06

65 7 0
                                        


Indirect kiss 

Cleo Sofia's POV 

 "Bella.. Turuan mo naman ako oh sige naaaa bat si Luca tinuturuan mo...?" ayaw niya ako pansinin huhu madaya pero si Luca pinapansin. 

 "Magtanong ka dun sa guard ng amusement park che!" Sabi niya sabay irap at balik sa pagtuturo kay Luca.

 "Dapat talaga isasama kita kaso di ba mabait ka? Sobra? Ayaw mo mag cutting di ba?" Please sana gumana please. "Ikaw Cleo ah! Sa susunod talaga na hindi mo ko isama F.O. na tayo! Halika nga dito!" 

 "Yey! Aylabyu best friend!" Sambit ko at kunyaring ikikiss siya kaso lumayo siya.

 "Manggagamit!" Sigaw niya. Akala mo naman talaga. 

"Nga pala sabi ni Maam Peña may camping daw by partners boy and girl dapat para daw may aalalay sayo" Ha? Eh? Sino partner ko?

 "Cleo tayo na lang?" Ha? Kami daw? Anong kami? Walang kami! May gusto na ko! "Tayo na lang partner.." Pagpapatuloy ni Luca jusme akala ko naman kung ano yun lang pala. 

 "Ah? Sige ba...Kaso etong isa?" I said sabay turo kay Ysabella.

 "Don't worry! Aalukin ko si Ethan na maging partner ko mag sama kayo!" Aba may pa hair flip hair flip pa amputek.

 "Saan daw yung camping?" Mamaya dalhin kami sa bundok punyeta lang di ba ayaw ko nun "sa bundok? Sa palayan? Sa kagubatan- aray!" Bintukan ako ng loka!

 "Tanga anong pinag sasasabi mo? Isa sa mga beach resort daw ng may ari ng school"

 "Wow! Camping sa beach? Ipagpatuloy ang katangahan" sabi ko at nag patuloy na mag aral.

 "Class mag handa na kayo camping na natin next week okay? Kailangan may partners na kayo" sabi ng teacher namin bago lumabas ng room. 

 "Saan kayo kakain?" Tanong ni Luca. "Sa plato duh? Ikaw saan ka ba nakain? Sa palad?" pambabara ni Bella siraulo talaga.

 "Oy" pag sasaway ko sa kanya at siniko siya siraulo eh "Sa canteen tara sabay na tayo parang di naman tayo lagi sabay kumain" Habang nag lalakad papunta sa canteen napagisipan kong asarin si Bella.

 "Alam mo Bella grabe ang ganda sa amusement park na yun! Sayang di ka kasama!" Maaasar to panigurado. 

 "O-oh? Di mo kasi ako tinawag!" Sabi ko na eh kitams naasar unang sentence na sinabi ko.

 "Kasi mas masaya pag kami lang." Nakakatawa yung itsura niya! Hahahahaha! Di na maipinta eh. "Joke laaaaang! Next rine isasama na kita!" Titigilan ko na baka kainin na niya ko ng buhay.

 "Ano? Hanggang ganyan ka na lang? Lampa ka talaga tanga!" Narinig kong tawanan ng mga estudyante. May binubully nanaman po ang grupo ni Seth Lucas. 

 Bagong biktima nanaman ni tanga. Hinila ko si Luca at Bella papunta sa mga estudyanteng nakapalibot kay seth at isang nerd. Ano pa bang bago? Lagi naman nerd lang ang inaaway niya. Bakla ata to eh.

 Hinahayaan ko lang dahil puro salita lang naman ang ginagawa ni seth pero ng makita kong iipitin ni Seth yung kamay nung nerd sa locker tumabo ako at ginawa ang pinaka tangang desisyon. 

 "ARAY!!!" Ipinatong ko lang naman yung kamay ko sa kamay nung nerd syempre kamay ko yung naipit. "GAGO KA TALAGA! PAPATAYIN KITA!"

 "Wow? Ako ba nag sabi na mag paka bayani ka at iipit mo yung kamay mo jan?" Nakita ko sa likod niya yung tatlo na nanonood lang.

 "Kahit na tanga! Kung hindi mo sana binubully yung mga tao walang ganito!" Sigaw ko sa kanya. Nagsugat na yung daliri ko omg ang sakit!

