Random
Seth Lucas' POV
Pinagsisisihan ko na, sobrang pinagsisisihan ko sana hindi ko na ginawa.
Cleo Sofia's POV
Success. Thank you talaga at magaling yung hairstylist namin ni kuya. Nakita ko kung pano maglaway yung mga tao sa bagong itsura ko. Buhok lang naman pinag bago ko grabe sila makapag react.
Hindi lang mga lalake ang nakatingin sakin pati na rin mga babae. Ganon ba talaga yung laki ng pinagbago ng itsura ko? Yung mga bulungan kasi nila.
"Siya ba yan?" "Sino?" "Si Cleo yung umaaway kay seth." " O-m-g!" "Ang ganda niya! maganda na nga siya noon mas nagpaganda pa!"
Hindi ko na lang sila pinansin naglagay ako ng earphones sabay diretso sa locker ko. Nakakahiya naman kasi pinaguusapan nila ako tapos rinig na rinig ko.
"OMG! CLEO! OMG! ISCHATYOUUUUUUUU?!"
"Yah! don't shout, Bella!" Bulong ko sabay hila sa kanya papasok ng classroom nakakahiya. "Ako to! Pinaayos ko lang buhok ko may SIRAULO kasing naglagay ng BUBBLEGUM sa buhok ko" Diniinan ko ang pag sabi ng siraulo at bubblegum dahil nakita kong padaan na ang demon- ay este sila Seth Lucas pala kasama ang alagad niya at si baboy.
Nakita ko ang pag iling ng ulo ni baboy habang nakatingin kay Seth, pagkamangha ni jack at Ethan. Syempre hindi makakalagpas sa tingin ko ang paglaki ng mga mata ni Seth pero agad din niya itong binawi at bumalik sa malokong ekpresyon.
Ngumisi ito at nilagpasan na lang kami ni Cleo pero hindi pa nakakalagpas si Gabriel hinila na niya ako pabalik sa kung saan man sila nanggaling.
Nakita ko ang paglingon ni Jack at Ethan pero parang di napansin ni Seth. Natawa na lang si Bella at kinilig pa. Ginagawan nila kami ng issue ni baboy bwiset.
"O-oy! Gab! saan mo ko dadalhin?! may klase pa ko!" sabi ko sabay hampas ng braso niya.
Hindi siya nagsalita at pumasok lang bigla sa loob ng janitors room or kung ano mang tawag mo dito. Medyo maliit lang yung space kaya nakatayo lang siya pero umupo ako.
"Sorry... Sinubukan kong awatin si Seth pero ayaw niya talaga. Masyadong makitid yung utak niya. Kaya sorry kasalanan ko" Luh? Hanu daw?
"Oy! Baliw di mo kasalanan wag mo sisihin sarili mo." Sabi ko sabay gulo sa buhok niya. Putek ang tangkad niya di ko mareach ang tangkad ng kuya mo.
"Promise, princess sinubukan ko talaga. Pwede mo na ko iwasan at wag pansinin" sabi niya. Ang kulit.
"Yah! It's fine ok? Wala kang kasalanan ang kulit mo. Ang kitid lang ng utak ni Seth di talaga makikinig yun at bat naman kita hindi papansinin?" Pagsesermon ko.
"Aish, basta sorry anyways.. you look really pretty today..."
"Aba, piggy bat today lang?"
"Aray! Bat mo ko tinulak!" Sigaw ng lalaking nahulog dahil bumukas yung pinto. "Oy! Kanina pa kayo nakikinig?! At bat kayo nakikinig?!" Sigaw ni Gabriel sa tatlong bugok.
Paano ba naman, nalaglag si Seth si Ethan At Jack magkakapatong si Seth ang nasa pinaka ilalim. "An-anong nakikinig?! Hindi kami nakikinig ah!" Sabi ni Jack.
"Wag ka na mag paliwanag! Tumayo ka na ang bigat nyo!" Singhal ni Seth kay Jack.
"Hoy kayo! Kalalaki nyong tao chismoso kayo?!" Napakamot na lang si Ethan ng ulo at biglang umalis si Seth.

YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...