Chapter 10

168 2 0
                                    

DARA'S POV

Tumayo ako sa upuan ko kahit pa medyo nag aalangan ako dahil umaandar yung sinasakyan namin. 

Hindi ko na din tinignan yung moody na lalaki na yun. Nang malapit na ko kayla Cee biglang nag preno ang sasakyan at na out of balance ako. 

Nagpanic ako dahil ang bagsak ko ay sa upuan ni Ji pero huli na ang lahat at hindi ko na napigilan ang pagkalaglag ko. 

Napapikit ako alam kong hindi naman ako sasaluhin ng lalaking yun kaya inantay ko nalang ang impact ng pagkakalaglag ko pero nagulat ako ng may braso na nakasuporta sa likod ko. 

"Aw..." sabi ng boses na nasa likod ko. 

Minulat ko ang mga mata ko. Bakit parang may nahigaan ako? tanong ko sa sarili ko. 

Tumayo si Cee sa upuan niya at nakita ko na lahat ng tao malapit sa upuan ni Ji ay nakatingin sakin.

"Unnie!" tawag ni Cee sakin. Nakita kong nakatingin sya sa likod ko at naka smirk sya. 

Bigla kong naalala na may naramdaman nga akong nadaganan ko. 

Humawak ako sa upuan na nasa gilid ko napahiga kasi ako sa lapag at saka binuhat ang sarili ko patayo. 

Nang makatayo ako tumingin ako sa likod ko. Nakita ko si Ji na nakahiga sa lapag kung san ako nakahiga kanina. 

Nanlaki ang mata ko. Hala sya pala yung nagsabi ng 'aw' kanina. Nagpanic ako baka nasaktan ko sya dahil sa impact ng pagkakalaglag ko. 

"I-I'm sorry Ji." sabi ko at inilahad ko ang isa kong kamay para tulungan syang makatayo. 

Tumingin sya sakin bago inabot ang kamay ko. Pag hawak niya sa kamay ko bigla kong naramdaman ang pag kabog ng dibdib ko. 

Nagkatinginan kami. Bakit may ganito parin syang epekto sakin? tanong ko sa isip ko. 

"Sorry, may iniwasan lang ako. Wala bang nasaktan sa inyo?" sigaw ng driver namin. 

Naririnig kong pinapagalitan ni Mr. Yang ang driver namin at sinasabing mag ingat sa pagmamaneho pero parang ang distant lang ng tunog sakin dahil nalulunod ako sa mga titig sakin ni Ji. 

"Oh upo na." sabi ni Mr. Yang at biglang umandar ang sasakyan dahilan para ma-out of balance ulit ako ng bahagya. 

Ang bilis ng pangyayari parang automatic ang pag salo sakin ni Ji. In a matter of seconds hinawakan niya agad ang bewang ko para hindi ako matumba. 

Nag react ulit ang puso ko. Ano ba tong nangyayari? Ako lang ba nakakaramdam nito o pati din sya? 

"Ahm... Guys, upo na daw sabi ni sajang-nim." sabi ni CL na nakangiti ng nakakaloko habang nakatingin samin. 

Bumalik kami sa realidad ni Ji at binitawan na niya ang kamay at bewang ko. 

"Sorry." bulong niya. 

"Okay lang. Salamat." Sagot ko at sabay tingin kay Cee at inabot na ang unan sakin. 

Pagupo ko sa upuan ko nakaramdam ako ng init. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. 

Pano ba ko makakatulog nito dahil sa nangyari? Tumingin ako sa bintana, naalala ko na naman ang nangyari kanina. 

Biglang uminit ang pisngi ko. Hinawakan ko ito at saka tinapik ng bahagya ang sarili ko. 

Tama na Dara. Walang ibig sabihin yun. Sabi ko sa sarili ko. 

Nagbuntong hininga ako. This will be a long ride. 

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon