Camping
Cleo Sofia's POV
Campiiingg!! Yeey! Time check 6:30am and we're already on our way to the beach resort kung saan daw kami mag 'ca-camping'.
"Tabi tayo Cleo!!" Sigaw ni Bella pagkasakay ng bus. Nagtatanong pa automatic naman na yun. "Satingin mo maganda kaya yung resort?" Tanong niya habang tinatanggal yung pagka buhol ng earphones niya.
Minsan nakakapagtaka na bigla na lang magbubuhol yung earphones no? That feeling that you'll carefully arrange it then put it somewhere 'safe' para di mag buhol pero ganon padin?
"I dont know. Pero sana naman di ba?" Sagot ko. Kinuha ko yung cookies sa bag ko at kinain lahat bago natulog.
"Yah! Luca! Walang hiya ka pinagtaksilan mo ko!" Pinipigilan ko ang pagiyak ko dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak.
"Ayaw ko na sayo. Ginamit lang kita" sabi niya at sinampal ako. Hindi ko na napigilan at umiyak na ko ng umiyak hanggang sa mapaluhod na lang ako.
"Tigilan mo ang pagiyak ang panget mo" sabi niya sabay tawa.
"Hoy! Bestfriend! Bat ka ba umiiyak! Gumising ka di bagay ang panget mo!"
"Ay Luca! Ano ba?!" Sabi ko hinawi ko yung kamay ni bella na hinawagayway niya sa mukha ko.
'Hala Luca daw' 'omg gusto niya si luca?' 'Bagay sila!' 'parang libro lang besty nerd na boy and matapang na girl'
Omg! Kinikikig ako sa sinasabi nilaaaa! Bagay ba kami ni Luca? Secret lang na gusto ko si Luca.. Di ko pa sinasabi kahit kanino kasi feeling ko gusto niya si Bella except lang kay Gab sinabi ko sa kanya na gusto ko si Luca pero konting konti lang.
Nagulat na lang ako ng biglang pinunasan ni Bella yung pisngi ko.
"May luha pa bes. Wag ka na umiyak di ka pinagtaksilan ni Luca mag isa nga lang siya dun sa dulo natutulog eh" sabi ni Bella tapos tumawa.
"Aish! Ano bang sinasabi mo?" Lilipat na lang ako ng upuan buset. Napagtitripan pa ko dito eh.
"Oy! Bumalik ka dito!" Sigaw ni Bella. "Bahala ka jan mas makakahiga ako"
Naghanap ako ng bakanteng upuan hanggang sa makarating ako sa dulo sa pinaka dulo ng bus nandun yung apat na bugok at bago makarating sa dulo nandoon si Luca mag isa nakikinig sa music habang nakapikit.
"Tabi tayo" bulong ko sa kanya pagkaupo ko. I took one pair of his earphones at nilagay ko sa tenga ko. "Nice songs!"
Nanlaki yung mata niyang tumingin sakin pero binalewala ko na lang. Pinatong ko yung ulo ko sa balikat niya at natulog nalang ulit.
"Gising na...Cleo gising na.." Aish! Ang epal! Natutulog pa ko!
"5 minutes.." Hinila ko yung kamay ng nanggigising sakin at niyakap
"Uy...baka makita nila tayo...." Sabi niya "tara na nandito na tayo"
Pagkadilat ko ng mata ko nakita ko na agad ang napakaganda beach! Omg! Gusto ko manghuli ng mga maliliit na crabs! Hinanap ng mata ko si Luca para yayain siyang pumunta sa may beach.
"Luca! Tara! Omg! Omg! Omg!"
"Hindi pwede tara pila na tayo...tayo na lang nandito ohhh" turo niya sa buong bus. Hala kami na nga lang yung tao. Hinawakan niya yung kamay ko at hinila pababa ng bus habang yung isa daladala yung bag ko.
"LAHAT NG NAIWAN SA BUS BUMABA NA DAW KAYO NAG LALANDIAN PA EH!!!" Sigaw nung tao galing sa labas ng bus at hinampas pa yung gilid.
