Chapter 13

172 2 0
                                    

SANDARA'S POV

Habang nagkakape ako naglakad ako papunta sa balkonahe dito sa may pantry. Tulog pa silang lahat dahil inumaga na din sa inuman. 

Nung naabutan ni Mr. Yang ang kaguluhan sa bar pina akyat na niya kami sa taas para magpahinga pero yung grupo namin ay hindi pa din naawat sa pag inom kaya uminom sila sa kwarto. 

Ako naman hindi na nakainom ulit dahil nag aalala ako kay Ji at nagui-guilty din ako sa nangyari kay TOP. 

Hindi naman talaga dapat aabot sa ganun. Wala sa plano namin yun. Kung bakit pa kasi ako pumayag. 

Huminga ako ng malalim dahil sa Frustation. Bigla kong naalala yung napagusapan namin ni TOP. 

Umiiyak ako habang nakaupo malapit sa tabing dagat. 

"Dara?" tawag ni TOP. 

Alam kong si TOP yun kaya hindi muna ko humarap at madali kong pinunasan ang mga luha ko bago sumagot. 

"Oh, Ikaw pala yan. Kanina ka pa dyan?" Tanong ko. Hindi parin ako makatingin sa kanya pero umupo na sya sa tabi ko. 

"Hindi naman. Ngayon ngayon lang. Bakit ka umiiyak? May problema ba?" Tanong niya. Nakatingin lang sya sakin pero nakatingin lang ako ng diretso sa dagat. 

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya at kung dapat ko bang ikwento sa kanya. Alam kong hindi na sekreto sa kanila kung anong meron kami ni Ji noon pero hindi ko parin magawang sabihin. 

Huminga sya ng malalim. "Kahit di mo naman sabihin alam ko kung sino ang dahilan ng pagiyak mo. Bakit pa ba ko nagtanong." Bahagya syang natawa at bahagya naman akong napangiti. 

"You know what i have a plan. Yun ay kung papayag ka." Panimula niya. Napakunot naman ang noo ko at tumingin sa kanya. 

"Ano yun?" tanong ko. 

"Si Jiyong-ah kasi yung tipo ng tao na di madalas magpakita ng emosyon pero alam ko na hanggang ngayon affected parin sya sayo. I mean, when it comes to you he's so protective and sensitive." sabi niya habang naka smirk. 

Lalong kumunot ang noo ko. "Sakin? Pano mo nasabi?" tanong ko sa kanya. 

Tumingin sya sakin. "Dara we're bestfriends since bata palang kami at kilalang kilala ko na sya." sabi niya habang nakangiti sakin. 

Napangiti nalang ako habang umiiling.  "You want to test my theory?" tanong niya sakin. 

Napatingin ulit ako sa kanya pero nagulat kasi medyo malapit na sya sa muka ko. Nakasmirk sya at parang prino-provoke niya ko. 

Lumayo ako ng bahagya dahil feeling ko maduduling na ko sa lapit niya at hindi ako sanay na ganito sya kalapit sakin. 

"Bakit ano bang theory mo?" tanong ko. Nagsmirk ulit sya at umupo na sya ng tuwid sabay tingin sa dagat sa harap namin. 

"Na may nararamdaman parin sya sayo." simpleng sagot niya sakin. Parang sure na sure sya sa mga sinabi niya. 

Nakatingin lang ako sa kanya. Bigla syang tumingin ulit sakin. "At alam kong ganun ka din." sabi pa niya. 

Bahagya akong nagulat at hindi agad ako nakasagot.

"Muka namang hindi ka naniniwala sakin. So you want proof?" tanong niya.

Sa mga oras na to hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Half part of me is telling me na gusto kong malaman pero the other part of me is telling me na wag nalang dahil sa dalawang dahilan...

Kung mapatunayan ko ngang may nararamdaman pa sya sakin mas malaking problema yun dahil committed sya at mas masasaktan ako dahil hindi sya pede para sakin. Hindi pedeng maging kami ulit.

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon