02

171 9 0
                                    

Bring it on.

Cleo Sofia Andrada's POV

"Let's go na kasi!"  Ang hirap naman kausap nento ni Luca, niya-yaya ko lang naman siyang kumain sa canteen para naman may kasama siya hindi yung lagi siya mag-isa.

"Ms. Cleo nahihiya kasi talaga ako kay Ysabella.." Hala miss daw? baliw? pero wait miss naman talaga ako di ba? alangan naman Mr? 

"Luca?! wag mo na akong tawaging miss! magkaibigan na tayo masyado kang pormal." pinitik ko yung noo niya. "ah-ahh ga-ganun ba? sorry" sagot naman niya na nauutal pa, napakamot na lang siya ng batok sabay himas ng noo niya.

Nagsimula na kaming maglakad pero more on kinakaladkad ko pala siya, ayaw niya talaga sumama. "Tara na kasi, Luca!" pagpipilit ko. Ayaw ko lang na mabully nanaman siya pag magisa na lang siya.

"Nahihiya lang talaga ako kay Bella kasi ang ganda-ganda niya.. di bagay na may kasama siyang tulad ko..." aba. pero pag ako kasama ok lang? edi panget ako? 

"oy! eh bat ikaw sumasama sakin?! edi panget ako?!" pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hindi naman sa ganon!" agad agad na sagot niya "Kasi ikaw, ikaw talaga yung nagyaya sakin para sumama.." dagdag niya. 

"Luca ako bahala sayo okay?! wag ka mahiya dun" makapagsalita naman ako akala mo naman sobrang tagal na namin magkakilala ni Bella pakshet. "Bat ba ilang na ilang ka kay Bella? siguro... Crush mo si Bella no?! ikaw ah Yiiiieeee!" Hala ang kyooooot! namumula siya! 

"O-oy hindi ah!" pinag-'x' niya pa yung dalawa niyang kamay. Nauutal amp. "Asus tina-tanggi pa drama ng buhay m-" Ay? brownout? 

"Hulaan mo kung sino to." Bulong nung taong nasa likod ko di pala brownout may nagtakip ng mata ko. Tsaka bobo lang? bat ko naman iisipin na brownout? nasa Hallway kami kaya kahit brownout maliwanag pa din jusko.  "Bella." mariing sambit ko.

"Aish! bat alam mo na agad?!" nagmaktol siya na parang limang taong gulang na bata na naagawan ng candy.

"Cause you're my only friend here? except for Luca of course" pagkatapos kong sabihin yun hinila na niya ako. "Teka Bella si Luca!" 

"Hanla! bat mo siya kasama?!" may halong pandidiri yung reaction niya. "Don't get me wrong bes, ayaw ko lang mdamay ka sa gulong naidudulot ng pinasan niyan kasi bago ka pa lang at di mo pa masyadong kilala si Seth" from disgust to worried ang reaksyon ng lola mo.

"Wag ka mag-alala. I can handle myself"  sambit ko. "Tara na Luca"

"Hanap na kayo ng upuan at ako na ang bibili ng pagkain natin" Pagpiprisinta ko. Nagjo-joke lang ako pero iniwan talaga nila ako putek di man lang ako pinilit na samahan.

"Tatlong spaghetti po, tapos tatlong coke na din palagyan din po ng fried chicken salamat!" Pag kabayad ko kinuha ko na yung pagkain. Nasaan na ba sila Bella? ang layo pa ata ng inupuan nila putek! mabigat kaya yung dala ko huhu. "ARAY! PUTANGINA!" nadapa ako packing tape! May tumisod sakin!

Bella's POV

Ang tagal ni Cleo. Bat ko ba hinayaan na isama ako ni Cleo dito kay Luca?! Oy! baka iniisip niyo ang arte-arte ko ah! ayaw ko lang madamay sa gulo ng pinsan niya. "Ang tagal naman ni Cleo! tara nga hanapin natin siya!"

"ARAY! PUTANGINA!" "Hanla! si Cleo yun tara bilis!" Tumakbo kami papalapit sa may mga taong nagkukumpulan. Nasa gitna si Cleo kaharap si Ethan. Inaaway ni Cleo si Ethan! Peero si Ethan na ka ngisi lang. oy! Cleo crush ko yan! "Gago ka ba?! bat mo ko tinisod?!" sigaw ni Cleo sa mukha ni Ethan. kawawa naman ang friend ko puno ng spaghetti yung buhok niya basang basa pa ng inumin yung damit niya.

False HopeWhere stories live. Discover now