chapter16

23.4K 589 7
                                    

Tine....

Ang pangakong agad itong darating ay napako,ano pa nga ba ang aasahan ko sa asawa ko kung ang kasama naman nito ay ang tunay na mahal nito,mabigat ang katawan na bumangon ako sa sofa dahil sa dito ako natulog para hintayin ito,naaawa ako sa sarili ko pakiramdam ko kasi para akong nanlilimos ng pag mamahal nito.

Patapos na akong mag bihis para pumuntang hospital ng biglang nag ring ang telepono ng bahay,agad kong sinagot ito hello?, sagot ko rito hindi kumibo ang nasa kabilang linya hanggang sa marinig ko ang boses ng babaeng sumira na sa araw ko,king darling? Where have you been?, bakit naman ang tagal mong maligo naiinip na ako.."sabi nito,nakaramdam ako ng sakit, ano ka ba naman celistine, alam mo nang niloloko ka at heto ka parin nagpapaloko..."bira ng utak ko,natatawa ako dahil mukha atang nasiraan na ako ng bait.



Did you wait me?, tanong ng baritonong boses,hindi ba obvious?, sagot ng utak ko,hindi ako kumibo pinakiramdaman ko ang pag hinga nito sa kabilang linya,I -I have to go,king..I'm going to the hospital mag papacheck up ako today,sabi ko rito nakarinig ako ng pag bagsak sa kabilang linya at ang galit ng babaeng kasama nito,ouch!! Why did you do that ?!,sigaw nito at halata ang galit sa boses nito,wait me there, i will go home right now...sabi nito na kinontra ko agad,No!! I don't need you, saka isa pa pagod na akong maghintay sayo, I can take care myself, hindi ko na hinintay pa ang sogot nito at agad pinatay kong pinatay ang tawag.


Tulalang naglalakad ni Celistine  papunta sa hindi kilalang clinic, alam kasi nito na hahanapin ito ng asawa dahil sa kabastusan na ginawa nito at isa pa alam nyang hahalughugin nito ang kilalang hospital makita lang sya,kaya napag didisyunan nitong pumunta sa alam nyang hindi sya matatagpuan,maraming tanong ang gumugulo sa isipan nito at hindi nito alam ang gagawin,beep!! Beep!!! Napahawak ito sa dibdib sa tindi ng nerbyos na naramdaman,kahit na tulala ito ay alam naman nyang nasa tamang daan sya at ayaw pa nyang mamatay.


Napalingon ito,sa pinanggalingan nito at ganun nalang ang tuwang nadarama nito ng makita nito ang binatang nakangiti at nakalabas ang ulo sa bintana ng mamahalin na sasakyan nito,na miss talaga nya ito dahil pag katapos ng matinding pag tatalo ng binata at asawa nito ay matagal nya itong hindi nakita, alam nyang umiiwas ito at naiintindihan naman nya ito,alam mo?, hindi mo bagay maglakad ng mag isa,do you mind if I join you?, masiglang bati nito sa akin tumango ako bilang sagot at agad itong bumaba sa sasakyan nito at sinabayan ako maglakad.

Tahimik lang kami at nag papakiramdaman habang nag lalakad,may time na titingin ito sa akin at pag lilingunin ko ito ay babawi rin ito ng tingin,ang layo na nang nilakad natin,san ba talaga tayo pupunta? At saka nasan ba yung sira ulo mong asawa?, pag basag nito sa katahimikan,nginitian ko lang ito at muling nag patuloy sa pag lalakad,alam mo ang laki ng ipinayat mo, ano bang pinapakain sayo ng asawa mo at bakit mag isa lang naglalakad?,napangiti ako sa marami nitong tanongalam kong concern lang ito sa kalagayan ko.

Your talkative,. Maiksing sabi ko rito, napakamot ito sa ulo at namumula ang mukha halatang nahiya ito sa sinabi ko kaya naman,I'm going to the clinic, mag papacheck up kasi ako,medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko nitong nagdaang linggo,nakangiting sagot ko sa tanonh nito, nakita ko ang pag aalala nito kaya naman inunahan ko agad ito,kung mag papacheck up ka,bakit nag lalakad ka at hindi hospital ang puntahan mo? Bakit sa clinic pa? Ang alam ko yang natatanaw ko ay clinic ng brgy.at ang layo ng pinuntahan natin..reklamo nito sa akin kahit kelan talaga ang daldal nito.

