Ice Cream
Cleo Sofia's POV
Weekend. Napakasaya ng buhay chill sa bahay kain tulog. Saya! Masaya talaga hanggang sa guluhin ka ng kuya mo! panira.
"Nget sige nanaman kasi" tawag ng pinaka mapagmahal kong kuya lol galing ko mag joke.
"Ano ba kuya? Ayaw ko." kanina niya pa ako kinukulit na samahan siya sa mall para bumili ng regalo para sa girlfriend niya. Ayaw ko nga! kadidri yung girlfriend niya eh ayaw ko dun!
"Bakit ba? babysistaaaaah! sige na, hindi ko kasi alam kung anong gusto ng mga babae eh..." sambit niya habang hinahawi yung librong binabasa ko.
"Ano ba? ako ba yung boyfriend? kuya naman" Weekends eh at sobrang na stress ako sa school kaya gusto ko mapahinga ng isang taon di ba? kaso malas ko dalawang araw lang bakasyon ko.
"Tara na kasi sige na!" ew. nag pu-puppy eyes si kuya lol sorry kuya pero it won't work. "Ipagsho-shopping kita lahat ng gusto mo sa halagang 20 thousand sa isang araw ano deal?"
"Oh? edi tara na. Kuya naman kanina pa kita niyayaya na umalis eh. Wala ka bang balak na bumili ng regalo? jusko" hehe sorry pero 20 thousand din yon.
"Shopping lang pala katapat mo eh" ginulo niya yung buhok ko tas ngumiti ng pagka-pogi pogi at umalis. Lord naman bat mo ba ako ginawang kapatid ni Kuya Stanley?! ang pogi niya huhu.
Pero ew! hindi marunong pumili si kuya ng babae. Ampanget ng girlfriend niya, i mean panget ugali maganda naman kasi girlfriend niya eh *gags*
"Kuya, Nagugutom na ko" huhu kanina pa kami paikot-ikot dito eh mga 5 minutes. Eh, bat ba feeling ko sobrang tagal na nun eh.
"kakadating palang natin, baby girl" sabi ni Kuya sabay kuha sa kamay ko at pinulupot sa braso niya.
"ay, Girlfriend niya ata yan" " sayang naman" "Hayaan mo hindi sila bagay" "panget yung babae tapos pogi nung lalaki bes"
"Aba kuya! panget daw ako!" lalapitan ko na dapat yung mga chismosa kaso naunahan na ako ni kuya.
"Uy! palapit na siya!" "Omg bes amuyin mo nga hininga ko!" "Forever na mabaho yan ano ka ba!"
"Miss.." Tawag ni kuya sa babae. "Nagkakamali ka. Hindi ko siya girlfriend pero...tama ka panget nga siya" Sambit ni kuya sabay hagalpak ng tawa. Amputa akala ko ipagtatanggol ako!
"Tangina mo kuya isusumbong kita kay Daddy!" sigaw ko at tumakbo paalis sa may kayla Kuya Stan. Depunggal siya!
"Oy! joke lang! Cleo!" Narinig ko pang tawag niya pero di ko na siya nilingon. Nakakabadtrip akala ko aawayin niya yung mga babae kainis!
Pupunta muna ako sa mga shops dito at aaliwin yung sarili ko kahit naman papaano may pera pa ako dahil binibigyan naman kami ni kuya ng allowance nila mama at papa every month. Medyo malaki lang yung kay kuya kasi matanda na siyang hukluban. 4th year college na siya kuya graduating na samantalang ako stuck pa din sa highschool.
Pumapasok ako sa lahat ng mga shops na nadadaanan ko. So far puro pagkain pa lang yung nabibili ko badtrip naman oh! Nagda-diet nga ako eh! pero joke mahirap di kaya ng powers ko.
Naisipan kong pumunta na lang muna sa may arcade dito kasi nabo-boringan na ako dahil mag isa lang ako. Sanay naman akong mag isa pumunta sa mall pero nagpu-punta lang ako kapag may bibilhin talaga ako.
Ang ayaw ko lang talaga sa mga mall ay yung mga mag boyfriend at girlfriend na laging naglalampungan sa harap mo. Nakakadiri! I respect everyones relationship but pwede namang wag ipangalandakan di ba?
YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...