Prologue

311 7 0
                                    


Tiningala ko ang mataas na building. Isang malaking billboard. Ayun sya. Pamilyar ang muka niya. I thought i knew him my whole life but I guess not.

Hindi ko makuha. Hindi ko mahawakan. Hindi ko maramdaman. At ni hindi ko maabot. It's like you're a stranger to me. Ano ba nangyari? Bakit tayo nagkaganito?

Nangingilid ang mga luha ko saking mga mata.

Napapikit ako. *Flashback*

May nag-abot ng panyo sakin. Pagtingin ko si Jiyong. Napatitig lang ako sa kanya. Di ko akalain na gagawin niya to sakin.

"Kunin mo na. Tahan na. Wag ka ng umiyak." Sabi niya.

Kinuha ko ang panyo na inabot niya sakin at ipinunas sa mga mata kong basa sa luha.

"Salamat." Ang tangi kong nasabi. He just smirked at umupo sa tabi ko.

"Ang mga ganong lalaki di na iniiyakan." Sabi niya.

"Eh di ba isa ka din naman sa mga lalaking yun? So, hindi ka din dapat iniiyakan?" Tanong ko sabay tingin sa kanya.

Umiling sya. "Iba ko. Kahit anong gawin ko. Hinding-hindi kita papaiyakin."

Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba yung narinig ko?

"Bakit naman?" I managed to ask.

Humarap sya sakin at tumingin sa mga mata ko. "Dahil bestfriend kita. At kilala na kita. Alam ko ang mga bagay na makakapagpasaya at makakapagpaiyak sayo." Seryosong sabi niya.

*End of Flashback*

Minulat ko ang mga mata ko. Tinignan ko ulit ang billboard sa harap ko at tinitigan ang muka niya.

"Sabi mo hindi mo ko paiiyakin. Pero bakit umiiyak ako ngayon sayo?" Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ko para pigilin ang mga hikbi na gustong kumawala sa mga labi ko.

Hindi ko na kaya. At dali-dali na kong umalis dun.

I can't go on like this. I have to go and find a treatment for this pain.

Pero ano? Hindi 'ano' ang tanong kundi 'sino'. Sino nga ba? Edi ang taong naging sanhi ng pagsakit nito. Si Jiyong.

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon