Makeover
Cleo Sofia's POV
"Besty! Ano yun ah? May pabuhat buhat pa daw!" Ang kulit ni Bella huhu pano ba makawala dito? Sino ba kasi chismosang nagkwento sa babaeng to?
"Wala nga yun. Nahulog ako sa puno kasi nabali bigla yung inaapakan kong branch Bella dont make it a big deal" pag nalaman ko talaga yung mga chismosa na nagsabi kay Bella nun makakasapak talaga ako.
Tinawag na kami ulit ni Sir para makita yung mga bagay na nakuha namin. Hindi ko pa namemeet si Luca mula kanina kasi bigla akong hinila ni Bella pagkakita pa lang niya sakin.
"Oy! Luca! Tara dun tayo sa may malapit sa teacher!" Sigaw ko pagka-kita ko sa kanya pero di niya ako pinansin at dumiretso lang sa paglalakad.
Hala?
"Uy! Luca? Yuhoooo!" Ayaw niya talaga ako pansinin.
"Cleo di ka naman pinapansin eh hayaan mo na" sabi ni Bella medyo nakalayo na si Luca at di talaga niya ako pinansin.
Medyo parang kinukurot yung puso ko sa pagiwas niya sakin pero pinaniwala ko na lang yung sarili ko na hindi niya lang ako narinig.
"Oh sige.." Bulong ko hindi ko alam kung narinig ba ni Bella. Masyado akong nalunod sa pagiisip kaya masyado din akong nagulat ng narinig kong nakikipagaway na si Bella sa isang grupo ng mga babae.
Oh? Yun yung partner ni Seth di ba? What the f? Bat sila nagaaway?
"Hindi malandi kaibigan ko! Lumayo nga kayo samin!" Ha? Malandi? Kaibigan niya? Ako?
"Uy Bella ano ba yan? Sinong malandi? Kumalma ka nga"
"Eh tinatawag kang malandi ng mga hitad na to eh" aba putangina! Walang kalma kalma dito ako malandi?! Suntukan!
"Oy! Gago ka ba?! Sinong malandi?! Suntukan na lang tayo ano?!" Mga gago pala to eh! Ako malandi?!
"Cleo sabi mo kalma lang?" Narinig kong bulong ni Bella hinila niya ko paatras para medyo makalayo sa mga hipon.
"Hindi eh! Malandi ako?! Walang kalma! Hindi ko na alam kung ano yung salitang kalma!"
"Totoo naman ah? Nagpabuhat ka pa kay Seth kaya pala ang sama ng tingin mo sakin kanina habang nagtu-truth or dare tayo" sumbat nentong hayop na to sakin. "Kunyare ka pang galit sa kanya mga kalandian mo sa katawan eh no?"
"Aba sumusobra ka na ah!" Hinila ko yung buhok niya at tinumba siya sa lupa nilagay ko yung dalawang tuhod ko sa magkabilang side ng bewang niya habang sinasabunutan niya.
"Hindi mo alam yung kwento wag kang imbento! Siraulo ka!"
"Aray! Bitawan mo ko!" Bitawan mo mukha mo hayop ka.
"Kiss mo muna talampakan ko bwiset ka!"
"Hoy! Cleo! Ano ba?! Bitawan mo nga si Bianca! Hindi mo ba nakikita yung gulong nadadala mo?!" And there, lumabas na yung dahilan kung bakit ako sinabihang malandi ng mga to.
"Eh kung pagbuhulin ko kayo ng Bianca na to?! Pakshet ka! Bakit di mo tanungin si Bianca mo kung anong nangyare ha?! Ikaw naman Bianca tanungin mo din muna yang BABE mo!" Kumukulo yung dugo ko eh kanina lang malungkot ako ngayon bwiset na bwiset na ko.
"Cleo tumayo ka nga jan. Tigilan mo na yan lagi ka na lang nakakagulo ng ibang tao" Napatingin ako sa nagsalita dahil sa gulat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko gusto kong kainin na ako ng lupa.
"L-luca.." Bulong ko. Bakit ganito? Kanina lang pinapatigil ako ni Seth pero galit pa din ako ngayong si Luca na napatigil niya ako.
Umalis na siya pagkatapos kong sabihin yun tinignan ko lang yung likod niya habang papalayo siya saming lahat.
"Cleo tahan na..." Sabi ni Bella. Hindi ko siya pinansin nakatitig pa din ako sa kung saan dumaan si Luca.
Ysabella's POV
Umiiyak pa din si Cleo simula kanina. Hindi siya nagsasalita basta umiiyak pa din siya nandito kami sa loob ng tent nagpaalam na ko sa teacher na payagan muna kami na hindi muna sumali sa activity.
Sabi naman nila na ayos lang at naiintindihan naman daw nila pero kakausapin daw nila kami pagbalik sa school sa isang araw.
"Cleo magsalita ka naman kanina pa kita kinakausap eh" Hindi ko alam kung ano na gagawin ko kanina ko pa siya sinusubukang kausapin. "Manghuhuli tayo ng maliliit ng crabs bili"
Kinukulit niya kasi ako kagabi sa text na manghuhuli daw siya ng crabs na maliliit jusko.
"Hindi ako bata, Bella"
Napatingin ako sa kanya kasi nagsalita na siya mga isang oras na kaming nagtititigan dito.
Ay mali ako pala nagsasalita siya lang nakatitig.
"Eh? Sabi mo kagabi manghuhuli ka di ba?" Ang gulo niya naman.
"Ayaw ko na Bella gusto ko na umuwi" umiyak nanaman siya jusko ano bang gagawin ko?
"Hindi tayo pwedeng umuwi Cleo matulog ka na muna kung gusto mo"
"Maaga pa eh" angil niya pero humiga siya at pumikit. Maya maya pa narinig ko na yung mahinang paghilik niya ibigsabihin tulog na siya.
Iwan muna kita Cleo ah? Lalabas lang ako saglit napakainit dito sa tent.
Pagkalabas ko ng tent nakita ko si Luca na naglalakad papunt sa direction namin.
"Ah..Bella.. Ano.. Kamusta nga pala si Cleo?" Sabi niya ng makalapit siya sakin. Aba ang lolo mo kanina lang inaway niya si Cleo jusko.
"Ayun patay na nilibing ko na wag ka mag alala" biro ko sabay irap.
"Bella naman eh" kinamot niya yung batok niya. "Kamusta na nga siya?"
"Shh wag ka maingay na tutulog siya halika mag lakad lakad tayo sasabihin ko sayo" Sumunod lang siya sakin at kinuwento ko sa kanya na umiiyak si Cleo kanina at tumahan lang siya nung natulog na siya.
"Bakit mo nga pala sinabi yun kay Cleo? Hindi ka naman ganun ah? Anyare?"
"Bella kasi ano.. Hindi ko naman sinasadya medyo ano kasi..ano.." Bagay sila ni Cleo no? Pansin nyo? Ano daw ano? Puro ano bwiset.
"Ano ba? Ano ka ng ano eh"
"Nakita ko kasi sila kanina buhat buhat ni Seth si Cleo tapos magkatinginan sila sa mata medyo nag selos siguro ako?" Sabi niya tsaka tumungo pero nakikita ko pa rin yung pamunula ng pisngi niya.
Cute nento kaya siguro nagustuhan ni Cleo to.
"Sabi sakin ni Cleo nalaglag daw siya habang umaakyat ng puno kaya daw nasalo siya ni Seth aksidente daw yun wag ka mag alala ikaw pa din gusto niya" nagliwanag naman yung mukha niya sa sinabi ko medyo obvious na gusto niya din si Cleo no? Pakasal na kaya sila?
"Bella tulungan mo naman ako oh.." Sabi niya habang kinakalabit yung braso ko.
"Saan?"
"Gusto ko kasi magbago para kay Cleo hindi kasi kami bagay maganda siya matapang eh ako? Kaya sige na tulungan mo ko.." Mukha siya kawawang pusa na niligaw ng mayari kasi ayaw niya na dun.
"Kiss mo muna talampakan ko.." Natatawa kong sabi nanlaki naman yung mata niya, natutunan ko yan kay Cleo wag kayo! "De joke lang sige pagbalik natin ng Manila tutulungan kita"
YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...
