Crush 0.2
Cleo Sofia's POV
"Oy! Gab! sinasabi mo bang etong dumi na to yung kumalampag ng bus kanina?!"
"Hoy bat ikaw yung sumasagot? Sayo ba tinanong?" Ang kapal talaga ng mukha niya! Siya pala yung nanggulo kanina!
"Hoy ka din ulol! Wag mo kong ma hoy-hoy jan! Ako lang pwede gumawa non!" Nakakapeste yung mukha niya ang sarap batuhin ng basag basag ng piraso ng bote. "Tsaka bakit mo hinampas yung gilid ng bus kanina?! Gusto mo hamapasin ko din yang mukha mo kung gano mo kalakas hinampas yung bus?!"
"Aish! Wag nyo na ngang kakausapin yang babaeng yan. Ewan ko kung babae ka pa eh" Sabi ni Seth sabay naglakad pa punta sa loob ng tent nila.
"Oy! Ang kapal ng mukha mo! Babae ako mamatay ka na!" Sigaw ko mukhang hindi na sila nagulat sa sigaw ko ah? Sanay na sila? "Hindi mo din naman pala sasagutin yung tanong!"
"Ayaw ko na maglaro" sabi ko tapos umalis na din dun nakakainis nakakabuset. Lunudin ko kaya siya sa dagat?! Punyeta siya.
"Cleoooooo!!" Yah! Ang taas ng boses ni Bella ang sakit sa tenga.
"Ano?!" Sigaw ko nagulat naman siya, akala ko ba sanay na sila? "Ay sorry sorry"
"Baliw. Tara punta tayo sa tent marami pa tayong paguusapan." Tinignan muna niya ako ng masama tapos nauna sa tent naming dalawa.
"Antayin mo kooooooo!"
Pagkadating ko sa tent binomba na niya ako ng sunod sunod na tanong.
"Kelan mo pa nagustuhan si Luca?! Bat di mo sinasabi sakin?! Anong klaseng kaibigan ka?! Bat kanina sa bus antagal nyo bumaba?! Anong gina-" tinakpan ko yung bibig niya bago pa siya marinig ng iba.
"Hindi ko alam kung kelan ko siya nagustuhan crush lang naman OA ka. Di ko pa sinasabi sayo kasi di pa ako sure sinabi ko na kay Gabriel noon kasi trip ko. Maganda akong kaibigan. Nakatulog ako ng mahimbing kaya matagal kami bumaba"
Jusko bakit ba pag magkasama kami nento lagi kami nag aaway? I mean hindi naman away na away na magpapatayan na kami. Masyadong matampuhin tong kaibigan ko ang sakit sa buto.
"Ako naman" tinaasan ko siya ng kilay sabay pinaupo sa sahig gaya ko kanina. "Bakit kayong dalawa ni Gabby mag partner? Nasaan si Ethan kanina? At si Seth ba talaga yung humampas sa bus kanina?"
"Okay kanina hinahanap ko si Ethan kaso antagal nila dumating so sabi ni maam si Gabriel na lang daw partner ko ayaw ko pero sabi ni Gabriel ayos lang daw. Late dumating yung dalawa kaya sila na lang mag partner. And yes si Seth yung humampas ng Bus ewan ko kanina kasi parang may hinaha-"
"Shut up Bella narinig ko na yan kanina" sabi ko sabay taas baba ng dalawang kilay ko.
"Kay."
"Last na tanong..uhm. Si ano- yung kaano ni ano-" Hindi ko matanong kasi naman! Nauutal ako at ayaw kong iba yung isipin niya.
"Ano ba Cleo? Si ano? Ni ano? Eh kung anuhin kita jan? Kanina ka pa eh" nakasimangot na sabi niya.
"Sinoyungpartnernisethbakitsilamagpartner?!" Dire-diretsong tanong ko. Sana naman naintindihan niya dahil ayaw ko ng ulitin.
"Sino? Ano? Yung partner ni Seth?" Sabi niya. "Ex niya at yun. Ewan madami namang ex yun eh. Teka bat mo ba tinatanong?! At magsalita ka nga ng mas mabagal"
"Wala naisip ko lang may napatol pa pala sa kanya no?"
"Ano ka ba! Andami kaya! Andami nagkakagusto sa enemy mo" sabi niya sabay hampas sa braso ko putragis ang sakit.
"Wag mo nga ako paluin! Putek ang sakit eh!" Lagi siyang namamalo una pagkinikilig pangalawa pag nagmamaktol pangatlo pag iniisip niya na ang tanga mo pangapat pag late ka sa balita pwede ko ng ipagpatuloy kaso baka di tayo matapos.
"Pero besty ano nagustuhan mo kay Luca?" Wow seryoso siya wag kayong ano ngayon lang to.
"Uhm.. Matalino? Mabait? Gentleman? Lahat ata ng meron siya. May itsura naman siya eh kaso di nag aayos kaya ayan nagmumukhang mr bean."
Actually OA naman ata yung Mr. Bean kasi maayos naman itsura niya normal na pants na sinusuot ng mga teens ngayon tapos t-shirt kung tutuusin maayos naman siya.
Yung buhok niya lang nakababa gaya ng kay Mr. Bean tapos yung salamin niya at pagtingin mo palang mahahalata mo na agad na nerd siya ewan ko ba basta.
"Sabagay okay naman siya eh medyo duwag nga lang."
"Alam mo Bella pakiramdam ko hindi naman siya duwag ayaw niya lang lumaban kasi ambait niya!" Kinikilig ako ano ba yan!
"Yah! Dalawa na tayong may crush! Dalawa na tayong mag fafangirl!" Dati niya pa ako kinukulit eh. Kelan daw ba ako mag kakacrush well eto na Ysabella.
Note:
Nagsisipag na ko yey! Two chapters in one week yass! Nga pala yung mga title for each chapters kung medyo malayo dun sa main topic ng chapter na yun sorry HAHAHA ginagawa ko kasing title yung word na tumatak talaga sa isip ko habang ginagawa yung chapters. Keep on supporting guys! Love lots! Vote and comment!
![](https://img.wattpad.com/cover/100444096-288-k295325.jpg)
YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...