Mangga
Cleo Sofia's POV
"Siiiiir! Kelan po ba tayo mag sisimula ang init po eh" Pagrereklamo ko tumingin sakin yung mga kaklase ko nag peace sign lang ako. Sobrang init na kasi eh.
"Ms. Andrada sandali lang at inaantay pa natin yung ibang teachers okay?" Sabi ni Sir.
"Okay po hehe"
Oh? Biglang lumilim? Ay! Sinuot ni Luca sakin yung sumbrelo niya! Omfg! Kill me now! Omfg!
"Pano ka?" Tanong ko pero omfg! Sana hindi niya kuhanin yung sumbrelo! Pero joke nakakaawa din naman siya.
"Ayos lang kaya ko naman yung init sayo na lang" ang bait niya talaga pwede na siya kunin ni Lord.
Joke lang! Mamahalin ko pa yan! Joke ulit ang landi ko putragis.
"Okay class! For our first activity kailangan kasama nyo yung partner nyo! Magiikot tayo sa may mga puno dun sa may dulo nitong beach." Hala! Exciting!
"Tara na po Sir!" Sabi ko kasi excited na ko!
"Ms. Andrada?"
"Ah sabi ko nga po sige sir explain nyo na po ulit hehe sorry po"
"Then hahanap kayo ng mga bagay na satingin nyo ay makakatulong sa inyo kung isang araw ay maligaw kayo sa gubat o sa kahit saan man yan okay?"
"Yes sir!" Sigaw naming lahat pero mas narinig ko yung boses naming dalawa ni Bella. Mag kaibigan nga talaga kami.
"Meron kayong 3 hours para mag ikot sa buong lugar okay? Babalik kayo dito pagkatapos ng tatlong oras naiintindihan nyo ba?!"
"Yes sir!"
"Okay timer starts now!" Nagsimula ng maglakad papunta sa dulo yung mga kaklase ko nauna kami ni Bella hila hila ko si Luca na sumusunod lang sakin.
Parang hirap na hirap naman si Bella sa pag hila kay Gabby kasi parang ayaw tumakbo.
"Bilisan nyo!" Sigaw ko sa kanila. "Luca magisip na tayo ng mga gamit na pwede natin makuha... Marunong ako umakyat ng puno so kukuha ako ng mangga para pagkain kunyare" pagpapaliwanag ko.
"Okay..." Tumatango lang siya sa sinasabi ko na akala mo nakadepende yung buhay niya sakin kaya kailangan niya ako sundin.
Luca miguel's POV
Ang kulit ni Cleo pero kahit ang kulit niya bagay sa kanya kasi ang cute niya. Hinihila niya ako papunta sa kung saan hanggang sa may narinig kami.
"Baka may makakita satin, babe" sabi nung babae. Parang kilala ko yung boses na yun ah?
"Wala yan bilisan mo na" oh? Si Seth yun ah? Anong ginagawa nila?
"Ikaw na maghubad, Seth" Dito talaga nila yan ginagawa?! Pwede namang sa bahay nalang bat dito pa?!
"Ah...Cleo alis na tayo" tinakpan niya yung bibig ko at nilagay yung isang daliri niya sa nguso niya, pinapatahimik ako.
"Grabe.." Bulong niya. Lumapit pa siya ng konti hanggang sa makita namin kung sino talaga yung dalawang taong yun. "Yuck"
Cute talaga niya yuck daw pero pinapanood pa din ayaw pa umalis.
"Yuck nga kaya alis na tayo" pagpipilit ko sa kaniya mukhang ayaw niya talaga umalis.
"Wait" umalis siya sa pinagtataguan namin at dumampot ng bato. "Aantayin ko muna saglit lang Luca tago ka muna"
Bago pa mahubad nung babae yung pants ni Seth binato niya na ng bato yung dalawa sabay takbo.
"Kadiri kayo! Manuno sana kayo sa punso!" Sigaw niya habang natawa.
Cleo Sofia's POV
Kasalukuyan akong naghahanap ng fruits na pwede naming kainin ni Luca mamaya iniwan ko muna siya sa kung saan para mag hanap din ng mga pwedeng magamit.
"Konti na lang..." Malapit ko ng maabot yung mangga na nasa may dulo ng branch umakyat ako sa puno para mas maabot ko.
Yes! Nakuha ko ng hindi nalalaglag! Natuto akong umakyat ng puno noon kay Kuya Stanley nung tumira kami kayla lola.
Meron na kong 4 na mangga okay na siguro to. Bakit pakiramdam ko may nasunod sakin? Parang kanina pa yun ah?
Di ko na lang pinansin at dumiretso na papunta sa camp para ibigay kay Luca tong mga nakuha ko.
Pero may nakita akong isa pang mangga sa may puno medyo mataas pero aabutin ko.
"Ingat ka baka malaglag ka tanga ka pa naman" Hala pucha! Pakiramdam ko nalaglag yung puso ko!
"Ano ba?! Paepal ka talaga no?! Mushroom ka ba?!" Nakakainis kanina ginulo niya yung paghahanap namin ni Luca dahil sa 'hubaran' scene nila nung partner niya tapos nandito nanaman siya ngayon.
Di ko na lang siya pinansin at dumiretso sa pagakyat sa puno.
"Ako paepal? Si Seth Lucas pa-ep-al?" Tinanong niya pa no? Di ba halata?
"Umalis ka na nga dito buset ka-kyaaaaaaah!" Omg! Lord bata pa po ako! Wag nyo po muna ako kuhanin mahal na mahal ko po yung kuya kong bulok! Pati po sila mom at dad kahit palagi silang wala! Kakaamin ko lang po kay Luca kanina maawa naman po kayo!
"Ouch"
"Hala! Sorry! Omg! Buhay pa ako salamat sa Diyos!" Tinignan ko kung sino yung nakasalo sakin biglang nanlaki yung mata ko dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa.
"Yah! Bitawan mo nga ako! Hinahawakan mo pwet ko!" Bastos na to! Sinalo nga ako minanyak naman ako!
"Hoy! Ang kapal ng mukha mo. Ikaw na nga tong niligtas ikaw pa magiisip ng ganyan." Sigaw niya sabay bitaw sakin nalaglag tuloy ako sa lupa.
"Aray ang sakit! Bat mo ko binitawan!" Ang sakit yung pwet ko! Huhuhu.
"Sabi mo eh" ang sama talaga ni Seth pucha. Malasin sana siya. "Utang na loob mo sakin buhay mo babayaran mo ko"
"Ha? Babayaran mo mukha mo pakyu" sabi ko tsaka kinuha yung nga mangga at umalis na dun.
Note:
Sinusubukan kong iksian per chapter para di masyadong mahaba. Enjoy reading guys! Hindi kona binabasa ulit yung mga chapters kaya sorry kung magulo huhu... Love lots! Vote and comment po hehez!

YOU ARE READING
False Hope
RomansaMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...