Chapter 15

148 2 0
                                    

Dumaan ang mga araw at ang hirap hindi pansinin na malapit na ang concert ng BigBang dito sa bansa. 

Naglalakad ako sa school grounds at nakarinig ako ng mga sigawan at tilian. Pag lingon ko ang mga estudyante ko pala ang mga yun. 

Napailing nalang ako at dumiretso sa paglakad maya maya pa ay tinawag nila ako at tumakbo papunta sakin para kausapin ako. 

"Oh, ano ba yun?" tanong ko sa kanila. Ang laki ng mga ngiti nila sakin. 

"Miss magco-concert po ang BigBang dito. Excited na po kami. Buti nakabili na kami bago na-sold out." kwento ni Lisa sakin. 

"Sold out na agad?" tanong ko sa kanila. Wow, balak ko pa namang maunod pero pano ako manunuod kung sold out na pala? 

"Yes miss mga 10 minutes pa nga lang po sold out na eh." sabi ni Jennie sakin. 

"Pero di ba two days naman yung concert nila so meron pang available for 2nd day." sabi ko sa kanila. 

Bigla silang nagtawanan. "Miss, sold na din po yung 2nd day na concert." Natatawang sabi ni Jisoo sakin.

Napanganga ako. So ganun pala ka-popular ng grupo nila dito. Well, hindi naman sa nagdududa ako pero di lang ako makapaniwala. 

So, pano na pala ko makakapunta sa concert kung sold out na pala on both days? 

"Miss okay lang po ba kayo? Manunuod din po ba kayo ng concert?" Tanong ni Rose.

Bigla akong natauhan. "Ha? Hindi. Busy din ako sa mga araw na yun. Enjoy nalang kayo sa concert nyo." Sabi ko at nagpaalam na kami sa isa't isa. 

So much for wanting to watch that concert. Sorry Seungri hindi ko kayo mapapanuod. sabi ko sa isip ko. 

---

8pm na nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Sino naman kaya ang dadalaw sakin sa ganitong dis oras ng gabi?

Naglakad ako papunta sa pinto para buksan ito. Nagulat ako ng makita ko si Cee na nasa harap ko. 

"Cee? Anong..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil niyakap niya ko agad. 

"Unnie! hayy... Namiss kita." Sabi niya habang nakayakap sakin. 

"Teka wait." humiwalay ako sa kanya at sinarado agad ang pinto ng bahay namin pero bago yun tumingin tingin muna ko sa labas ng makita kong tahimik naman ang paligid ay sinara ko na ang pinto. 

"Teka, bakit ka nandito at bakit ikaw lang na byumahe papunta dito? Pano kung may paparazzi na nakasunod sayo?" sunod na sunod na tanong ko sa kanya. 

Ngumiti sakin si Cee. "Relax unnie. Alam ni Mr. Yang na nasa Pilipinas ako for the concert at hinatid ako ng driver dito at hindi mo ba nakikita naka disguise ako para hindi ako makilala." sabi niya habang nakangiti. 

Tinignan ko ang itsura niya. Naka bucket hat sya at naka shades at madilim naman sa labas so hindi nga sya mapapansin. 

Nakahinga ako maluwag. "Pero bakit nandito ka?" tanong ko pa ulit. 

"Well... Dahil sa concert obviously and to make sure na magkikita at maguusap kayo ni Jiyong oppa." Sabi niya sakin na may malaking ngiti sa labi niya. 

Naiparap ako sa kawalan. "Grabe napaka importante naman ng dahilan ng pag dayo mo dito." sarkastiko kong sabi. 

"Syempre naman unnie. Di ba sabi ko sayo be ready? Kaya be ready. At kailangan ko din magbakasyon sandali sa trabaho na-stress na kasi ako kahit 4 days lang." Sabi niya sakin habang nakangiti at umupo sa sofa. 

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon