Chapter 21

162 3 0
                                    

JIYONG POV

Habang nakatingin ako sa mga ulap hindi ko maiwasan na maalala ang nangyari kahapon. Ang ngiti niya, ang tawa niya, ang boses niya habang tinatawag niya ang pangalan ko at ang pakiramdam habang yakap ko sya sa mga bisig ko at ang mga labi niya. 

Hinawakan ko ang labi ko habang nakapikit at sinasariwa ang naramdaman ko ng mga oras na yun. 

Hindi ko maipaliwanag pero kahit hindi namin sabihin sa isa't isa ramdam kong mahal parin namin ang isa't isa. 

Napangiti ako sa konting liwanag na may pag asa parin para samin. Pero kung gano ko kabilis narealize na may pag asa pa kami ganun din kabilis ko naisip ang sitwasyon ko ngayon. 

Papunta na kami ngayon sa Japan. Kinakailangan ko na namang magpanggap. Sa ilang buwan na naging kami parang nasanay nalang ako na magpanggap. 

"Jiyong-ah." Napalingon ako ng may tumawag sakin. Nakita kong nakatayo na si Taeyang. 

Nakapalapag na pala ang eroplano namin. We're here in Japan. 

Ngumiti ako ng matipid at sinuot ang shades ko saka tumayo. 

Pagdating sa airport ang daming tao na nagsisigawan at sinisigaw ang pangalan namin. Nakayuko ako habang naglalakad. 

At habang naglalakad ako pakiramdam ko I'm detached with my own body dahil ang utak ko ay nasa Pilipinas parin habang patuloy na nag p-play sa utak ko ang mga sandali na magkasama kami. 

Pagdating sa kotse dalawa kami ni Taeyang na magkasama sa isang kotse. Nakatingin lang ako sa bintana. 

"Jiyong-ah, Okay ka lang?" tanong sakin ni Taeyang. 

Tumingin ako sa kanya  at tumango saka tumingin ulit sa bintana. Narinig ko syang nagbuntong hininga. 

"Alam mo tutol talaga ko sa arrangement na yan eh. Medyo na guilty din ako. Pasensya ka na. Dahil ikaw ang leader namin naging responsable ka pa na gawin lahat ng ito." tumingin ulit ako sa kanya. 

Nakikita ko ang pagaalala sa mga mata niya. Alam kong concern sya sakin at tama sya, ginawa ko yun para sa kanila, para samin. 

Isa sa mga kinailangan kong gawin para maabot namin ang mga pangrap namin. 

"Wala yun. Hindi mo kailangan ma-guilty. Ginawa ko yun ng maluwag sa loob ko. Para satin din naman yun. Sino ba ko para tumanggi." sabi ko ng walang emosyon. 

Napailing sya. "Pero nahihirapan ka naman. Kung pede ko lang akuin yang responsibilidad na yan. Handa naman ako eh." sabi niya. Nakikita kong seryoso sya pero natawa ako ng bahagya. 

"Okay lang ako. Seriously." sabi ko at hinawakan ang balikat niya saka ito tinapik. 

"Pero pano si noona Dara?" tanong niya. 

Natigilan ako saglit pero ngumiti ulit ako. "As much as gusto kong ipaglaban ang meron kami hindi ko na din magagawa ngayon. Siguro kung noon ko ginawa baka nagkaroon pa ng pagkakataon pero ngayon malabo na yata." paliwanag ko habang nakangiti ng mapait. 

"Pero hindi mo naman kasalanan yun. Kung alam mo lang noon na nagkikita sila ni Chaerin nagkaroon ka sana ng panahon para bumalik kayo sa dati." 

Tinignan ko ulit sya. Bilang bestfriend ko alam ko nasaktan din sya para sakin nung nawala sakin si Dara. Parang sya yung mas nag express ng sakit at lungkot na dapat nilabas ko noon. Pero dahil sa debut namin at responsibilidad ko bilang leader ng grupo wala akong pagkakataon na ilabas lahat ng yun dahil mas iniisip ko ang kapakanan nila, ng grupo namin.

Kung nagmukmuk ako noon wala sana kami ngayon sa kinalalagyan namin. Ayoko silang biguin dahil pare-parehas naming pangarap ito. Alam ko na alam ni Taeyang ang dahilan ko kung bakit mas pinili kong bitawan ang nararamdaman ko kay Dara dahil mas importante sakin ang pangarap naming lahat. 

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon