Friends for real
Cleo Sofia's POV
Duma-daming araw ang nakakalipas at madaming nagbabago.
Lagi akong magisa kapag vacant, hindi ko alam kung nasaan si Bella palagi pero sinasabi niya lang sakin na may aasikasuhin siya.
Si Luca naman, hindi na kami masyadong naguusap tinginan lang sabay iiwas agad. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa mga kaibigan ko.
Sana pala di na ako nag-confess, tsaka jusko crush lang naman yun. Pakiramdam ko tuloy grade 6 ulit ako na hindi ko maintindihan.
Kung iniisip niyo kung nasaan si Gabby lagi siyang kasama ni Seth. Si Seth? Lagi niya akong ginugulo araw araw.
Lalo na wala akong kasama palagi naging mabait na siya pero hindi ko pa din siya pinapansin hinahayaan ko lang yung mga gusto niya.
Pero kung iisipin mo din hindi naman pala ako mag isa eh, laging nakasulpot si Seth kahit nasaan ako pero kung iisipin mo ulit mas gugustuhin ko ng maging magisa kesa makasama si Seth.
Isa sa mga halimbawa ngayon, nandito nanaman siya kukulitin nanaman niya ako.
"Cleooooooo!" Wag mo lang pansinin, Cleo "Cleopatraaaaaaaaa!" Bago pa siya makalapit sakin tumayo na ko at sinarado yung book ko.
Mang-gugulo nanaman siya. May exam kami sa math mamaya at nasa pinakababa ng listahan ng mga gusto kong gawin ang bumagsak.
"Oy..bakit ba lagi mo na lang akong iniiwasan? Ganda ganda ni Cleopatra mag-dasal ka na kamukha mo siya eh kapangal-"
"Seth Lucas." Mariin kong tawag. "Wala akong pakielam."
"Kahit sabihin ko sayong nakita kong naghahalikan yung best friend at crush mo?" Ha?! Kaya ba lagi silang wala?! Magkasama sila?!
"Joke lang ikaw naman kinabahan ka no?"
E" Tumawa ako ng mahina. "Sige apir tayo jan! Buti naman joke lang" tinaas ko yung isa kong kamay para makipag-apir sa kaniya, ngumiti naman siya.
Sipain ko kaya ulit yang itlog mo?
Nung makikipag apir na siya pinitik ko siya sa noo niya.
"Gago ka ba?! Kinabahan ako eh?! Kung pinapatay kaya kita?!" Jusko pakiramdam ko nalaglag yung puso ko eh.
"Joke lang naman eh.."
"Joke mo to pucha ka, layuan mo nga ako!" Tinulak ko yung braso niya.
"Ikaw yung nanghahawak eh" bwiset na to ako pa sinisi.
40 minutes pa bago matapos yung lunch pupunta muna ako sa rooftop, hindi talaga ako napunta sa rooftop ngayon lang.
Omo? Ang sarap ng hangin lasang Mcdo, charot. Ang lakas ng ihip ng hangin dito.
Umupo ako dun sa may sulok medyo malayo galing sa pinto, siguro naman walang gugulo sakin dito.
Ethan's POV
"Lubayan mo nga ako, Ethan!" Sungit naman nitong Jackenpoy na to!
"Ano ka ba, Jacky babes? Akala ko ba labs mo ko?" Pout, pout konti. Cute ko tangina! Kahit hindi ko nakikita sarili ko ngayon cute ko pa din.
"Hilahin ko kaya yang labi mo?!" Gusto niya lang ako ikiss eh!
"Kiss mo na lang, kunyari ka pa bading ka naman pala!" Nilaliman ko yung boses ko.
YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...