14

27 4 0
                                        

Tulay

Cleo Sofia's POV

Back to school nanaman after 2 days away from it andito nanaman kami.

Magisa ako ngayon sa canteen since mag kasama si Luca at Cleo parang may paguusapan ata sila. Ayos lang naman kasi mag kaibigan din sila.

Sinabi din sakin ni Cleo na may sasabihin lang si Luca sa kanya.

Nakatingin lang ako sa pagkain ko ng may lumapit sakin. Si Seth nanaman ano ba gusto nito?! Lagi na lang nasulpot kung saan saan!

"Bakit ka mag-isa?" Anong pakielam niya?!

"Pake mo? Umalis ka nga dito bago kita masapak" anong pakulo niya? May suot siyang salamin na wala naman grado pa cute lang buset.

"Di mo ba napapansin?" Sabi niya sabay tingin sa kaliwa at kanan sabay taas baba ng dalawa niyang kilay. "New look, oh? Pogi ko di ba?"

Yuck! Nakakadiri! Nakakasuka! Wala akong panahon para sa ganito. May klase pa ko.

Tinitigan ko lang siya bago tumayo at nagsimulang mag lakad paalis, walang kwenta.

Seth Lucas' POV

Aish! Nag walkout naman siya ngayon! I just wanted to say sorry for all of the wrong things I did!

I felt really bad since the day na kung ano anong pangti-trip na yung ginawa ko sa kanya.

"Nakakainis! Sino siya para walkout-tan ako ng ganun?!" I finished the whole glass of beer ng straight tumingin naman sila Ethan sakin na parang nagugulat.

"Pre di ka pa ba sanay dun? Siya nga lang yung kayang gumawa sayo ng mga ganung bagay eh" sabi ni Jack habang kumukuha ng panibagong beer sa Ref.

Nandito kami sa bahay ko, ako lang naman yung nakatira dito tsaka yung maids at yung butler ko. Hindi kami umattend ng mga remaining classes namin since badtrip ako.

"Hindi ko nga alam kung ano pinakain ni Luca dun sa babaeng yun at nagustuhan siya eh." Sabi naman ni Ethan. "Pero alam mo pogi naman yang pinsan mo eh. Omg I think im inlove naaaa!"

Kadiri! Putangina! Paano ko ba naging kaibigan tong si Ethan?

Pinaliit niya pa yung boses niya na parang babae. Binato ko siya ng spoon nakailag naman siya.

"Kadiri ka, Gago! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!"

"Yiiie selos ka ba Baby Jack? Wag ka na mag selos ikaw naman number one sa puso ko eh" Goddammit! Ano ba tong mga to?! Tao pa ba sila?!

"Tumigil nga kayo nakakadiri kayong dalawa." Sa wakas nagsalita na din ang kanina pang tahimik na si Gabriel Ocampo. "Kung ako sayo tigilan mo na si Cleo pare."

"Magsosorry na nga ako kanina di ba?! Kaso biglang umalis!" Nakakainis!

It's not my fault, nakigulo siya samin ni Miguel! Ang kulit niya kasi!

"Malay mo siya na maging tulay para matapos yang plano mo? Di ba?" Sabagay.. She likes Miguel.

Tumingin lang ako kay Jack at Ethan na nag aaway nanaman dahil kinukulit ni Ethan si Jack bago ako lumingon kay Gab talino niya talaga.

Makikipag-ayos nalang ako kay Cleo baka makausap ko siya tungkol sa plano.

"Di ko gusto yang ngisi mo Seth Lucas" sabi ni Gab. Tinaas baba ko na lang yung kilay ko habang nakangisi pa din.


Noooooooooooooote:

A very short chapter omg! A total of 515 words normally per chapters umaabot ng 100+ words ang iksi nito. Pero Guys! omg! 400 reads! I'm ded omg help! Thank you so much. And sorry kasi di ako nakapag-update last week kasi nawawala yung ipad ko at nakalimutan kong may laptop pala ako HAHAHAHAH pero eto na nga, salamat sa mga nagbabasa pa nito. Babasahin ko po ulit yung mga chapters at ie-edit lahat ulit kasi medyo nagisng tamad ko noon medyo lang naman. Vote and comment po kung gusto niyo lang hehez. Love lots! 

False HopeWhere stories live. Discover now