Sick
Cleo Sofia's POV
Sa mga natitirang oras kahapon hindi na ako ginulo ni Seth which is better.
Sobrang naging peaceful ng araw ko kahapon hindi ko na nga siya nakita after ng pang-gugulo niya sakin.
Hindi ako pumasok ngayon dahil ang sakit ng ulo ko. Gusto ko papuntahin si Bella sa bahay kasi wala akong kasama.
Si Kuya Stanley may pasok, Umalis ulit sila mom at Dad babalik daw sila ulit next week.
Si manang naman umuwi ng probinsya nila last week at bukas pa babalik kaya magisa lang ako.
Alam naman ni Bella kung saan yung bahay ko eh, siya na lang yung natitirang pag-asa ko.
Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ni Bella. Umiikot yung paningin ko jusko. Paano ba ako nag kasakit?Isa sa mga pinaka ayaw ko sa sarili ko ay sobrang sakitin ko kahit walang dahilan magkakasakit ako.
"Yah.. pwede ka ba pumunta sa bahay?...sobrang.. sakit ng ulo ko.. bili ka na din ng gamot please... babayadan kita " hindi ako makapagsalita ng ayos.
['Sige..'] Ha? Bat parang ang lalim ng boses ni Bella?
"And please...wag capsule or tablet thank you" di ko na pinansin yung boses niya at binaba na yung tawag at natulog.
After 15 minutes nagising ako kasi may biglang kumatok sa baba. Si Bella na siguro sumigaw na lang ako sinasabi na pumasok siya.
"Really? Sisigaw ka lang? Paano kung mag nanakaw pala ako?" Seth?!
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?!"
"You called me..? Sabi mo pumunta ako kasi masakit ulo mo?" Sabi niya ng nakangisi.
"Hindi ikaw tinawagan ko! Si Bella!" Malaki na ata sira sa ulo nento.
"Check your phone idiot" inaayos na niya yung mga gamot na binili niya sa may table sa tabi ng kama ko.
Putangina.
Hindi si Bella yung natawagan ko! Si Bugok! Bugok na itlog kasi pangalan niya sa phone ko!
Wag niyo na itanong kung bakit may number niya ako hindi ko din alam kung paano.
"Hindi kita kailangan shoo, shoo alis masamang demonyo" mamaya mahawa pa siya sakin kasalanan ko pa di ba?
"Ayaw ko nga" aba? Hilahin ko kaya dila nito? Bakit ba nagiba ata ihip ng hangin? "Mamaya mamatay ka pa jan makulong pa ako" bait niya talaga sarap ipakuha kay Lord.
So ayun nga nag iba ihip ng hangin? Si Luca medyo nagiging confident na? Si Seth nagiging mabait?
"Ayaw ko nga! Umalis ka dito! Mababahiran ng virus yung kwarto ko!"
Seth Lucas' POV
I've been here for like 5 hours at hindi talaga siya tumigil na subukang paalisin ako.
Ang hirap niya alagaan ganyan ba siya palagi? O pag may sakit lang?
Andami niyang sinasabi para lang mapaalis niya ako.
Gaya ng:
"Seth, umalis ka na baka mahawa ka pa. Wala akong perang pang bayad ng burol mo pag namatay ka""Takpan mo nga yang bibig mo baka may dala kang virus lumala pa sakit ko or much better, leave me alone"
"Yah! Don't fucking touch me! Baka bigla na lang akong mamatay dahil sayo!"
Mung-timang lang eh mga walang sense yung mga pinagsasasabi niya.
Hindi siya tumigil ng kakasalita pero di ko siya pinapansin nakatutok lang ako sa phone ko.
I think it'll be hard for me to be friends with her since we didn't really have this 'good impression' with each other and she probably hate me.
Nakatulog na siya at I can say na ang lakas ng hilik niya. For a short and thin girl like her, she is very different from the others.
I took a picture of her, pang blackmail din to. Nakanganga siya eh.
Ang hirap niya pakainin. Iniisip niya na nilagyan ko ng lason yung soup.
*flashback*
"Kumain ka na Cleo." Inabot ko sa kanya yung tasa nung soup.
"Ayaw ko nga! Mamaya may lason yan eh!"
Kung gusto kitang patayin kanina palang pag pasok ko pinatay na kita."Oh! Ipapakita ko pa sayo!" Kinuha ko yung kutsara at sinubo. "Walang lason di ba?"
"Eh?! Wala na ginamit mo yung spoon! Kuha mo ko ng bago!"
Kumuha ako ng bagong spoon sa kitchen at bumalik na sa taas.
"Ay ayaw ko pala niyan mamaya nilagay mo yung lason sa spoon kasi alam mo na yung iniisip ko kanina" nalaglag ko yung spoon na hawak ko.
Ano?! Grabe! Ibang klase tong babaeng to!
Siya pa lang ang gumagawa nito sakin!"Dalhin mo na lang dito yung lalagyan ng spoon"
*end of flashback*
Pinainom ko na siya ng gamot kanina, nalaman ko ng ayaw niya pala sa lasa ng gamot at natatakot siyang inumin yung capsule.
*flashback*
"Ayaw ko nga ano ba! Alis nga shooooo!"
Aish! Pano ko ba siya mapapainom ng gamot?!"Bilisan mo na, mamamatay ka pag di mo to ininom" pananakot ko sa kanya.
Mukhang hindi gumana kasi ginaya niya lang yung sinabi ko.
"Edi ikaw uminom ikaw may gusto eh!" Sigaw niya sakin.
"Yah! Drink this or I'll kill you!"
"Yah! Drink this or I'll kill you!" panggagaya niya sakin.
Onti na lang Cleo susuko na talaga ako sa kakulitan mo.
"Wag mo ko sigawan! Bakit mo ko sinisigawan ikaw ba nagpaaral sakin?! Gusto mo ikaw patayin ko?!" Aish! Ano bang gagawin ko dito?
"Iinumin ko yan pero gusto ko ng...ice cream" sabi niya sabay tago sa ilalim ng kumot niya.
*end of flashback*Ice cream lang pala kailangan niya antagal niya pang nakipag away sakin.
Nagsasalita siya habang natutulog kaya I took a video of her while talking. Kinakausap niya pa ako, nakakatuwa din to pagtripan eh.
Tinatanong ko siya ng ilang random questions, hindi ko kung bakit pero habang sumasagot siya naramdaman kong kinikiliti ako sa may bangdang tiyan ko.
Note:
Late update but better late than never, right? or kung ano mang kasabihan na yun 10pm pa lang naman dito so counted pa din HAHAHAHAHA Thank you guys for reading this crap, hindi ko na alam kung anong nang yayare sa story ko bahala na. I'll try my best guys. Vote and comment po if you like! Love lots!

YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...