Sorry.
Cleo Sofia's POV
Akala ko magiging maganda yung camping. Akala ko mag eenjoy kami. Akala lang pala.
Sa buong dalawang araw namin dun sa resort hindi ako pinansin ni Luca lagi lang siyang tahimik.
Nakipagpalit din ako ng partner kay Bella para hindi awkward masyado samin ni Luca. Tinanong ako ni Gabriel kung bakit sinabi ko na lang na trip ko lang.
Gabi na ngayon saktong 7:30pm pababa na kami ng bus kakadating palang namin sa school.
"Bella uuwi na ko ah ingat ka.." Paalam ko kay Bella.
"May susundo ba sayo?" Nagaalalang tanong niya.
"Yass tinawagan ko na si Kuya Stanley papunta na daw siya ikaw? Sino susundo sayo?" Tanong ko din sa kanya.
"Yung driver namin, wait natawag na siya ingat Beshieee! Bye!"
Nakatingin lang ako kay Bella habang paalis siya ng may kumalabit sakin.
"Sorry nga pala sa kahapon Cleo.." Si Luca pala.
"Ayos lang" I fake laughed sana hindi halata kasi wala pa din ako sa mood. "Wag mo na yun alalahanin Luca. Sige una na ko nag text na si Kuya Bye.."
Di ko kayang kausapin muna siya. Medyo nasaktan ako sa sinabi kasi natapos kong mag confess ng nararamdaman ko ganun yung sasabihin niya?
Syempre medyo na pahiya ako. Kaya pipiliin ko munang iwasan siya.
Nagring yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yung tumawag, Si Kuya pala.
['Hello? Sofia I'm almost there give me 5 minutes okay?'] Sabi ni kuya.
"Yes kuya I'll wait. Pakibilisan please thank you" i said.
Madami pa siyang sinabi na paalala na wag daw ako sasama kahit kanino at tumabi lang daw ko bago niya binaba yung tawag.
Lumapit ako sa may bench at inantay si kuya stan, yung dalawang kamay ko na sa magkabilang side ng hita ko habang sini-sway ko yung paa ko.
Nakikinig lang ako sa music ng biglang may kumalabit sakin. Akala ko kukunin na ko ni Lord sa sobrang kaba.
Si Seth lang pala nandito nanaman ba siya para manggulo?!
"Ano?! Papatayin mo ba ako?!" Tinignan ko siya saka ko inalis yung earphones ko.
"Papatayin agad? Pwede bang kakausapin lang?" Aba? Close ba kami? Epal to.
"Umalis ka nga dito wala akong panahong makipag usap sayo" Tumingin ako sa opposite side from where he is para di ko siya makita.
Isusuot ko na sana yung earphones ko ng bigla siyang nagsalita ulit.
"Gusto ko lang mag ano.. Mag yung si.. Magsorrykasisamganagawaatnasabikohindikonamantalagagustonggawinyuneh!" Ano daw?! Medyo nagloloading sa utak ko ah.
"Hoy ano?! Hindi kita maintindihan!" Sigaw ko kasi matapos niyang sabihin yun umalis na siya ka agad tumakbo papalapit sa motorbike?
Marunong pala siya nun? Astig. Pero wait! Ano nga ulit yung sinabi niya?!
May pagka siraulo din siya no? Pansin nuo ba? Sarap kutusan eh. Kahit hindi pa din maalis sa isip ko yung mga sinabi niya hindi ko na lang pinansin.
Narinig kong bumisina siya pag biglang pinatakbo yung motor niya ng mabilis. Mabangga ka sana.
Nagring nanaman yung phone ko panigurado si Kuya ulit to.
['Hello, princess? Where are you? Im here already..'] Sabi ni Kuya.
Silang tatlo lang nila Dad at Gabby yung tumatawag sakin na princess since sila lang naman close kong lalake.
"Im here sa waiting area, bilisan mo inaantok na ako"
['Okay, I'll be there in 3 minutes.']Binaba na niya yung tawag and wala pang 3 minutes nandito na siya.
"Hi, Kuya!" Masiglang bati ko sa kanya na miss ko kasi siya eh.
"Hi, Sofia.." Bati niya pabalik habang inaayos yung seatbelt ko. Ayaw ko kasi magseatbelt at alam niya yun kaya siya na nagsusuot sakin.
"Kuya ayaw ko nga mag seatbelt hindi naman tayo mamamatay di ba?" Angil ko.
"No, you need to wear that for your own safety plus kailangan natin bilisan kasi nasa bahay sila mom and dad."
Omg! Nasa bahay sila mom at dad?! Omg!
"Omg! Totoo ba kuya?! Kelan pa?!" Tanong ko hindi kasi kami pwedeng gumamit ng pgone nung nasa camp kami kinuha ng teachers yung phone namin kaya wala akong balita sa kanila.
"Kaninang umaga lang" sabi niya at nagsimula na kaming umalis sa school.
Ampanget ng kanta niya ano ba yan mga bulok eh. Hindi niya ba alam yung mga uso ngayon?
"Kuyaaaaa....." Tawag ko sa kanya habang nakangiti.
"No, I wont give you the auxiliary cord. Not today, Cleo Sofia" he said saka kinuha yung phone niya napara bang nilalayo sakin. Nakasaksak kasi yung aux cord dun. "The last time I let you play your songs pinagtinginan tayp ng mga tao. Pano ba naman kasi alien language yung kanta mo"
"Kuya! Kpop to! Kpop! How dare you! Hindi sila alien!" Omg! Wala siyang karapatang sabihan ng alien mga babies ko! Hinampas ko siya ng ilang beses pero naalala ko na nagdadrive pala siya, ayaw ko pa mamatay. "Soon enough makikilala mo din sila papakilala ko sayo ang boyfriend ko! Si Kim Taehyung!"
"I don't have time for that, Cleo. Nga pala sino yung kausap mo kanina sa bench?" Ah? Sino nga ba? Ah! Si Seth! Naabutan niya ba kaming naguusap? "Boyfriend mo ba yun?"
"Ha?! Si Seth boyfriend ko?! Never!" Kadiri iniisip ko palang nasusuka na ako.
"Okay good. Cleo pag mag boyfriend ka na ipakilala mo sakin ah?... Ay hindi! Pag may kuma-usap sayo na lalake ipakilala mo na agad sakin!"
Ayan nanaman po kami. Starting from when I was 14 lagi na niyainiisip na pag may kasama akong lalake boyfriend ko na.
At lagi niyang sinasabi na 'No boyfriend's until you turn 18' Since I'm 17 and ill turn 18 this coming december.
"No boyfriend's until you turn 21, Cleo." What?!
"Kuya! Sabi mo 18! Maduga!" Not that I want to have a boyfriend pero malay mo di ba? *smirks mentally*
"No, you'll turn 18 with in 5 months"
Magsasalita pa sana ako kaso tumigil na si kuya sa tapat ng bahay namin kaya nagmamadali akong bumamaba kasi matagal ko ng hindi nakikita sila Mommy.
"Mom, Dad! Hello! Omg!" Bati ko sakanila. Niyakap ko sila ng sabay kasi di ko alam kung sino yung uunahin kong yayakapin. "Omg! Namiss ko po kayo!"
"Cleo, anak 'di pa din ba nawawala yang 'omg' mo?" Natatawang asar ni daddy. "We missed you too, Princess"
"Dad, hindi ka pa ba sanay? Hindi na yan mawawala sa anak mo" Sabat ni mommy habang kumakalas sa pagka-yakap ko.
"Halika na at nakahain na ang pagkain" sabi ni Daddy habang nakayakap pa din ako sa bewang niya. "Paguusapan na din natin yung debut mo"
Note:
Hellooooo! Guys sorry hindi ako nakapag-update kahapon kasi umalis kami, pero mag d-double update ako ngayong araw ie-edit ko lang yung isang chapter. And btw thank sa 300 reads omg! Mag f-four hundred na huhuthank you talaga sa mga nagbabasa pa nitong story na to. Vote and comment po! Love lots!
![](https://img.wattpad.com/cover/100444096-288-k295325.jpg)
YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...