Mark's POV
I'm Mark Ysmael Gutierrez. 18 years old. Sa States na ako lumaki. Kababata ko sila Gelo. And this is the first time I'm attracted.. sa babae.
Ganda nito ni Cara. Pagpakilala palang ni Danica sakanya, nagustuhan ko na siya eh. Simple lang beauty niya, hindi makapal mag-make up. At mukha namang mabait, at sweet. Ang ganda ng mata niya, nakakaakit!
Ako na nagvolunteer na ihatid siya para makakuha ako ng way kung pano kami magiging close. Actually ngayon lang ako na-attract sa babae. Sa States kasi liberated mga tao dun. Ayoko ng ganun. Gusto ko simple lang. Yung isang ngiti lang niya, mapapatalon yung puso ko.
Eeh cheesy ko na masyado. At eto agad naramdaman ko kay Cara. Pagkangiti niya nung pinakilala kami sakaya ni Cara. Iba eh. Tinamaan ata ako ni Kupido. Iba to.
Pinagmasdan ko lang na natutulog si Cara. Siya ang pinakaunang babaeng nakatulog dito sa condo ko. Dun ko siya pinatulog sa guest room, gusto ko makita niya yung mga paintings ko. Yun kasi hilig ko, yun ang pinag-aralan ko sa States. Sila Gelo, Nico at Miggy ang hilig kasi sayaw, basketball at BABAE! Pero ako, painting lang. Yun ang hilig ko.
"Pwe.. Pwede ba ako sumama?"
Please Cara sana pumayag ka. Kinapalan ko na mukha ko. Gusto lang kasi kita makasama. Tinamaan na ata ako sayo eh.
"...."
"...."
Tapos ngumiti siya. Eto na ba?
"O ganyan ka na? Hindi ka na magbibihis? Sige na sama ka na! Treat kita kasi inalagaan mo ako kagabi."
Kahit forever pa aalagan kita. Basta jan ka lang sa tabi ko. Hayyy. Cara ano bang meron ka?
Umalis na kami at pumunta na kaming Shangrila Mall, nag-ikot ikot at kasama namin Yaya niya. Bumili ng gift si Cara, sobrang dami. Worth 2k binili niya, gift niya daw para sa anak ng yaya niya. Ang bait naman ng babaeng to.
"Mark, okay lang ba kung next time na kita itreat? 3pm pala kasi yung bus trip ni Yaya eh. Anong oras na kasi eh 2:30 na baka di na namin maabutan."
"Halika na hatid na natin Yaya mo!"
"So, ako nag-drive ng car niya, pumunta kami sa may bus terminal at ayun nakaabot naman Yaya niya!"
"Yaya, bbye. Tawagan mo nalang ako ha? Pasensya na Ya kung di kita mahatid sa Cavite, kasi Ya may hang-over pa ako. Sorry talaga Yaya."
"Okay lang anak ingatan mo sarili mo ha."
Tapos nagyakapan sila.
"Bye Iho ingat sa pagmaneho."
"Bye po. enjoy!"
So nasa kotse na kami at walang nagsasalita. Pagtingin ko tulog na siya.
"Cara?"
"..."
"Saan ba bahay mo? Di ko alam kung saan tayo pupunta."
Di na siya sumagot. Tulog na nga. Nagring ang phone ko. May nagtext.
From: Danica
Mark, are you with Cara? Where are you guys?
To: Danica
I'm with her, she fall asleep. I'm driving and I don't know where to go.
From: Danica
Come here. Gelo's here.
So ayun, pumunta kaming condo ni Danica.
Ginising ko na si Cara at sabi niya ang hassle daw niya kasama. Nakakatuwa siya. Paakyat na kami ng nasalubong namin sila Miggy sa elevator.
"Oh andito na pala kayo eh!"
"Oo, kakarating. Anong meron pops?"
Pops tawagan namin nila Gelo, Nico at Miggy.
"Paguusapan yung pagpasok natin sa school pops. Excited na ako, im sure madaming chicks dun!"
Di umiimik si Cara. Siguro antok pa.