 "Pakielamera ka kasi" sabi niya sabay tinalikuran kami. 

 Siraulo mo! 

 Seth Lucas' POV

 "Mamatay ka naaaaaaaaaaaaaaa!!" 

 "A-aray! Bumaba ka nga jan! O-oy! Baba Cleo ano ba!" Sumampa siya sa likod ko at pinagpapapalo ako siraulo talaga!

 "Hindi! Mag sorry ka muna!" Tanga talaga ang iksi iksi ng palda niya eh! Makikitaan siya!

 "Bumaba ka sabi! Baba!"

 "Ayaaaaaaaw kooooo!" Sigaw niya pa. Wala akong ibang choice kung hindi ang bitbitin siya pabaliktad sa likod ko para tumigil na siya. Hawak ko yung hita niya at yung ulo niya nasa may bandang likuran ko. 

 "Oy ibaba mo ko! Seth! Mapapatay kita!" 

 Cleo Sofia's POV 

 "Hoy! Bat mo ako dinala dito?!"

 "Tumahimik ka" 

 "Hoy isusumbong kita naninigarilyo ka!" Dinala niya ko sa likod ng school kasi may malaking puno dito at bench na parang dinanagagamit. 

 "Tsk! Manahimik ka nga pwede ba?!" Sigaw niya at patuloy sa pag hithit ng sigarilyo niya. Hindi ko alam kung bakit pero nanahimik ako at di na nagsalita. Iniisip ko kasi kung bat siya nambubully kung natutuwa ba siya? Kung may problema ba siya? Eh? Ano ba pake ko?!

 "Bat ka ba ng bubully? Masaya ba? May problema ka ba?" Tanong ko ng hindi nag iisip. Natigilan siya sa paninigarilyo pero nag patuloy din after ilang seconds. Aba gago di ako pinansin! 

 Inagaw ko sa kanya yung sigarilyo at sinubukang sipsipin yun. EW! ANG PAKLA NG LASA!! 

 "Oy! Cleo amina yan! Di nanaman gumagama yang utak mo no?" Sabi niya sabay agaw sa sigarilyo niya. 

 Hala! Ginamit niya ulit! Indirect kiss! Pero ako una umagaw eh! Hala first indirect kiss ko!

 "Kadiri naman yan! Ano ba yan!"

 "Sigarilyo? Di ba halata?" Aba pilosopo.

"Pero Seth yung first indirect kiss ko inagaw mo!" 

"Ang laki laki mo na naniniwala ka pa din dun? At kasalanan mo kung bakit ba naman kasi inagaw mo eh"

"Sana pinigilan mo ko buset!" sabi ko habang pinagpapapalo siya kaso tumama yung sugat ko sa kanya ang sakit!

 Seth Lucas' POV 

 Bakit ang amo ng mukha niya pag natutulog? Sana palagi na lang siyang tulog no? Para hindi na siya nagiging amazona.

 I let her sleep on the bench nakatulog siya kanina salita siya ng salita magisa eh napagod siguro?

I traced her forehead down to her nose sobrang tangos then to her lips, her lips sobrang pula..sobrang nipis at parang sobrang lambot.

 Aish! Seth Lucas! Ano bang iniisip mo?! Tama na tama na.

Maiintindihan niya doin kung bakit ko to ginagawa, soon.

 Dinala ko siya dito para gamutin yung sugat niya pag napapaaway kami ako lang gumagamot ng mga sugat ko dito ako dumidiretso dahil may iniwan naman akong first aid kit dito.

 Nilagyan ko ng bandaid yung sugat niya pagkatapos linisin. Iiwan ko na siya dito alam niya naman yung dasn pa balik.

Note:

Guys basahin nyo to kasi inuna ko pa to kesa sa book report, quarterly and assessments namin HAHAHAHAH at pinapagalitan na ko ng maknae namin baka kainin niya po ako ng buhay. Sorry if there's typo and things hahaha Medyo maiksi tong chapter sorryyy. Dalawang beses ako nag upadte sa isang araw kasi trip ko lang. Vote and Comment po tayo its free! 

False HopeWhere stories live. Discover now