"Tara na nga buset..." Nakakainis sayang yung moment namin ni Luca sino ba yung taong yun?! Nabitawan ni Luca yung kamay ko pagkasigaw nung tao sa labas. Nauuna akong maglakad habang si Luca nasa likod ko lang.
"Okay line up! Boys sa right side! Girls sa left okay?! At pag sasagot Yes Sir or Maam understand?!" Feel na feel nila yung camping shems.
"Yes, Sir!!"
"Pila na! Magkatabi yung magpartner! In the count of 3.... 3.....2.....1!"
"Luca inaantok na ko..." Sabi ko habang si-nisway yung kamay namin nasa may bandang gitna kami. Si Bella at Gab sa harap ewan ko kung pano sila naging magkapartner pero ayan.
Si Seth naman nasa likod namin may kapartner din at salikod nila sila Ethan at Jack. Si Jack sa pila ng babae mga siraulo talaga.
"Kakagising mo lang ah?" Ngumisi siya pagkasabi niya. Pogi din naman tong si Luca eh di lang nagaayos. "Just take a picture its better than staring"
"O-oy! Anong staring! Di ah!" Naramdaman kong naginit yung mukha ko sa sinabi niya. "Wag mo nga ako titigan picturan mo nalang din ako!" Sabi ko sabay hawi sa mukha niya.
"Ang ganda mo kasi eh..." Bulong niya pero sapat na para marinig ko. Omo! Si Luca ba to! Omg! Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya at yumuko.
"Sa ngayon bahala muna kayong mag gala sa buong place mamayang tanghali magsisimula tayo sa mga activities!"
"Yah Bella!" Tawag ko sa kanya.
"Tapos alam mo yung ano yung dun sa tabi..." Aba! Kilala ko to eh! Pagtinawag ko yan lilingon agad yan bukod na lang pag nagtatampo siya. Nagpatuloy lang siya sa pag kukuwento kay Gab na parang wala namang pake sa kanya. Hinila ko si Luca papalapit sa kanila para mas mapansin nila kami.
"Yah! Ysabella Garcia! Yuhoooo!"
"Ano?!"
"Anong ano?!" Maka ano naman to.
"Matapos mo kong iwanan kanina at tabihan si Luca hahabulin mo ko? Dont me." Sarap dukutin ng mata nento eh irapan daw ba ako?
"Sabi mo okay lang!" Puppy eyes + pout please work. "Awww! Bat nyo pinisil yung pisngi ko!"
Pinisil ni Gabby at Bella yung pisngi ko ng sabay.
"Sige na bati na tayo bestfriend!" Sabi niya sabay akbay sakin. Ang sakit ng pisngi ko huhu talaga naman.
Buntis ba to? Lakas ng mood swings eh.
"Sama muna kayo sa tent namin ah? Tutal kasama nyo ko di kayo aawayin ni Seth." Request ni Baboy.
"Heh kayo na lang ayaw ko" pagtanggi ko "Tara Bella punta tayo sa Tent natin!"
"Eh bes! Ngayon lang yung chance kong makasama si Ethan!" Hinila niya yung kamay ko at dinala sa may tent nila Seth.
Yung dalawang partner namin nasa likod lang namin.
"Yah! Bella bitaw!" "Hoy! Kayo na lang!" "Baka makapatay pa ko jan!"
Kung ano ano na sinigaw ko pero di pa din nila ako pinaansin. Mga gagong kaibigan tinatawanan lang ako. Pagkadating na pagkadating ko talaga dun di ko nalang sila papansinin.
Note:
Hello people hahaha! Di ako nakapag update last last week kasi finals namin at last last week kasi tinamad ako huhu sorry. Sana basahin nyo pa din to please continue reading my story. I'll try my best to update 2 times a week since bakasyon nanamin at para di kayo masyadong ma-bored sa story na to. Medyo magaadik ako sa kdrama kasi ngayon lang ako nagka-time so ayun enjoy sa pagbabasa mga bebes! Vote and comment po tayooo! Love lots! Mwaaaaaps!

YOU ARE READING
False Hope
Storie d'amoreMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...