"Bes." Bati ni Cara kay Danica.
"Hello Bes bakit ganyan mukha mo?"
"Syempre nakita niya yung poging katulad ko.' Sumabat si Gelo. Ano to? Trip niya din si Cara? Pero hindi eh. Player to si Gelo.
"Bes uwi na ako ha! Sumama kasi pakiramdam ko eh! PINABLESS MO NA BA TONG CONDO MO BES?' Sagot ni Cara. HAhaha! Mejo nilakasan pa niya.
"Oo nga Danica! May kararating na demonyo eh!" Sigaw din ni Gelo
"Hahahah! Kayo talaga. Away na naman?"
Lumakad si Cara papunta kay Gelo. Tumayo si Gelo.
"Hoy ikaw GOTIANGCO!" Sabay turo kay Gelo.
"ANO?"
"ANONG PROBLEMA MO!"
"PAGKATAPOS MO AKONG SUKAAN GAGANYANIN MO AKO?!
"SUKAAN?"
Ha? Hindi alam ni Cara na nasukaan niya si Gelo. Sobrang lasing na ata siya nun eh.
Cara's POV
"SUKAAN?"
Anong pinagsasabi nito ni Gelo? Sukaan daw ba? Di naman ako sumuka ngayon?
HAAAAAAAAAA BAKA KAGABI!!!
NUNG SA PARTY NI BES!!!
"Oo! Sukaan! Tatanga tanga ka na bobo ka pa!"
"ANO?!!!!!!!!!"
"Osige mag-away lang kayo jan ham okay lang kami dito." Sabi ni Miggy. Pasalamat ka cute ka!
Nasukaan ko si Gelo? Teka, wala akong maalala. :(
"Ano? Tahimik ka ngayon!"
"Sorry. Di ko sinasadya."
"Wag ka kasing umiinom kung di mo kaya. Feeling strong ka eh."
Hindi na ako naka-imik. Umupo na ako sa tabi ni Danica. Nanonood kami ng basketball. NBA. Hehe. Nagkwentuhan din kami, nagkwento sila isa isa tungkol sa buhay nila. Pero si Gelo hindi nagkwento. Tinatamad daw siya. KJ AMP! Nakakatuwa si Miggy, may pagka-joker siya. Tinatanong pa ako kung may kapatid daw ba ako kasi ang cute ko daw at kung meron daw liligawan niya! Hahaha. Nakakatuwa silang kausap!
Hindi ako pumasok ng ilang araw, wala pa kasing gagawin eh! Inantay ko si Danica na maayos papers niya. Tapos sabay kami papasok! Aba etong si loka loka, kung ano course ko yun din sakanya! Irregular sya. Pero karamihan ng subject magkaclassmate kami. Nagshift din kasi ako ng Marketing! Para pareho kami. :D
Lumipas ang ilang araw at Monday na!
Hayy may pasok na nama at wala pa si Yaya! 2 weeks kasi sabi niyang bakasyon sa akin. Naawa naman ako. Kaya pumayag na ako. Sa labas nalang ako magbreakfast. Naligo na ako at nagbihis. Naka-jeans at polo bouse ako ngayon tapos wedge. Wala kasing uniform sa school namin. Astig no? Pwede pa nga mag-yosi sa loob eh.
*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing
"Bes! Saan ka na? Dito na ako sa room natin!"
"Danica? Excited ka ba? Bibili pa ako breakfast ko eh. Ano gusto mo?"
"Wala! Im done eating na."
"Okay sige, see you."
"Okay! I'll wait for you here."
So, pumunta muna akong Starbucks para bumili ng coffee. Coffee nalang di na ako kakain. Mamayang lunch nalang!
"2 cappucino latte for Piers."
Tagal nama nung sa akin, malate na ako. Huhu. Mawalan pa ako ng upuan, pero baka sinave na ako ni Bes ng upuan.
"Hoy."
Sino naman to? Maka-hoy sa akin ah?
Pagtingin ko..
Si...
Gelo..
YOU ARE READING
You're the One
Teen Fiction"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...