Jen,wag ka nang madaldal,naririndi na ako sayo,ha?, kaya dito ako pumunta ay para hindi ako hanapin ng asawa ko,sabi ko rito na syang ikinatahimik nito malamang may iniisip ito dahil hindi na ito kumibo pa,bakit? Sinasaktan ka parin ba nya?, hindi pa rin ba sya nagbabago?,seryoso nitong tanong hindi ako kumibo sa halip ay hinila ko ito papasok sa isang brgy.hall at kumatok sa isang maliit na pinto,nang pag buksan kami ay bumungad sa akin ang isang ginang na may ngiti sa labi.


Hello?, anong maipaglilingkod ko sa inyo?, magiliw na bati nito sa amin,bigla ko tuloy na alala si Nay Minda,kamusta na kaya ito? Miss ko na sya,sana mag kita kami ulit ng ginang,ahhmmm good morning po,narito po sana ako para mag pakunsulta,magiliw na bati ko rito at ng paupuin kami ay pinakatitigan ako nito,so what's the problem iha? May masakit ba sayo?,may mga bakas ng pasa ang iyong mukha,at mga braso ito ba ang ipapakunsulta mo?, mahabang saad nito at inoobserba ang katawan kong pagaling na galing sa pananakit ng aking asawa.


Naku..! Hindi po iyan ang ipinunta ko rito,nitong mga nakaraang linggo po kasi ay nakakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan kaya po sinadya kong magpunta rito,pag iiba ko ng usapan ayaw kong pag usapan ang pananakit na pinag dadaanan ko dahil pinangangalagaan ko parin ang pangalan ng aking asawa lalo na't kilala itong Tao,napataas ang kilay ng ginang pero kalaunan ay ngumiti ulit,okay..ano ba ang nararamdaman mo iha? Tanong nito kaya naman inisa isa ko ang
mga kakaibang nararamdaman ko.




Madalas po kasi ako mahilo at laging inaantok,maiksing sagot ko dahil yun naman talaga ang totoo,napa oh ang bibig ng ginang ng sabihin ko ito sa kanya,ilan buwan ka na bang delayed? Tanong nito,oo nga halos mag tatlong buwan na akong hindi dinadatnan,almost 3months na po, sagot ko na syang lalong ikinangiti nito,so nagkakaroon ka na ba ng hinala kung bakit ganyan ang nararamdaman mo?tango lang ang sinagot ko at nilingon ang binatang tahimik lang na nakikinig.


Great but before natin i assured you need to test,here..may inabot itong maliit na kahon at nang makuha iyon ay pumasok ako sa maliit na banyo at sinimulang basahin ang instuction,may laman itong tila papel na color blue,mukha rin itong popsicle stick,at ayon sa nabasa ko pag naging pink ang kulay nito ay positive ang results,nanlalamig na umupo ako sa bowl ng banyo at pikit matang hinintay ang resulta ng pregnancy test ng imulat ko ang aking mga mata ay ganun nalang ang pagtulo ng aking luha,wala sa sariling napahawak ako sa tyan ko may buhay na nabuo rito sa loob nito.


Paglabas ko ay matiim na nakatingin sa akin si Jen at ang doctor na namamahala sa clinic,ng ipakita ko ang kulay nito ay ngumiti ang ginang at binati ako nito,Congrats iha,magiging mommy kana..magiliw na bati nito sa akin,at napangiti ako sa sinabi nito tama sya magiging ina na nga ako,marami itong bilin at may nirekomenda itong OB,para sa akin, ingat iha.. congratulations Mr.magiging daddy kana!!, biro nito kay Jen na syang ikinangiti nito,salamat po.. maiksing sabi nito,abah ang loko pinanindigan ang pagiging daddy, nang makapag paalam na ay magaan ang aking pakiramdam,sa wakas mag kakaroon narin ako ng makakasama yung mamahalin ako ng walang kahati at yun ay dahil sa baby na nasa sinapupunan ko ngayon.

















pria02

My Heartless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon