Kaya pala ang tamlay ni Gelo kanina nung binigyan niya ako ng kape. Kaya pala ang tahimik niya nung nagkwekwentuhan kami sa classroom. Kasi may sakit siya. Kawawa anman 'tong lalaking to. Wala man lang yaya or kapatid na kasama dito sa bahay.
Hinawakan ko noo niya, sobrang init niya! At nagchi-chills parin siya. Pumunta ako sa kusina ng bahay niya, nagpainit ng tubig. Tapos naghanap ako ng towel. Ahhhh hindi ko alam kung saan ako kukuha, so kumuha nalang ako sa may drawer niya.
Inakyat ko na yung mainit na tubig.
"Gelo.. Teka umayos ka ng higa ilalagay ko sayo 'to.."
Habang inaayos ko yung pagkahiga niya. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Uyy. Wait. Wait lang."
Hindi ko alam gagawin ko! Ang higpit ng hawak niya sa akin sobra, tapos nanginginig talaga siya. Ang init niya.
"Yung kamay ko Gelo."
Tinanggal niya. Tapos nung patayo na ako para kunin yung towel, bigla niya akong niyakap pahiga sakanya. Hindi ko na tinanggal pagkayakap niya. Siguro kailangan niya talaga ng ganito, sobrang naginginig na eh. After ng yakapan portion namin. Nilagay ko na sakanya yung towel na may mainit na tubig. Turo kasi sakin ni Yaya yun, punasan din daw pati buong katawan. Pupunasan ko na sana, at huhubarin yung shirt niya pero biglang nagsalita si Gelo..
"A.. A.. Ako na."
Okay, edi siya na. Binigay ko yung towel. Pero pano niya naman mapupunasan sarili niya? Syempre huhubarin niya muna shirt niya. E sa lagay niyang yun di niya na kayang mahubad yun.
Pinanood ko lang siya, tinatry niyang tanggalin yung shirt niya pero di niya parin matanggal.
"Ako na nga Gelo." So ayun, mejo awwkward nga lang. Pagkatanggal ko ng shirt niya, ohmygad abs. O.O
Hayy tama yan Cara, titigan mo lang ang abs ng lalakeng may sakit. Hahahah!
Pinunasan ko na, nabihisan ko na rin siya. Pero nanginginig pa siya.
"Wait lang pagluluto kitang soup."
Hindi na siya umimik. Pumunta na akong kitchen para maghanap kung may noodles man lang siya dun, and guess what! Puro noodles andun! So ayun, naluto ko na.
Bumalik na ako kay Gelo at sinusubuan siya. Tinignan ko phone ko at 7pm na.. Malolobat na din ako. Pagtingin ko, 8missed calls and 15 messages.
From: Sissy Danica
Bes, saan ka na? 8pm sa aiport ha? Sunduin natin si Aryll dun.
From: Sissy Danica
I'm on my way na. Magtatampo ako sayo pag di mo ako sinipot sa airport! Pati si Aryll for sure magtatampo sayo!
And magrereply na sana ako my gosh biglang nalowbat! Oh no. :(
Sinubuan ko lang ng sinubuan si Gelo, at naubos niya naman. Bumalik na akong kitchen para hugasan yung ginamit kong pinangluto ko.
Bumalik ako kay Gelo para magpapaalam na sana ako kasi aalis na ako.
"Gelo.. Alis na ako ha."
Di na siya umimik. Nung nasa may pintuan na ako. Biglang narinig ko nalang na sumuka siya. Hayy ano ba itong lalakeng to! Ganito ba talaga siy? pinuntahan ko siya at nilinis ko ulit siya. Pinalitan, binihisan. Hayy. Pagod na ako. Humiga na rin ako sa tabi niya, paano. Hawak hawak niya yung kamay ko.
Zzzzzzzzzzzzzzz..
Gelo's POV
Sumikat na ang araw. Okay na ang pakiramdam ko. Paglingon ko, wala na si Sarmiento sa tabi ko. Anong oras kaya siya umalis? Hindi man lang ako nakapag-thank you sakanya. Ang galing niyang mag-alaga. Gumaling agad ako :)
Bumaba na ako sa may kitchen at may nakita akong note..
"Kaya ka nagkakasakit kasi puro noodles lang kinakain mo,
bumili ka ng meat, pati fish! Veggies narin tsaka fruits. Pagaling ka, Gotiangco!"
- RCS
RCS? Ahh Roxanne Cara Sarmiento. Oo, alam ko name niya. Inaasar ko lang siya noon nung birthday ni Danica. Paano, halatang pikon eh. Tama siya, kailangan ko bumili ng ibang pagkain para naman may stock ako dito. Para pag nagkasakit ulit ako, may maluluto na siya.
Bakit parang gusto ko magkasakit? Kasi, ngayon lang kami nagkasama ni Sarmiento ng matagal eh. Nakatulog pa siya dito sa kwarto ko. Oo, gising ako nung nandito siya. Nagtulog-tulugan lang ako. Gusto ko kasi siyang pagmasdan eh.
SCHOOL
"First time ni Cara di sumipot sa akin! Nakakainis!!!" Sigaw ni Danica.
"Uy Gelo, anjan ka na pala."
Tinignan ko lang yung room at hinanap si Sarmiento, pero wala siya. Paikot ikot lang yung mata ko. Ni hindi ko na naririnig mga nagsasalita.
"HOY!" Sigaw ni Miggy sabay tapon ng binder niya.
"Problema?!"
"Kanina ka pa namin kinakausap, di ka sumasagot!"
"Sorry, hang over lang dude."
"Tss, hang-over."
Umupo na ako sa upuan ko. Nakakapanibago. Wala si Sarmiento.
"Baka may sakit si Cara? Kaya di siya nakasipot sakin kagabi? Bakit kaya wala siya ngayon?"
"Bakit mo ba pinoproblema soi Sarmiento? Malaki na yun, Danica."
"Bakti ba Gelo? Eh sister na turing ko dun. Di kasi siya pumunta sa usapan namin kagabi eh.. Worried lang ako, and at the same time naiinis kasi di niya ako pinuntahan!"
Ha? May usapan sila ni Danica kagabi? Pero bakit siya nasa may bahay ko? At inalagaan ako?
Eh alam kong kumukulo dugo nun sa akin?
"Wag mo na alalahanin si Sarmiento, malaki na yun."
"Gelo, pansin ko lang. Pag si Cara pinag-uusapan, dumadaldal ka."
Sabi ni Nico, sabay ngiti.
Oo nga, bakit ganito? Hindi naman ako ganito eh. Nag-aalala lang kasi ako. Baka nahawa siya sa sakit ko, sa sipon ko sa ubo ko. Kaya di siya nakapasok ngayon.
"Oh kakasabi ko lang dumadaldal ka, ngayon naman natahimik ka. Nako Gotiangco, iba na yan!"
"Hoy Nico! Wag mo nga akong tinatawag na Gotiangco!"
"Sus, pero si Cara ang tawag sayo Gotiangco."
Kasi siya lang gusto ko tumawag sakin nun. Nako nakakainis tong si Nico! Lalabas nga muna ako at magyoyosi.
Lumabas ako sa may parking, at nakita ko kotse ni Mark. Lalapit na sana ako..
Kaso biglang bumaba sa kotse na yun si Cara.
Bakit sila magkasama?!

YOU ARE READING
You're the One
Teen Fiction"First love never dies." Is this true? After 4 years, what will happen when you are still waiting for your first love but while you are waiting, there's this guy that is willing to love you and to replace the one in your heart. Will you accept him...