Gelo’s POV
Nakita ko si Sarmiento, bumaba sa kotse ni Mark. Nandun lang ako malayo sa kanila, tinitignan ko lang. Nagtatawanan lang sila. Bakit ang saya nila?
Nag-ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino nagtext.
From: Miggy
Bro, our professor just arrived. Where you at?
To: Miggy
Di na ako papasok. Maya nalang.
Hindi na ako papasok. Babantayan ko nalang tong dalawang to. Mukhang hindi din naman sila papasok. Paglingon ko sakanila, nakasandal na si Sarmiento sa kotse ni Mark. Ano ba tong dalawang to? Maghahalikan sa loob ng school? Tss. Umiinit dugo ko, feeling ko bumalik lagnat ko kahit wala naman.
“Alam ko bawal mag-PDA kahit college na.”
I said to them. Nakatalikod si Mark and si Sarmiento nakaharap sa akin.
“Ge.. Ge.. Gelo?” Si Sarmiento. Psh.
“Morning bro.” Bati ni Mark. Na naghahalata kung bakit siguro umepal ako sa moment nila.
Bakit nga ba? Hindi ko din alam. Ayoko lang na may ganyang umaaligid na lalake kay Sarmiento. Ewan. Siguro concerned lang ako sakanya. Pero basta! Hindi pwedeng magustuhan ko yan.
“Oh bakit namumula ka?”
Sabi ko kay Sarmiento na may pagka-cold voice. Why am I acting like this?
“Ang init kasi eh. Bakit nandito ka?”
“Bawal ba? Kayo lang ba ni Mark pwede dito?”
Magkaharap na kami ni Sarmiento then biglang pumwesto si Mark sa gitna namin.
“Aga-aga nagsusungitan na naman kayo. Sabay kasi kaming pumasok ni Cara kaya nandito kami. Eh late naman na kami sa first subject eh diba bawal ma-late sa subject nay un kaya hindi na kami pumasok.”
“Ahmm, excuse me. But I need to go. May aasikasuhin lang ako. Sige Mark, thanks ulit. Bawi ako next time.”
Sabi ni Cara sabay tapik kay Mark. Sa akin tumingin lang siya. Wala man lang goodbye? Aish. As if I care.
“Oh e ikaw bakit andito ka? Kakadating mo lang?”
Tanong sa akin ni Mark. Anong sasabihin ko? Na I’m watching them a while ago?
“Bumaba lang ako para kumain, eh nagtext si Miggy dumating na yung prof kaya di na ako bumalik. Tara bro, lets eat.”
“Kumain na ako eh.”
“Himala ata kumain ka bago pumasok ng school?”
“Yes, dun ako kila Cara kumain.”
WHAT? What did he just say? Kila Cara kumain. Okay. As If I care ulit. Nawala tuloy pagkagutom ko. Hindi ko alam kung bakit ako naaapektuhan dito sa dalawang to. Ano bang meron?
Cara’s POV
PDA? Ano bang pinagsasabi nun ni Gotiangco. Para lang pinunas ni Mark yung dumi sa akin eh. Ang dumi mag-isip. Kahit talaga kelan wala ng ginawang maayos yun kundi badtripin ako tuwing umaga! Nako nako, ni hindi man lang inisip na nagpakahirap ako sakanya kagabi tapos ngayon gagantuhin lang niya ako.
Nagiisip ako ng malalim ng biglang may yumakap sa akin.
“Siguro iniisip mo kung ano idadahilan mo kung bakit hindi mo ako nasundo sa airport kagabi..”
Waaaaaah!! Paglingon ko nakita ko si Aryll!!! I missed her so much. Kahit na 2months lang siya sa States!!
“Aryll! I’m so sorry. Something happened kasi eh. I know nagtatampo ka and Danica but promise I will make it up to you.”
YOU ARE READING
You're the One
Novela Juvenil"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...