Chapter 11

163 2 0
                                    

DARA'S POV

Naglalakad ako sa tabing dagat. Medyo nagdidilim na at malakas ang hangin. Medyo malamig na din.

Napakunot ang noo ko ng tignan ko ang suot ko.

I'm wearing a bikini top na may see-through na cover and denim short.

Napairap ako sa kawalan ng maisip ko kung bakit ganito ang suot ko. Alam kong beach ang pupuntahan namin pero dahil nagpupumilit si Cee na suotin ko to wala na kong nagawa.

Nagtalo pa kami sa pag suot ko ng cover na to dahil ayaw niyang suotin ko pero hindi ako ganun ka-comfortable na mag suot lang ng bikini top.

Kaya despite her protest sinuot ko parin to. Ngayon naman ang problema ko ang lamig.

Ayoko pang bumalik sa loob dahil ang ganda ng view na nasa harap ko. Its so beautiful seeing the light na unti-unting kinakain ng kadiliman.

Umupo ako sa sand habang nakatingin sa horizon.

I can't help but to think what Ji asked me nung nasa elevator kami.

May... Boyfriend ka na ba? That's still buried in my mind.

Bakit niya tinanong? Bakit gusto niyang malaman? As if naman may paki pa sya sa nangyayari sakin.

Naputol ang pagiisip ko ng may nag 'Hi' sakin.

Tumungin ako sa gilid ko and there he is. The guy that is on my mind.

"Can i join you?" tanong niya sakin. Tumango lang ako sabay ngiti.

Umupo sya sa tabi ko may konting space sa pagitan namin.

Tumingin ulit ako sa view na nasa harap ko. Saglit kaming tahimik at maya maya pa ay nagsalita sya.

"Ang ganda ng view no?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa harap niya habang nakangiti na hindi labas ang ngipin niya.

"Yup." sagot ko at tumingin ulit ako sa harap ko.

"Dara..." tawag ni Ji sakin. Kaya lumingon ako.

Paglingon ko nakatingin sya sakin. Nagulat ako kasi may iba sa mga tingin niya.

May kung anong lungkot sa mga mata niya.

"I'm sorry sa tinanong ko kanina. I didn't mean to-" natigilan sya ng magsalita ako.

"Di mo kailangan mag sorry para sa maliit na bagay Ji. It's okay." sabi ko habang nakangiti.

Nakatingin lang sya sakin. At maya maya pa ay ngumiti na ulit sya and this time nilabas na niya ang ngipin niya.

I can't help but to stare on that face. Parang gusto kong abutin ang muka niya para himasin pero kailangan kong pigilan ang sarili ko kaya tumingin ulit ako sa harap ko.

Biglang humampas ang malakas na hangin napahawak ako sa magkabilang braso ko at bahagyang nanginig.

Hayy... Dapat talaga di ko na sinunod si Cee eh.

Maya maya pa ay may naramdaman akong kamay sa balikat ko. Pagtingin ko nilagay pala ni Ji ang polo na suot niya sakin.

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti sya sakin ng nagtama ang tingin namin.

"Salamat." sabi ko sabay ngiti din sa kanya. Hinawakan ko ang balikat ko para i-cover pa lalo ang balikat ko pero nagulat ako ng mahawakan ko ang mga kamay niya.

Nasa balikat ko parin pala ang kamay niya habang hawak ang polo niya.

Lumakas ulit ang tibok ng puso ko. Napansin niya ang pag kagulat sa muka ko.

GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon