talaga ako pagdating kay Cara! Hindi naman ako ganito eh!
"Kayo ba ay may tinatago sa amin at nag-aarte lang na magkaaway kunyari para di namin mahalata ang totoo? Hmm, Bes, Gelo?"
Sabi ni Danica. Tinuro pa kami. Amp. Ano ba tong babaeng to? Nawala na ba sa katinuan! Bagay nga silang magbestfriend ni Cara! Nakakagago eh! Hahahaha.
"Nico Reyes here. Agree ako kay Danica! I smell something. Hahahah!"
Kailangan sabihin pati pangalan? Magulo buhay ng mga to ah!
"Ako din! Miguel Escudero. Agree ako! Ikaw, pops Mark?"
"Yeah.."
Tipid ng sagot? Okay, I know. He likes Cara. Sorry, I like her too.
"ANO BANG PINAGSASABI NIYO JAN!!!!!!!!!"
Biglang tumayo si Cara at halatang irita na! Aish kung makasigaw talaga to oh!
"Sarmiento umupo ka nga!! Lakas pa ng boses! Ikaw din Nico umupo ka! Buti wala pa Prof natin!"
Pinaupo ko na sila. Umupo naman sila.
"Hahahahaha! Hindi niyo parin ba alam kung bakit ganito kaming apat?"
"Hell bes, no! Obvious ba?"
"Hahaha ang cute mo talaga bes!!"
"Isss. I know right. Ano ba yun?"
Tama si Danica. Ang cute nga ni Cara. Namumula na kasi siya, ewan ko ba dito at nagbblush! Katabi kasi ako eh! Hahahaha! Okay, ang kapal ng mukha ko. Pero ewan, kakaiba si Cara eh. Parang hindi man niya lang mapansin ako, I mean. Pogi naman ako ah? Siya lang ata hindi napatulala sakin nung unang nakita ako -______-
Dumating na yung professor namin at nagsibalik na sa proper seats. Buti nalang mabait tong prof na to. Mejo nakikipagkulitan siya sa amin.
"Goodmorning class.."
"Goodmorning."
Sagot nila. Hahaha! Di ako sumasagot sa mga prof eh!
Nakatayo lang yung prof namin at nakatingin sa amin ni Sarmiento. Tae! Ano bang meron!!
"Mr. Gotiangco and Ms. Sarmiento, please stand up."
Ano bang problema nitong lalakeng to. Kakasabi ko lang na mabait eh binabadtrip na agad ako! Ano bang meron at lahat kami trip ni Cara. Tinignan lang ako ni Cara at inirapan ako. AMP! Anong ginawa ko dun? Nakatayo na kami.
"Uso couple shirt?" Sabi nung prof namin sabay tawa.
Pagkasabi niya nun, tinignan ko si Cara at oh shit! Naka-white shirt kaming parehong v-neck! Ngayon ko lang napansin! Tae. Yung mga classmates namin nag-yiiieeee tapos si Cara namumula. Ako napangiti din ako, pero syempre hindi ko hinayaang mapansin ni Cara yun. Nakakahiya kaya!
Cara's POV
Ano ba tong araw na 'to? Nakita ko si Gelo na may kasamang babae, tapos may lipstick mark pa. Tapos ngayon trip naman kami ni Professor Cruz. Couple shirt daw? Huhu. Oo nga, pareho pala kaming naka plain white shirt ni Gelo. Ang masama pa, parehong v-neck! Eh hindi naman kami nag-usap ng susuotin ah?
Pero nung sinabi yun ni Sir, natuwa ako. Ewan ko. Napagkamalan kaming couple? Nag-blush ako. Pero siguro hindi naman napansin ni Gelo yun.
Natapos na ang class namin at wala na kaming next class! May meeting daw kasi ang mga professor kasi may event daw sa school next week.

YOU ARE READING
You're the One
Teen Fiction"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...