Boyfriend
Cleo Sofia's POV
"So anak..." Panimula ni mommy ng usapan. "About your debut.. Ano nga palang theme gusto mo?"
"I want to keep it simple, Mom." I said habang kumukuha ng pork steak. My favorite!
"No, Cleo it needs to be big! It needs to be perfect." Sabi ni kuya.
"Bakit kaya di na lang ikaw mag debut, Kuya" pambabara ko kay Kuya natawa naman si Daddy at mommy.
"Princess galangin mo naman ang kuya mo" sinasaway ako ni daddy pero tinatawanan naman niya si Kuya.
"Ganyan nga yan, Dad! Kuya ako pero lagi ako inaaway!" Aba! Siya nga tong umaaway sakin palagi!
"Hala! Dad hindi ah! Si kuya kaya yun! Binabaliktad niya naman ako eh!" Kinunot ko yung noo ko sabay taas ng isang kilay ko. Nilabas lang ni kuya yung dila niya nangaasar.
"Ayaw niya kaya ako payagan mag boyfriend!" Sabi ko kunyare na parang batang ayaw ibigay yung gusto niya.
Nasamid naman bigla si Daddy kaya binigyan siya ni mommy ng tubig.
"Hala! Dad! Joke lang! Di pa ako mag bo-boyfriend!" Isa pa to si Daddy eh! Ayaw din niya pumayag sabi ba naman niya ang malaman lang daw niya na may boyfriend ako ilalaglag niya daw sa terrace ng bahay namin.
"Jusko kang bata ka.." Sabi ni mommy. "At kayo namang dalawa hayaan nyo yang prinsesa natin na mag boyfriend"
Tinignan ko si Kuya ng isang nakakalokong tingin sabay taas baba ng kilay ko.
"Cleo no boyfriend's until what age?" Tanong ni Daddy. Alam naman niya yung sagot tinatanong pa.
I rolled my eyes before answering "18, Dad" I smiled pero pilit.
"Good... Now back to our main topic" my Debut. "Anong theme gusto mo, Princess?"
Ano nga ba gusto ko? Hindi ko din alam eh pagiisipan ko muna may I still have 5 months so mahaba mahaba pa.
"I'll think about it pa, Dad matagal pa naman eh" I said habang nilalantakan yung pork steak.
"Okay pero Cleo as soon as possible please para maayos na namin ng mommy mo"
"Yes, Dad"
"Cleo, anak kamusta na nga pala sa bago mong school?" Tanong ni mommy.
Napasimangot ako bigla kasi naalala ko nanaman yung sinabi ni Seth Lucas kanina.
Hindi ko talaga naintindihan eh. Masyado siyang nagmamadali na akala mo naman may humahabol sa kanya.
Napatigil ako sa pagiisip ng bigla akong tinawag ni Kuya.
"Cleo Sofia! Ano nanaman iniisip mo?! Tinatanong ka ni mommy eh!" Sigaw ni kuya sabay bato ng tissue sa mukha ko. Bwiset na to!
"Ano ba kuya! Narinig ko! May naisip lang ako!" Binato ko din siya ng bagay na pinakamalapit sakin which is banana.
Sinalo niya yun tsaka kinain. Buset dapat pala lason yung binato ko.
"Ah-ano, Mom okay naman po may mga friends na din po ako" I answered.
Natapos na yung dinner kaya pumunta na ako sa kwarto ko. Namiss ko tong higaan ko huhu.
Sa loob ng dalawang araw sa tent ako natulog sobrang sikip tas sobrang tigas pa.
Hindi naman ako nabored since kasama ko si Bella para na din akong nakikinig sa radio kasi ang daldal niya.
Tawagan ko muna kaya si Bella? Para ma sure ko kung nakauwi na siya? Okay sige.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko para tawagan siya. Mga tatlong ring na hindi niya pa sinasagot pero bago pa makaabot sa pangapat na ring sinagot na niya.
['napatawag ka ata, Cleo? Himala ah! Ako lagi natawag sayo ngayon ikaw na hallelujah!'] Ang OA niya di ba? Medyo abnormal.
"Siraulo. Gusto ko lang malaman kung nasa bahay ka na ba. Mamaya sumama ka na sa kung sino sino." Medyo may pagkatanga pa naman yan si Bella.
Naalala ko noon muntik na siyang sumama sa isang lalakeng di niya kilala kasi ililibre daw siya ng pagkain.
Buti na lang nandun kami ni Luca- Si Luca.. Naalala ko nanaman siya.
May alam kaya si Bella tungkol sa kanya?
"Nga pala, Bella. May alam ka ba tungkol kay Luca?"
['A-no? Ha-? Wala ah!'] Bat parang nauutal siya? May binulong pa siya na secret lang daw parang kinakausap yung sarili niya.
['bakit mo naman na isip na may alam ako?']"Kasi bukod sakin ikaw lang close niya eh" which is true.
['wala wala akong alam nabaliw lang siguro siya that time. I have to go na bes...']Paalam niya. ['Nasa bahay na din ako don't worry bye bye!']
Bago pa ko mag salita binaba na niya yung tawag baliw talaga.
Hindi manlang ako bigyan ng chance pala makapag salita.
Note:
Isang maksing chapter coz why not HAHAHAHAHA. Gaya ng sabi ko 2 chapters ngayong araw so yey! Medyo late ko na napublish sorry. Vote and comment! Love lots!
YOU ARE READING
False Hope
RomanceMinsan kahit sabihin mo pa sa sarili mo na kilalang kilala mo na ang isang tao, kahit ilang taon pa natin silang kilala, dadating ang panahon at magbabago sila. Will you still accept them kahit ganon ang nangyare? paano kung hindi talaga sila nagba...