Chapter 9

150 3 0
                                    

JIYONG POV

"Hyung, dadating daw si Dara noona ngayon!" sigaw ni Seungri sa pinto ng recording studio namin.

I froze. Gano na ba katagal? 10 years? Sa tagal ng panahon magkikita ulit kami.

Napalunok ako. Handa na ba akong makita sya?

 "Okay ka lang ba?" tanong ni Taeyang na nasa gilid ko.

"Oo naman." oo, handa na ko. Bakit ako maiilang hindi naman ako ang nakipaghiwalay.

---

Naglalakad ako pabalik balik sa loob ng studio. Nandun na sila lahat sa cafeteria. Magpapakita ba ko?

"Oo, magpapakita ka. Kasi kung hindi ka magpapakita lalabas na ikaw ang affected." bulong ko sa sarili ko.

Sa labas palang ng cafeteria naririnig ko na ang ingay nila. Nagsimula na kong kabahan. Bakit ba ko kinakahaban? Kailangan maging cool parin ako sa pagharap ko sa kanya. sabi ko sa isip ko. 

"Am i late for the party?" Sabi ko pagpasok ko sa loob. 

Ayun sya. Nakatalikod sakin. Bahagyang nanlaki ang mata ko ng makita ko ang suot niya. 

Ngayon ko lang sya nakitang ganyan ang suot. Pero balita ko nagpalit daw sila ng suot ni Kiko pero bagay sa kanya. She looked good. I mean, lagi naman syang mukang maganda eh. 

Lumakad ako papunta sa kanya. Napansin kong medyo napa artras sya kaya tumigil na ko sa di kalayuan sa kanya. 

"Hi Dara. Long time no see." casual na sabi ko. 

Nakatingin lang sya sakin pero hindi sya nagsasalita. Anong nangyayari? Okay lang ba sya? tanong ko sa isip ko. 

Finally nagsalita na din sya. "Ahm, Hi Ji." tipid na sabi niya. 

Ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin. Bakit ba ang hirap ng sitwasyon na to? hindi ko maiwasang hindi magtanong.  

'Ji' parin ang tawag niya sakin. Sya lang ang tumatawag ng Ji sakin. I miss being called Ji by her. 

After all these years meron parin syang effect sakin. Hindi ko alam ang nangyari, kung bakit kailangan matapos yung relasyon namin. 

Seeing her now bumalik lahat sakin. Kung pano lang simple ang buhay noon, na lahat ng gusto kong gawin nagagawa ko, nasasabi ko pero ngayon marami ng nagbago. 

Naabot ko nga yung dream kong maging artist at gumawa ng kanta pero ang kapalit naman nun ay ang taong pinapahalagahan ko ng sobra. 

Sa sobrang busy at demanding ng trabaho ko nawalan na ko ng oras sa kanya. Ang babaeng laging nandyan para suportahan at mahalin ako. Ang babaeng nakakakilala sa totoong Jiyong. 

Pagkasama ko sya hindi ko na kailangang magpanggap. She keeps me grounded

Nung nawala sya kinailangan kong kumilos na parang walang nangyari, na parang hindi nawala ang kalahati ng buhay ko. 

Kahit gustuhin ko mang sundan sya sa Pilipinas hindi ko magawa dahil sa dami ng schedule namin. 

Ngayon na nandito na sya gustong gusto kong sabihin lahat ng gusto kong sabihin noon pa pero iba na ngayon. Maraming taon na din ang lumipas. 

Baka...Baka may boyfriend na sya o asawa at isa pa may... Girlfriend na ko ngayon. 

"Hi guys!" napatingin ako sa boses na nasa pinto. 

Ngumiti ako. Pero nagulat ako ng tumakbo sya papunta kay Dara at niyakap ito. 

"Thank you so much for helping me out today." sabi niya kay Dara. 

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon