"MAE?!!!!!!" Sigaw namin ni Danica.
"YES AKO NGA!" Sabay lapit sa amin at yinakap kami ni Danica.
"Hoy Danica! Kelan ka pa dumating?"
"Last night! Sorry, di ko sinabi. Gusto ko kasi kayo isurprise pero parang ako nmaman yung nasurprise."
"Danica, di ka parin nagbabago! Akala ko super arte mo na eh." Natawa ako nung sinabi ni Mae yan. Hahaha!
"Ulul ka. Nag-states lang maarte na agad? Hindi ba pwedeng malandi naman?"
Aba, si Bes mejo bumabanat ng kay Vice Ganda ha! At teka, mas malala pa yung sinuggest niya! Gaga to ah! Hahaha.
"Bes ano ba yan! Wag mong sabihing..."
"Ay Cara mejo yan din naiisip ko!" Sabi ni mae tapos naki-apir sa akin.
"WHAT THE HELL ARE YOU GUYS THINKING?!! VIRGIN PA AKO NO!!"
Napalakas ata boses niya. Nagtinginan sa amin mga tao.
"Sige, ipagsigawan mong birhen ka." Sabi ni Mae.
HAHAHAHA! at nagtawanan nalang kami.
"Cara, Danica, i need to go na. Kasama ko kasi pinsan ko eh. Text or call me nalang. Namiss ko kayo. Powerpuff girls right?!"
"YES!" Sabay namin sinabi ni Danica, and we hugged each other.
Simula Grade 1 hanggang Highschool, sila na ang kasama ko. Trio nga kami eh. As in hindi kami mapapaghiwalay.
Namili na kami ni Bes. Mejo madami na rin at sumasakit na paa ko. Buti na lang hindi ako nag-heels. Teka, hindi pa niya ako sinasagot tungkol sa debut ko ha? Umupo muna kami sa Seattle's Best at nag-kape.
"Bes, punyeta ka. Yung sagot mo inaantay ko."
"Sagot saan?"
"Debut ko."
"Excited ka na! sa october na sayo sa akin sa Wednesday na oh!"
Saturday ngayon. Di ako pumasok kasi wala pa masyadong Prof kasi kaka-start lang ng class.
"Hihi excited ako e. ano makakauwi ka ba nun?" Paawa effect ako syempre.
"Makakakuwi saan?"
Ewan ko ba dito sa bestfriend ko may pagkaslow minsan! Kaya nagbreak sila ni Joshua e. Tsk. Hahha. Joke, pero hindi yun ang dahilan ng pagbreak nila ni Joshua.
"I mean, here. Kelan ba balik mo papuntang States?"
"Hahaha! Hindi ko pa pala nasabi. I'm not going back there anymore, I mean, pupunta ako bakasyon. But for good? No."
Nanlaki mata ko. Ano ba pinagsasabi nito? Ibig sabihin..... DITO NA SYA TITIRA?!!!
"Hey Cara, are you okay?"
"OHMYGAD BES IM SO HAPPY!! SO YOU'LL STAY HERE NA?!!"
"YES!!!"
Ayy nag-tilian kaming bongga! Ang saya ko! Para akong nanalo sa lotto. Hindi, joke lang. Sa perya siguro! hahaha! Nakwento sa akin ni bes na bumili sila ng Condo malapit sa bahay ko, at sa school ko din siya mag-aaral. Marketing din daw para pareho kami! Jusko, magugulo buhay ko sa babaeng to!!
Umalis na kami sa coffee shop at naglibot ulit. Naglalakad kami nang biglang tumigil si Danica.
"Hey bes, anong tinitignan...mo..jan?"
Sinabi ko ng sobrang bagal. Pautal-utal.
Pagtingin ko, si Joshua. Kakapasok sa isang store. At tinignan ko kung may kasama. Wala naman, siya lang mag-isa.
"I kinda missed him."
"Then, let's go to him."
"No. Ayoko na. Baka masaktan lang ako. Makita ko pang may kasama siyang iba."
"ANO KA BA!! SCHOOLMATE KO YAN SI JOSHUA WALA AKONG NAKIKITANG KAHOLDING HANDS NYA!"
Napalakas ata yung Joshua ko, pagtingin ko nasa labas na si Joshua. At nakatingin sa amin..
"Danica?"
YOU ARE READING
You're the One
Teen Fiction"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...