Crush 0.1
Cleo Sofia's POV
"Anong ginagawa nyo dito?" Bungad ni Seth napaka galing talaga, bait niya no? Pansin nyo?
"Hoy bago ka maginarte una sa lahat hinila lang kami ni Gab dito pangalawa wala akong panahon makipag away sayo" Bakla ba to? Nangiirap pagbuhulin ko sila ni Bella eh.
"Edi umalis ka." Sabi niya at sabay inom ng kung ano mang inumin na hawak niya. Waste of time pag kinausap ko pa siya walang patutunguhan kaya di ko na lang siya pinansin.
Hinila ako ni Gabby papunta dun sa may tabi nila Seth pero di talaga sa tabi ni Seth nakaupo kasi sila sand so tumabi din kami parang yung upo namin ganito yung pagkakasunod sunod
Seth-partner niya-Ethan-Gabby-Me-Luca-Bella-Jack
Pero paikot kami medyo nasa tapat ko si Seth.
Nagkukuwentuhan lang sila samantalang ako naka upo sa pinaglalaruan yung buhangin. Pano ba sila naging close? Akala ko magkakaaway kami?
Naiintindihan ko si Bella pagdating kay Ethan, may hidden desires kasi siy- ay wait di pala hidden lantaran eh.
"Matulog ka muna di ba inaantok ka?" Biglang bulong ni Luca. Omo! Saan kaya siya kumukuha ng lakas ng loob? Di naman siya ganyan eh.
"Eh? Saan ako matutulog? Wala namang higaa- oh?" Pigilan nyo ko! End of the world na ba?! Anong nangyayare kay Luca Omfg!
"Jan ka muna umunan sa shoulders ko maya-maya babalik na tayo sa tent niyo ni Bella..." Sabi niya ng di makatingin sa mata ko. Ang cute niya Lord kunin mo na siya! De joke lang lord mamahalin pa ko niyan.
"Laro tayo truth or dare!" Sigaw bigla ng katabi ni Seth na babae ewan ko ba ha unang tingin ko palang ayaw ko na sa kanya. Tsaka truth or dare seryoso?
"Truth or dare sa camping? Ano ka nagbabakasyon?" Sabi ko sabay balik ng ulo ko sa pagkakasandal sa balikat ni Luca. Binato ako ni Bella ng maliit na bato at pinanlakihan ng mata. Ibigsabihin niya umo-oo na lang ako.
"Bahala kayo." nakakabored yang truth or dare lagi na lang yan nilalaro pag walang malaro.
Nag-volunteer si Jack na kumuha ng parang blanket na kung ano para maging maayos yung ikot nung bote. Inubos naman ni Seth yung iniinom niya para daw yun yung bote na gagamitin. Ew di ko hahawakan yan.
Inikot na nila yung bote at nagsimiula na silang maglaro. Nakapatong pa din yung ulo ko sa balikat ni Luca.
Kanina ko pa napapansin yung pasulyap sulayap na tingin ni Seth ah! Kung ayaw niya kami dito well mas ayaw ko dito!
"Cleooooooo! Ano ba kanina ka pa namin tinatawag! Wag mo titigan si Seth matutunaw yan" aba!
"Oy! Ethan! Excuse me hindi ko tinititigan si Seth. Sino bang gugustuhing tumitig jan? Yuck."
Natawa lang silang lahat sa sinabi ko nakakadiri yung nga pinagsasasabi nila. "Yah it's your turn, stupid. Masyado kang madaldal." Sabi ni Seth.
"Blah blah blah talk to the hand" tinapat ko yung kamay ko sa mukha niya.
"Ako magtatanong since sakin tumapat yung kabilang dulo" biglang sabat ni Ethan. "Truth or dare?"
"Truth" matapang na sagot ko.
"Sa mga lalake nanandito ngayon...uhm sino yung pinaka gusto mo?" Ha?! Mapapaamin ba ko?! Omg! Shems huhu! Kakaamin ko palang sa utak ko na gusto ko si Luca eh...
"Ano ba yan?! Ang corny mo naman Ethan!" Binatukan ni Seth si Ethan.
Di ko alam kung papasalamatan ko siya dahil sa pagsave sakin or sasapakin ko siya kasi ang epal niya.
"Ikaw yung corny Seth eh wag ka nga magulo" sabi ni Ethan. "Ano naman kung yun yung tinanong ko?"
"Parang grade 2 naman kasi yung tanong niyo!"
"Hoy! Tumahimik na nga kayong dalawa sasagot na ko!" Napakakulit naman kasi nasasayang yung oras namin. Pero nung tumahimik na sila wala ng lumalabas sa bibig ko "Si a-ano.. Uhm si....an-"
"Yah, princess sino ba si ano?" Pangaasar ni Gabby! Sinabi ko na kasi sakanya noon na crush ko si Luca pero konti lang as in konti lang noon.
"Ano ba! Wag ka ngang epal!" Sabi ko sabay pout at kunot noo pa plus masamang tingin oh diba multitasking.
"Sabihin mo na crush lang naman di ba? Tsaka konting konti lang?" Aba! Hindi pa nakuntento! Nginisian pa ko!
Pinakita niya pa yung kamay niya na parang may kinukurot pero pinapakita niya kung gaano ka konti.
Kung alam mo lang huhu piggy! Gusto ko na siya madami!
"Sige na nga....Si ano.. Si Luca ihhhh! Ano ba yan! Wag nyo ko tignan!" Nakakahiya!
"Ouch, Gab! Talo ka pa ni Luca!" "Gabby wala ka pala eh!" "Oy! Tigilan niyo nga ako! Kilala ko naman yung gusto ni Cleo noon pa!"
"Ikaw ah...di mo naman sinasabi may gusto ka pala sakin.." Yah! Luca! Yung puso ko! Wag mo ko bulungan! "Wag mo takpan yung mukha mo hahahaha"
Ang ganda ng tawa niya holy shizballz!
"Ehhhhhh...."
"Oy bespren tama na maglalaro na tayo, kangkarot? Talande?" O u c h t a l a n d e d a w s i aq. Alam ko naman na joke lang yun so no hard feelings.
"Pwede ko na bang iikot?" Sabi ko ng nakatungo dahil nahihiya pa ako dahil sa biglang pag amin. Tumapat kay Seth yung bote at yung kabilang dulo kay Gabby.
"Truth or dare? Ay hindi bawal ka mag dare, truth dapat!"
"Hoy! Maduga ka!"
"Hindi pwede truth dapat!" Aish! Nagaway nanaman sila!
"Oy! Kutong lupa! Truth na ng matapos na!" Awat ko. Magaaway pa eh.
"Pakielamera talaga" bulong niya pero narinig ko.
"Ulol mabulok ka sana sa Hell"
"Princess awat na hehe okay truth na Seth..." Sabi ni Piggy. Dami niya talagang nickname cute. "Nakita namin lahat kanina habang nakapila.... May inaantay ka...tapos..."
"Baboy! Pabitin ka pa!"
"Eto na chill lang... Ayun na nga.. Parang may inaantay kang bumaba ng bus pero halos lahat nakababa na dalawang tao na lang hindi pero may inaantay ka pa din." Omo? Kaming dalawa ni Luca yung huling bumaba di ba?
"Wala akong iniintay!" Laban ni Seth sa sinasabi ni Gab. "Oh edi sige ikaw na magtanong alam mo naman na pala eh" Pang-aalaska ni Gab. Natahimik si Seth kaya nagsalita na ulit si Gabby.
"Tutuloy ko na ah? Then lumapit ka sa Bus kasi parang antagal nung inaantay mo dalawang tao na lang yung nasa bus si Cleo at Luca bat mo kinalampag yung bus?" Ha?! Siya yung kumapalag?! "Kahit hindi naman ikaw yung inutusan ni Sir ikaw na yung lumapit at tinawag sila sabi mo pa nga 'LAHAT NG NAIWAN SA BUS BUMABA NA DAW KAYO NAG LALANDIAN PA EH!'" Ginaya ni Gab yung boses ni Seth but he failed.
"Oy! Gab! sinasabi mo bang etong dumi na to yung kumalampag ng bus kanina?!"
Note:
Pansin nyo ba na halos bawat chapter nitong story may note? Sorry hahaha natutuwa lang ako kasi may nagbabasa pa kahit bulok tong story HAHAHAHA I'll try my best after chapter 10 gagandahan ko na promise as in 100% ng kaya ko haha enjoy reading guys. Vote and comment libre lang! Thanks sa support!

YOU ARE READING
False Hope
RomansaMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...