Friends?
Cleo Sofia's POV
I woke up feeling so much better than yesterday. Feeling ko panaginip lang na pumunta si Seth dito kahapon di pala panaginip bangungot.
Napatunayan kong hindi panaginip yun ng makita ko yung lalagyanan ng spoon sa tabi ng kama ko.
"Cleooooo! Ayos na ba pakiramdam mo?" Bungad ni Kuya Stanley.
"Ayos naman na. Medyo late ka no? Kahapon masama pakiramdam ko" inirapan ko siya sabay bangon sa kama ko.
Pumunta ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush.
Umalis ba si Seth kahapon agad pagkatulog ko? Or nag tagal pa siya?
At ano bang pakielam ko? Eh ayaw ko nga siyang nasa bahay ko. Ayaw ko siyang kasama.
Pero kahit pa-paano thankful din naman ako na inalagaan niya ako kahit na alam kong pinahirapan ko siya kahapon.
Hindi naman ako ganun kasama para hindi tumanaw ng utang na loob sa kanya di ba? Huwag na huwag niya ang ikakalat sa school yung mga pinag-gagagawa ko pag may sakit ako mapapatay ko talaga siya.
Paglabas ako ng banyo malinis na yung kwarto ko wala na yung mga tasa at spoons.
"Cleo Sofiaaaaaaa!" Tawag sakin ni kuya using his singing voice. Sakit sa tenga.
"Anoooooo!" Sagot ko sa kanya ng nilalaliman yung boses ko.
Nasa baba siya kaya nagsisigawan kami.
"Bilisan mo na, papasok na ako! Papasok ka ba?!" Papasok ba ko?
Sige na nga pakshet. Pero papalate na lang ako mag ta-taxi na lang ako.
"Hindi ako muna ako papasok Kuya! Mamayang mga 9 ako papasok!"
It's just 7:30am am may time pa ko para mag pahinga.
"May pagkain sa ref nagluto ako!" Narinig kong nag sarado yung pinto at yung tunog ng kotse niya.
Nakahiga pang ako sa kama tapos biglang tumunog yung phone ko ng dalawang beses.
['Princess don't forget to drink your medicine but eat first okay? ily!'] -si Kuya.
['Drink your medicine. May ice cream pa sa ref nyo'] -si Seth?
Tinignan ko pa yung phone ko may mga text na galing kay Bella at Gab kinakamusta ako.
Pero wala yung taong hinahanap ko talaga.
Bumaba ako para kumain at magayos na dahil mga 30 minutes na akong naka higa.
At dahil may 1 hour pa ako nag bake muna ako ng cookies para kay kuya since nilinis niya yung kwarto ko kanina.
I baked 2 dozens of cookies kaya alam kong hindi mauubos ni Kuya Stanley to kaya nag dala ako sa school, tinirahan ko lang si Kuya ng konti.
Pagka-dating ko sa school halos wala ka ng makikitang estudyante sa labas lahat nasa mga classrooms na.
I went to my locker to put the cookies, kukunin ko na lang mamayang vacant.
Hinanap ko yung room ko kasi hindi ko pa din kabisado kung saan.
Yes! Wala pang teacher! Late nanaman ba si Ms.Wang? Wang two three? Okay lame.
Sinubukan kong pumasok ng dahan dahan para walang makahalata.
Pero pagpasok ko sa classroom napalabas ulit ako dahil may sumigaw.
"Cleeeeeeeeoooooo! Omaaaaaaaahghaaaaad!!" OhMyGod, Bella.
Tumakbo siya papalapit sakin at niyakap ako, "namiss kita putaena!" Aba! Minura ako?
"Aba! Gago ka wag mo ko murahin!" Tinampal ko yung bibig niya, mahina lang naman.
"Eh? Bakit ano minumura mo? Tsaka excited lang ako na makita ka ulit!" Tumili nanaman siya jusko po maawa kayo sa tenga ko.
"Tara na papunta na siguro si Ms.Twong." Natawa ako ng mahina sa sarili kong joke, binigyan lang ako ni Bella ng nakakadiring itsura.
"Penge na biliiiiis! Kyaaaaaah! Omg! Ambagal!" Vacant namin ngayon.
Wala kaming ginawa masyado sa time ni Ms. Threeng... Okay stop.
"Edi ayan sayo na ubusin mo ha?" I sarcastically said.
"Sige ba thank youuuuu!" Di niya talaga napansin yung pagka-sarcastic no?
Bahala siya jan magbabasa na lang ako ng wattpad.
Wala pang 5 minutes binigay na niya sakin yung box ulit.
"Oh kumain ka kaya?" Aba! Ang bait ah? Nakunsensya ba siya?
Kumuha ako ng isa sa mga cookies pero ng hindi nakatingin masyadong maganda tong story eh bat ba? Nakikinig ako sa music habang nagbabasa mas nakaka-relax eh.
Kumuha ako ng isa pa pero may nahawakan akong kamay kasabay ng pagkuha ko sa cookies.
Hindi ko na lang pinansin kasi dalawa lang naman kami ni Bella sa table malamang siya yun diba?
May nagtanggal ng isang part ng earphones ko, mapamg si Bella baka papakinggan niya din yung kanta?
Bored na siguro siya kasi kanina ko pa siya di kinakausap?
Masyado akong nakafocus sa binabasa ko para mapansing nakatingin na sakin lahat ng mga tao. Pagkaangat ko ng tingin doon ko lang napansin lahat ng mga nakatingin sakin.
Kinunutan ko sila ng noo sabay taas ng isang kilay.
"Tini-tingin tingin nyo jan? Dukutin ko mata niyo eh" sabi ko kaya nagiwas sila ng tingin.
"Ano ba, Bella? Wag mo nag hilahin yung earphones ko nakiki- hoy! Anong ginagawa mo dito!" Napatayo ako kasi nakita ko na si Seth pala yung may gamit ng earphones ko!
"Wala manghihingi lang ako ng cookies"
"Cookies mo mukha mo! Umalis ka nga dito!"
Pa-epal talaga tong siraulong to! Lagi na lang sumusulpot galing sa kung saan!
"Akala ko ba friends tayo?" Tumayo din siya gaya ko nginisian pa ako. "Inalagaan pa nga kit- aray!"
"Friends? Friends mo to ulol!" Sinipa ko yung kinabukasan niya at umalis hinila ko si Bella kasama ko na natatawa.
Mabaog ka sana!
Note:
Guys pasensiya na po kung maraming time skips huhu gusto ko na tong tapusin. Vote and comment! Thanks sa mga readers! Love lots!
YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...