Tine....
Napatigil ang lahat habang unti-unting papalapit ang babaeng naging parte sa nakaraan ni King,hindi ako makagalaw napahinto ang paghinga ko ng lumapat ang labi nito sa labi ng asawa ko,napasingap ang nasa paligid at mga mapanuring mga mata ang tumatama sa akin.
Napayuko ako ng makita ang magkalapat nilang mga labi maaring mahal parin ni King ang babaeng ito,tumulo ang luha ko ng di ko namamalayan pinipigilan ko ang mapahikbi at napahawak sa dibdib kong tila ba tinarakan ng punyal,at unti-unting pinapatay,ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding sakit,mas masakit pa sa sugat at mas masakit pa sa mga pananakit na natanggap ko sa aking asawa.
Nakaramdam ako ng mainit na kamay na pumatong sa aking balikat,pinunasan ko ang luhang kanina pa tumutulo at sinadyang pasiglahin ang aking mukha,hindi ako pwedeng umiyak sa harap ng maraming Tao,kaylangan kong maging malakas para sa sarili ko,pag angat ko ng ulo ay nakita ko ang nag aalalang si Jenro, "are you okay? "Napatango ako pero namalibis ang saganang luha hindi ko na napigilan ang sarili ko masakit at nasasaktan talaga ako.
"P-pwede bang ihatid mo a-ako...?"tanong ko rito habang pigil ang hikbi at wag pumiyok sa harapan nito,ayaw kong makita ang mga susunod pang mangyayari baka lalo lang madagdagan ang sakit na nadarama ko,tumango ito at inilahad ang kamay,inabot ko naman ito at inilalayan akong tumayo at hinila paalis sa lugar na iyon.
"Wag kang lilingon...."sabi nito naguguluhan akong napatingin dito habang ito'y hila parin ako,di napigilan ng sarili kong napalingon at ganun nalang ang panlalambot ng tuhod ko ng makitang yakap ng asawa ko ang babaeng iyon,siguro nga ay mahal pa nito si Devon,masakit lang isipin na tiniis ko naman lahat ng pasakit at masasakit na salita nito kahit pa paulit ulit akong masaktan ay tinatanggap ko dahil sa mahal ko ito,pero anh lahat pala ito ay wala lang sa kanya at sa ganung iglap ay para nalang akong itinapon sa isang tabi.
"Pwede bang wag mo muna ako iuwi,baka pag bumalik ako sa lugar na iyon ay masiraan lang ako ng bait.."sabi ko rito habang lulan ang mamahalin nitong sasakyan,patuloy lang ako sa pag iyak at wala sa sariling yakap ang aking sarili, halos hindi na ako makahinga sa sakit,"bakit..?"salitang laging paulit 'ulit sa isip ko,alam kong nakikiramdam si Jen sa tabi ko at napapansin ko rin na panay ang sulyap nito sa akin,"you okay?, please stop crying.. it's not suit to your lovely face..."sabi nito habang panay parin ang sulyap sa akin,umiling ako bilang sagot,"I'm not o-okay..m-masakit d-dito... "sabay turo sa puso ko, napapiyok pa ako habang panay parin ang iyak ko.
Napansin ko rin na medyo malayo na kami sa kabihasnan at puro puno nalang ang nakikita ko,kaya napatingin ako rito "relaxed, tine...sabi mo ayaw mong umuwi so 'punta nalang tayo sa rest house namin ng parents ko..."sabi nito at balik ng tingin sa daan,may tiwala naman ako sa taong ito dahil nararamdaman kong mabuti syang Tao,mabait ito at gwapo di tulad ng asawa kong walang ginawa kundi saktan ako,siguro kung nauna ko lang ito nakilala ay nagustuhan ko ito,napapikit ako sa sobrang pagod na nararamdaman ko,kaya naman diko na namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako sa nadidinig kong hampas ng along,ang sariwang hangin na nadadama ng aking balat,talaga nga namang nakakarelaxed, napabalikwas ako ng maalala lahat ng nangyari ang party si king at pati narin si Devon pati ang sakit na naramdaman ko ay bumalik rin,"pati pag gising mo umiiyak ka parin..?"napatingin ako sa taong nagsalita nakita ko itong nakatayo sa labas ng kotse habang nakatingala at pinapanuuod ang mga bituin sa langit ang may kahabaan nitong buhok na tinatangay ng malakas na hangin,nakangiti itong bumaling sa akin at binuksan ang sasakyan nito.
"Di na kita ginising dahil mukhang pagod sakakaiyak,saka kahit sa pagtulog mo ay umiiyak ka parin,why Celistine? Sinasaktan ka ba ng asawa mo?"sabi nito habang tinititigan ako sa mata na animoy pinag aaralan nito ang ekspresyon ng aking mga mata kaya naman napayuko ako dahil sa hindi ko kayang makipag titigan rito,inangat nito ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang saganang lumalaibisbis sa aking mga pisnge,"that bastard! Kaya naman pala na ngangayayat ka at namumutla dahil sa ginagawa nya! "Mahahalata ang galit nito dahil sa paglabas ng litid nito,hinawakan ko naman ang kamay nito bilang pag kalma.
"Tama na...".yun lang ang salitang lumabas sa labi ko dahil sa wala akong masabi,napatingin naman ito sa akin at napangiti ng matamis, "sana ako nalang ang nauna sayo..sana ako nalang ang una mong nakilala...sana lang ang lahat dahil huli na ang lahat..."malungkot na sabi nito nagulat ako sa mga salitang sinabi nito hindi ko alam na may pag tingin ito sa akin dahil sa pangalawang beses palang naman namin nagkita.
"Gusto mo bang mawala ang lahat ng galit at sama ng loob mo? "Takang tanong na napatingin ako rito habang ito naman ay nakangiting nakatingin sa akin,bat kaya ang cute ng mga mata nito,pinitik nito ang daliri para magising ako sa malalim na pag iisip,"ano?.. "tanong ko rito kaya naman napalatak ito,"ang sabi ko akyat tayo ng parola at isigaw mo lahat ng sama ng loob mo, gagaan ang pakiramdam mo pag nailabas mo lahat.."sabi nito at hinila na ako papunta sa parolang sinasabi nito pilit kong hinihila ang kamay ko ngunit sadya talagang ayaw nitong bitawan ang mga kamay ko.
"I'm scared... saka mataas kaya yang sinasabi mong parola..."sabi ko rito ng paakyat na kami,nilingon ako nito dahil sa nauuna naman ito"don't be afraid tine I'm here and no matter what happened I'm still here to catch you... "natahimik ako sa sinabi nito iba kasi ang dating nito na tila ba may gustong iparating sa mga katagang binitawan nito,tahimik na sumunod nalang ako rito habang nanlalambot ang mga tuhod ko dahil ramdam kong nasa itaas na kami pag bukas nito ng pinto ay bumulaga sa akin ang napakagandang tanawin,ang dagat na tahimik habang nasisinagan ng liwanag ng buwan ang napakaraming bituin sa langit, "it's beautiful... "sobrang ganda talaga at yun lang ang masasabi ko.
"Yeah your right it's beautiful like you... "sabi nito habang nakatingin sa dagat,"okay na ba pakiramdam mo? Alam mo matagal na kaming magkaibigan ni king,"pag kasabi nito ay nagising lahat ng sakit napatulo ulit ang luha ko habang napahawak sa dibdib ko, ang iyak ay naging hagulhol na tila ba wala ng bukas,"isigaw mo lahat ng sakit na nararamdaman mo tine..nandito lang ako makikinig.."sabi nito habang nakatayo at nakatanaw sa kalawakan ng dagat.
Napatitig ako sa malawak na tanawin habang humihikbi,tama sya kelangan kong ilabas lahat ng sama ng loob ko dahil sa pagod na pagod narin ako,"ahhhhhhhh.....ayaw ko na..... pagod na pagod na ako king.... pagod na ako sa mga pananakit at pag iinsulto mo sa akin!!! Asawa mo ako!! At kahit ganun ay mahal na mahal parin kita!!! Sobrang mahal na mahal!!! Pero kahit anong gawin ko ay hindi mo ako kayang mahalin!!!! "Sigaw ko hinihingal na napangiti ako habang tumutulo ang luha ko.
"Damn ..!lucky bastard"bulong nito at nakangiting tumingin sa akin,"sana gumaan ang pakiramdam mo"sabi nito habang nakalahad ang kamay nito at ayain akong bumalik na sa baba,"you need to be rest, I know you're tired.. "sabi nito tango ang sagot ko rito sana after this night maging maayos ang lahat.
"Dedicated this to my lovely fren,shyMaiden..yan na request mo bebe"
Just follow,share,comment and vote.. thank you.. 😘😘
pria02

BINABASA MO ANG
My Heartless Husband
Ficción GeneralI have no choice, my father sell me to a heartless king. He married me,he gave me a hell of life in his arms, he can used me anytime he wants. I'm damaged physically and also emotionally. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko sa kamay...