Chapter 4 - Undin!

77 1 0
                                    

Yung feeling na gusto mong umiyak kasi marinig mong sinabi ng taong gusto mo ang salitang, "My girlfriend."

Mas maganda nga ako, pero siya naman ang girlfriend ni Joshua! 

"Hi, Ginnie here."

Ginnie mo mukha mo. Mukha kang undin!

"Hello, Ginnie! Ngayon lang tayo nagkaalaman ng name pero magka-classmate naman tayo last sem. Si Danica, bestfriend ko. Kakauwi niya from States." Sabi ni cara. Sige bes, ikaw nalang magsalita. Wala na akong masabi eh.

"Hi danica." Sabay abot ni undin ng kamay niya. Shake hands? Hell no, I don't need to. Magka-virus lang kamay ko noh! Tinapik ako ni Cara. Nababasa niya siguro nasa isip ko.

"Hello, Un... Ginnie."

Shocks! Muntikan ko na nasabing Undin. Hahahaha! Kilala niyo ba si Undin? Search niyo :P Bakit ba nakatitig tong Joshua na to sakin? May dumi ba ako sa mukha or what? 

"What?" Sabi ko kay Joshua. Sige, ulitin mo pa yung sinabi mo na miss mo ako ng masampal ka niyang girlfriend mo.

"Nothing, Danica. You've changed a lot."

"Yes ofcourse. Madami akong pinagbago, natuto ako eh."

"Natuto saan?" Tanong ni Joshua! Kunyaring walang alam amp.

"Sa madaming bagay. Na hindi dapat pinaglalaban yung mga taong hindi marunong tumupad sa usapan."

Leche ka. Manhid ka ba. Ayan sinabi ko na. Anong masasabi mong lalake ka?

"Ha?" 

"Na madaming walang kwenta sa mundo."

Hindi ko na talaga mapigilan sarili ko. Bumabalik yung sakit eh..

Cara's POV

Jusko mukang nagkakainitan na! ano ba bessy, hindi mo kailangang sabihin yan. Teka, lalayo na nga kami.

"Hahahaa! Bes talaga! Anong movie na nga yang lines na yan? Memorize mo parin pala until now!" Sabi ko. Palusot lang. Hahaha!

Tapos si Joshua at Ginnie, naka O.O

You're the OneWhere stories live. Discover now